Dear Diary,
Malungkot ako ngayon Diary. Ganito ba talaga ang pakiramdam? First time ko lang itong maramdaman dahil siguro first time kong magmahal sa isang lalaki. Hay, Diary ko ni wala akong ganang bumangon at kumain nandito lang ako sa kama ko ng may nangingilid na luha. Sino ba naman kasi ang hindi magkakaganito kung nakita mo ang minamahal mo na ayun kasama ang kaibigan mo at sweet na sweet.
Oo, si Sydney nga ang tinutukoy. Nakita ko kasi sila habang naglalakad ako papuntang tindahan. Nakita ko si Charles na nasa kabilang kanto at tahimik din na naglalakad pero syempre ako nagtago naman kasi nga sabog pa 'yung buhok ko kasi nga umaga pa nun.
At nakita ko, kitang-kita ko kung paano mag intertwine 'yung braso ni Syney kay Charles. Noong una nagulat si Charles pero bigla siyang tumawa at ngumiti.
At 'yung ngiti na iyon ay nakikita ko lang tuwing magkasama kami.
Good Night Diary XOXO.
BINABASA MO ANG
Diary ni Ms. Paranoid
AdventureParanoid personality disorder (PPD) is a mental disorder characterized by paranoia and a pervasive, long-standing suspiciousness and generalized mistrust of others. Anxiety is a general term for several disorders that cause nervousness, fear, appreh...