CHAPTER 7

254 7 10
                                    

Chapter 7

Aki's POV

Agad naman akong umalis doon sa coffee shop na yon at agad na nagpunta sa condong tinutuluyan ko, binuksan ko ang pinto ng condo at agad naman ako nagtungo sa kwarto. Walang ganang nahiga ako sa kama saka ko ipinikit ang mga mata ko.

Kahit nakapikit ako alam kung bukas ang diwa ko, sobrang gulo ng nasa isip ko. Nalilito ako hindi ko alam kung magiging masaya ba ako sa disisyon kong ito o baka pagsisihan ko.

Friday

Tatlong araw na ang nakalipas at nandito ako ngayon sa airport at ngayon na ang flight ko papuntang amerika, buo na ang loob ko na doon nalang magpagamot dahil mas malaki ang tyansa na maka survive ako sa operasyon.

------------------

Six year's later.

"Babe, nandito na tayo" gising sakin ni Alex, my girlfriend.

I smiled

Matapos ang anim na taon ibinalik ulit ako dito ng tadhana.

I lost my memory after my surgery six years ago.

Wala na akong maalala pa sa naging buhay ko dito. At ang tanging naaalala ko lang ay ang pangalang Laubre. Wala akong ideya kung sino sya at wala akong maalala about sa kanya.

After flight dumiretso na agad kami dito sa hotel kung saan kami mag i-stay.

Nandito kami dahil para mag invest ng business nya. Ayaw nya sanang isama ako dahil napapadalas ang pagsakit ng ulo. May mga alaalang pumapasok sa isip ko pero hindi ko masyado ma visualize dahil malabo lahat ng nakikita ko.

Nagutom kami parehas dahil sa traffic na dinanas namin bago kami makarating dito sa hotel. Inayos muna namin ang mga gamit namin saka kami bumaba para kumain.

Sa jollibee na kami kumain dahil yon lang ang malapit na fast food dito sa hotel. After lunch ay bumalik na sya sa hotel dahil meron syang meeting ng alas dos. Nagpaiwan naman ako dito sa labas ng jollibee dahil sabi ko sa kanya ay mamimili muna ako ng mga suauotin ko habang nandito kami.

Laubre's POV

Anim na taon.

Sobrang bilis ng panahon.

Nandito ako ngayon sa park kasama ang anak ko.

She's like her father, lahat lahat.
Nakuha nya lahat sa kanyang ama ang nakuha lang ata saakin ay ang mata.

"Akira! Bianca!" Tawag ko sa kanila.

Naglalaro silang dalawa dito sa park dahil weekends ngayon. Tuwing sabado ay nandito kami dahil gusto ni Akira na sulitin ang araw dahil sabado at linggo nya lang ako nakakabonding.

Si Bianca ay anak ng kapit bahay namin, Palagi nyang kasama ang anak ko dahil mag classmate sila.

Then ako naman ay isa nang guro kung saan pumapasok silang dalawa.

History ang itinuturo ko.

Lumapit naman agad silang dalawa.

"Mom!" Salubong sakin ni Akira.

Sinalubong ko naman ang anak ko ng yakap. She's 5 years old. And shes my everything.

Lahat ng kaya kong ibigay sa kanya ay ibinibigay ko, I love her so much.

Kinuha nya yong tirang capcakes na dala namin at binigay nya yong isa kay Bianca. Pinagmamasdan ko lang sya habang inaalala ang nakaraan.

Sobrang dami ko nang pinagdaanan. At lahat yon kinaya ko para sa kanya. Para mabigyan sya ng magandang buhay, nagsumikap ako para sa kanya.

Kasabay non ang pag ring ng cellphone ko.

"Hello" i answered.

"Bra!! Dala mo ba ang anak ko!?" Ani ng nasa kabilang linya.

I rolled my eyes.

"Yeah, what's new?" Matamlay na sagot ko. Kahit kelan talaga ang oa nito! "Don't worry, pauwi na rin kami" i ended.

After 5mins ay naandito na kami sa bahay dahil walking distance lang dito yong park na pinuntahan namin.

Nakita ko agad si Riz na nakatayo di kalayuan sa gate namin. Yes anak nya itong si bianca at kay Sid ko sya ipinaalam kanina kaya hindi alam nitong buhang ito na dala ko ang anak nya. Di ko rin alam at bakit hindi nasabi no Sid na nasa akin si Bianca. Ugh! Bahala na.

Nung nakalapit na kami sa kanya ay tinaasan nya ako ng kilay kaya hindi ako nagpatalo at tinaasan ko din sya ng kilay.

"Bianca come here" utos nya sa anak nya.

Agad namang lumapit si Bianca sa kaniya at humawak sa kamay ng mommy nya. Si Akira naman ay hawak ko din, magkaharap kami ngayon ni Riz.

Tinarayan ko sya at aamba na sana akong pumasok sa loob ng bahay pero hinarangan nya ako.

"Next time sa akin ka magpaalam at hindi kay Sid!" Sigaw nya sakin "Bianca let's go" ani nya at nag martya papasok ng bahay nila.

Narinig ko namang bumungisngis si Akira pero nung tinitigan ko sya ay agad syang nagpanggap na parang wala lang.


THE WISHFUL THINKER (Book 2)Where stories live. Discover now