PROLOGUE

1.5K 48 4
                                    

"Dria…”








Napalingon ang batang babae sa tumawag sa kanya at napangiti ito ng makita si Ly.








"Ly…" sigaw ng batang babae at sinalubong  ng yakap ang batang lalaki na nagngangalang Ly.









"Ly, aalis na kami nila Papa. Promise mo sa ‘kin susundan mo ‘ko sa Maynila, ah?" anang ng batang babae at nag-uumpisa nang umiyak.









"'Wag ka nang umiyak, Dria. Promise ko sa ‘yo susundan kita sa Maynila at kapag malaki na ‘ko liligawan kita. Pangako ‘yan" turan ni Ly.








"Iintayin kita, Ly. Pangako hindi ako magpapaligaw sa iba hangga't hindi ka nakakasunod sa 'kin sa Maynila" pangako naman ni Dria.









Kapwa nag-iyakan ang dalawang bata nang sunduin na sila ng kanya-kanya nilang Yaya. Muling tinignan ang bawat isa habang hawak-hawak ng kani-kanilang yaya.









LUMIPAS ANG PITONG TAON at nakangiti si Ly na umapak sa Maynila. Sa wakas makikita ko na rin si Dria sa loob ng pitong taon.









Mabilis siyang nagtungo sa eskwelahang pinapasukan ng babaeng mahal niya ng sobra.








Masaya na sana siyang sasalubungin ito ng makita ngunit nakita niya itong may kahawak kamay at nakangiti.









Napangiti siya ng makita siya nito pero nawala ang ngiti niyang iyon nang parang hangin lang siya sa paningin nito.









Ni hindi man lang ito nagulat sa muli nilang pagkikita.









Sinira niya ang pangako niya. Sinira niya ang tiwalang binigay ko. Anang isang bahagi ng isip niya habang nakakuyom ang mga palad.









Alam niyang mahal niya ang lalaking kahawak kamay nito sa paraan pa lamang ng pagngiti nito.








Pinapangako kong sisirain ko ang buhay ng mga taong nagpapahirap sa taong mahal ko. Anang isang bahagi ng isip niya.









Tumalikod na siya rito at naglakad palayo rito habang walang emosyon ang mukha.








"Mag-intay ka lang, Dria. Ako ang gaganti para sa ‘yo sa oras na lokohin ka niya” ang huling salitang binitawan niya.









| | To be Continued... | |

He's The Serial Killer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon