CHAPTER 1

1.1K 37 3
                                    

"Anak, gumising ka na."









Unti-unting idinilat ni Delaine ang mga mata niya ng marinig ang sigaw ng kanyang ina.









"Anak!" Sigaw muli ng ina niya kaya umupo siya sa kama mula sa pagkakahiga.









Napahikab siya dahil sa antok. Mugto ang mga mata niya dahil sa pag-iyak. Wala nang bago dahil gabi-gabi naman siyang umiiyak.










It's been a month but that painful experience she had is like a nightmare to her.









Ang lalaking minahal niya ay nagawa siyang lokohin. Minahal niya ito ng lubos at binigay lahat ng gusto nito, pero hindi pa pala iyon sapat para magtagal ang relasyon nilang dalawa.










They've been in a relationship for a year but she caught him having an affair with her schoolmate.










Hindi pa siya naniniwala noon sa sinasabi ng kaibigan niya dahil buo ang tiwala niya sa dating nobyo, pero tuluyan iyong nawala ng siya na mismo ang nakasaksi.










Bumukas ang pinto ng kwarto niya at bumungad ang ina niyang may pag-aalala sa mukha nito.









"Okay ka lang ba?" Tanong ng ina niya.
Tumango lang siya at tuluyan ng bumangon sa kinahihigaan niya saka nagtungo sa banyo para maligo.









Saglit lang siyang naligo at bumaba na rin kaagad matapos makapagbihis.









"Morning, Ma" bati niya sa ina na kasalukuyang inaasikaso si Fairyll na anak ng kapatid ng ina niya na si Fiona.










Naupo siya sa lagi niyang p'westo saka kumuha ng isang tinapay at pinalamanan iyon.









Nakauniporme na rin ang ina niya na kasalukuyang tinutulangan si Fairyll sa pagkain.










"Ma, nasa'n si Tita Fiona?" Tanong niya matapos lunukin ang tinapay.









"Maagang umalis. Mamimili daw muna siya ng ilang grocery para sa tindahan" paliwanag ng nanay niya na kinatango niya nalang.










Naging tahimik ang agahan nila hanggang sa matapos. "Ma, alis na 'ko."










"Gusto mo bang ihatid kita?”









"Hindi na, Ma, kaya ko na ang sarili ko" nakangiting tugon niya saka hinalikan sa pisngi ang nito.









"Mag-iingat ka" sigaw nito na kinawayan niya lang.









Madalang lang siya magtricycle dahil malapit lang naman ang school na pinapasukan niya. Nagtatricycle lang siya kapag malelate na siya.









"Ouch!" Daing niya ng may bumangga sa kanya.









Buti nalang at hindi gano'n kalakas kaya hindi siya tumumba.










"Sorry."










Nangunot ang noo niya ng marinig ang malalim na boses ng lalaking bumangga sa kanya.









He's The Serial Killer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon