CHAPTER 10

176 5 0
                                    

Dahan-dahang kinuha ni Delaine ang cellphone niya at sinilence iyon para kung sakaling may magtext ay walang magiging ingay.










Tagumpay niya naman itong nagawa. Ang kailangan niya nalang ay tanggalin ang tali sa mga paa niya.










Nilibot niya ang tingin niya sa buong kwarto at napangiti nang makita ang kutsilyong hawak nito kanina.










Dahan-dahan siyang kumilos para hindi makagawa ng ingay, dahil kung serial killer ito kaya nitong makaramdam.










Pagkakuha niya sa kutsilyo ay muli niyang tinignan ang natutulog na si Lyon. Habang tinatanggal ang tali ay panay ang dungaw niya sa kinahihigaan nito dahil baka magising ito.











Pagkalipas ng ilang segundo ay natanggal niya rin ang tali kaya dahan-dahan siyang kumilos palabas sa lugar na iyon. Nang tuluyang makalabas ay nilibot niya ang tingin niya sa buong lugar.










Habang naglalakad ay kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan si Talia.










"Hello, Talia, kailangan ko ng tulong mo” hinihingal at kinakabahang bungad niya sa kaibigan nang sagutin nito ang tawag. “Please, kailangan kong makatakas, nandito ako sa San Ferial Stree.”










Panay ang lingon niya sa paligid dahil baka nagising ito.










"Oh! Sige magkita tayo sa malapit na park ja'n" ani kaibigan niya.










Kaagad niyang binaba ang tawag at paglingon niya sa likod niya ay nakita niya ang isang bulto ng lalaki na may hawak na kutsilyo sa kamay nito.










Oh, shit!











Tumakbo na siya hanggang sa bilis na kaya niya at pumunta sa pinakamalapit na park.










"Hindi ka makakatakas sa 'kin at once na mahuli kita hindi lang kita gigilikan ng leeg" ani ni Lyon sa walang buhay na boses.











Dumagundong ang kaba sa dibdib niya nang makita itong nakasunod na sa kanya.










Ilang dasal ang ginawa niya para lang makatakas pero hindi niya pa nakikita ang sasakyan ni Talia.










"Sabi ko naman kasi sa ‘yo na hindi ka makakatakas sa 'kin. Tulad ka rin ng ibang mga pinatay ko, matitigas ang ulo" ani Lyon.










Napalunok siya ng makitang ilang metro nalang ang layo nito sa kanya, pero bago pa man siya nito malapitan ay binunggo na ito ng isang kotse.










"Laine, bilis sakay" sigaw ni Talia habang nakadungaw sa binuksan nitong pinto.











Dali-dali siyang pumasok sa kotse nito at nakita nilang nakakabangon na si Lyon kaya agad na pinatakbo ni Talia ang sasakyan.











"Oh God Laine! Sinagasaan ko siya" sambit ni Talia habang nanginginig ang mga kamay.











"No, you didn't. Kung hindi mo ginawa iyon, mababalitaan mo nalang na patay na ko" hinihingal na sambit niya.










"What do you mean? Stalker mo ba 'yon? Admirer? Kasi naguguluhan na ‘ko talaga, Laine" ani kaibigan niya.











Tinitigan niya ito kahit na nakatuon ang atensyon nito sa kalsada. Masaya siya dahil muli niyang nakita ang kaibigan matapis nang nangyari sa kanila.










"He is the serial killer who killed Hailey" she said.










Bigla itong napapreno sa sinabi niya, buti nalang talaga at walang nakasunod na kotse sa likod nila.










"He's what?" Tanong nito habang nanlalaki ang mga mata pero kalaunan ay napalitan ng pag-aalala. "Kamusta ka na? May masakit ba sa ‘yo? Sinaktan ka ba niya? Ano? Magsalita ka" sunud-sunod na tanong nito.










"Pa'no ako makakapagsalita kung sunud-sunod ang tanong mo?" Turan niya.











Pinakalma nito ang sarili na may kasama pang paggalaw ng mga kamay.










"So, siya ang serial killer na matagal nang hinahanap ng mga pulis?" paunang tanong nito.











Tumango siya sa tanong nito, napatango-tango ito bago pinaandar ang kotse.










"Kailangan nating i-report yan kay Tita Dely. Ang mama mo at ikaw ang magiging susi para mahuli ang serial killer na iyon" ani kaibigan niya.










Napatango-tango lang siya sa suhestyon nito habang tinatahak ang daan pauwi sa bahay niya.










I'm sorry, Lyon, pero gusto kong magbago ka at tanging batas lang ang pwedeng magparusa sa mga ginawa mo. Anang isang bahagi ng isip niya at may kaunting awa na nararamdaman para kay Lyon.









| | To be Continued... | |

He's The Serial Killer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon