EPILOGUE

964 26 2
                                    

Maraming pulis ang nakapalibot ngayon sa lugar kung saan ikinulong si Delaine ni Lyon.









Pinasok ng ilang pulis ang bahay at wala pang ilang minuto ay lumabas ang mga ito hawak-hawak si Lyon habang nakaposas.









"Thank you, anak, at hindi mo siya pinagtakpan" anang ina niya.









Nagtaka siya sa sinabi ng ina niya at nagtanong rito.









"Huh? Bakit ko naman po siya pagtatakpan? Eh, siya po ang dahilan kung bakit maraming namatay na estudyante" turan niya sa ina.










Kahit na alam kong nakaroon ito ng puwang sa puso ko. Dugtong niya sa isipan niya.









Ngumiti ito sa kanya at hinaplos ang buhok niya. "Dahil kababata mo siya."










Nanlaki ang mata niya sa sinabi ng ina niya at muling napatingin kay Lyon na nakatingin din pala sa kanya na may malulungkot na mga mata habang nakasakay sa likod ng police car.









NASA INTERROGATION ROOM si Lyon habang nakikita naman nila Delaine ito mula sa isa pang kwarto.









"Papasok na 'ko sa interrogation room" sabi ng ina niya pero pinigilan niya ito.









"Gusto ko ring pumasok" saad niya.









Tumanggi ito pero gusto niya ring ma-confirm mula kay Lyon ang totoo.









"Ang sabi mo, ma, na kababata ko siya. Nakasama ko siya Mama at alam kong may rason siya kung bakit niya 'to ginagawa" litanya niya rito.









Napabuntong hininga ang ina niya at tumango, hudyat na pwede siyang sumama kaya sumunod na siya rito palabas.









Mabuti nalang at hindi tumutol ang ilang pulis gayong makakatulong rin daw siya sa kaso.









Napalingon sa kanya si Lyon nang pumasok siya kasunod ang ina niya. Malungkot itong ngumiti sa kanya at humarap din sa ina niya na malungkot ang mga mata.









"Hindi na 'ko magpapaligoy-ligoy pa, Lyon-"










"Pinatay ko silang lahat. Tama ang lahat ng ibibintang niyo" pagsingit nito kahit na wala pang itinatanong rito.










"Bakit? Anong dahilan mo para basta-basta mo nalang silang patayin?" tanong niya rito.









"Dahil sa 'yo" sagot nito na naging dahilan ng pagkabigla niya.










"D-dahil sa akin?" gulat na tanong niya.









Napalingon siya sa ina niya at wala itong sinasabi kaya hindi niya alam kung bakit hindi ito nagtatanong.









"P-paanong ako? Sabi sa 'kin ni Mama na kababata kita pero hindi ko naaalalang may kababata ako" saad niya rito.










Peke itong tumawa at muling tumingin sa kanya.









"'Yun na nga, eh. Hindi mo 'ko maalala. Pinatay ko silang lahat para sa 'yo dahil mahal kita" ani nito.









Napakuyom siya dahil sa sinabi nito.









"Kung mahal mo 'ko, dapat ginawa mo ang alam mong tama, pero itong pagpatay mo maling-mali 'to. Maski ako gusto mo 'kong patayin. Kung hindi pa dumating ang kaibigan ko natulad na rin ako sa mga pinatay mo" singhal niya rito pero muli lang itong tumawa sabay balik sa pagiging seryoso.










"Sinasaktan ka nila, sa tingin mo hahayaan ko ang mga babaeng 'yon ang maging dahilan ng pagkawasak ng puso mo? Hanggang malayong tingin lang ang kaya kong ibigay sa 'yo, ni mahawakan ka hindi ko magawa samantalang ang walanghiya mong ex kaya kang hawak-hawakan" hinanakit nito.









"Lyon..." tanging pagbigkas niya nalang sa pangalan nito.









"Oo, gusto na kitang patayin ng araw na 'yon dahil sa pangalawang pagkakataon lalayo ka nanaman sa 'kin at hindi tutuparin ang pangako mo" ani nito sa mababang boses.









Wala siyang masabi kung 'di ang tignan lang ito sa mata na tila naglalabas ng galit.









"Alam mo bang nasasaktan ako tuwing nakikita kitang hawak ang kamay niya? Pero anong ginawa niya? Niloloko ka niya habang nakatalikod ka, at alam mo kung ano ang ginawa ko sa mga nilalandi niya? Pinatay ko sila" sa sinabi nito ay duon lang nagproseso ang mga babaeng pinatay nito.









So, lahat ng 'yon ay mga nakalandian ng ex ko habang nakatalikod ako?









"Pinatay ko sila dahil niloloko ka nila patalikod. Pero alam mo kung ano ang nakakatawa? Kahit anong gawin ko hindi mo 'ko kayang mahalin pabalik" turan nito.









"Kaya kitang mahalin... kung magbabago ka, Lyon. Kung pagsisisihan mo ang mga kasalanan mo" saad niya.









Hindi na ito sumagot pa dahil para dito ay hindi totoo ang mga sinabi niya.









"For the last question, Lyon. Ano ang mga hiwa na nilagay mo sa hita ng mga estudyante? Is that a barcodes?" Tanong ng ina niya.









Nakita nila ang pagsilay ng ngisi ni Lyon na siyang kinabahala niya.









"Tama ka. Mga barcodes nga 'yon at alam mo ba kung ano ang nakalagay don?" Nakangisi itong mas lumapit pa sa kanila.









"S.KillerLyDria. Ang dali lang hulaan pero dahil hindi kayo marunong sa mga barcodes hindi niyo nahulaan" ani nito.









Hindi na siya nakatiis pa at lumabas na siya sa interrogation room. Hindi niya na kaya ang mga pinagsasasabi nito. At talagang dinawit pa nito ang pangalan niya.










Hanggang sa lumipas ang buwan at nasistensiyahan ng panghabang buhay na pagkakakulong si Lyon.









Hanggang ngayon masakit pa rin para sa kanya na makukulong ito, pero iyon ang tama.










Kailangan nitong harapin ang ginawa nitong krimen. Para na din rito ang ginagawa nila, para sa ikabubuti nito.









Goodbye, my serial killer.








THE END!!!

He's The Serial Killer (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon