Dear Diary,
Nangyari na! Nangyari na ang kinatatakutan ko Diary. Napakatagal na panahon ko ng iniisip ito, ngayon nangyari na talaga. Nanginginig ako habang sinusulat ito ngayon. Nasa loob ako ng kwarto ko sa ilalim ng kama. Natuklasan kong nandito pala 'yung matagal ko ng nawawala na oreo.
Ito na nga Diary, ganito ang nagyari kahapon...
Pagkatapos ng klase dumiretso na agad ako sa lumang building na nakalagay sa sulat. Muli kong binasa 'yung letter bago ako tumuloy. Nanginginig ako at pinagpapawisan habang dahan-dahan na iniintindi ang nakasulat:
Kamusta kana Cindy? Pasensya ka na kung tinakot kita sa style ng letter ko. I am just a random guy, no need to be scared. May utang ka lang sa akin that's why I need to talk with you in private. Meet me after your class. I will be at the old building of your school, you know what building right?
Remember, pumunta ka or you'll face the consequences :) Okay? See you Ms. Cindy!
Phew! Huminga ako ng malalim at naglakad na papasok sa lumang building. Sobrang luma na talaga nito, sira-sira na ang pinto, nagtutuklapan na ang mga pintura sa pader. Naalala ko tuloy 'yung "A False Refletion" na story sa Wattpad. Geez, baka biglang lumabas si Saraphina dito!
"Ang aga mo ha," isang boses ng lalaki ang narinig ko.
Nag-e-echo ito sa lumang hallway. Tumingin ako sa likod ko at nakita ko ang isang lalaki na nakasandal sa may bintana. Matangkad siya, naka-suit na all black, maputi siya at... Nakakatakot.
"Ikaw si Cindy? Hindi ba?" bigla siyang humawak sa mukha niya, para bang pinipigilan niyang tumawa, "Ilang buwan na rin kitang binabantayan."
"Sino ka ba?!" tanong ko sa kanya.
"Ako lang naman ang taong binigyan mo ng patong-patong na kamalasan."
Hindi ko talaga siya maintindihan Diary. Binigyan ng kamalasan? E takot nga akong gumawa ng kalokohan tapos ako pa gumawa ng kamalasan niya?
"Baka naman nagkakamali ka lang! Baka hindi ako 'yung taong 'yun!" sabi ko sa kanya.
Dahan-dahan siyang naglakad papalapit sa akin. Mapupungay ang kanyang mga mata. Kahindik-hindik ang awra niya.
"Naalala mo pa ba ang garbage bag na sinagasaan mo sa daan?"
"Garbage bag?" linaw ko.
Ngumisi siya sa akin, "Oo, ang garbage bag na naglalaman ng katawan ng aming huling biktima," hinimas niya ang buhok ko ng makalapit siya sa akin, "Pero pwede ko rin naman ire-considerate 'yung tungkol sa 'huling' biktima."
Pagkarinig ko nun, agad akong tumakbo Diary! Hindi ko alam kung saan ako papunta pero agad akong tunakbo! Ire-considerate? So, ang ibig niyang sabihin gusto niya akong patayin?!
Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa makarating ako sa parte ng campus na busy. Diary, nasa panganib ako. Hindi ko alam kung sino siya at kung ano siya.
Good night Diary XOXO.
PS. Diary, sa pahina 25 mo mababasa ang tungkol sa garbage bag. Kung hindi ako nagkakamali. Tama rin ang hinala ko nachop-chop ang nasa loob non. Diary, katapusan ko na.
BINABASA MO ANG
Diary ni Ms. Paranoid
AdventureParanoid personality disorder (PPD) is a mental disorder characterized by paranoia and a pervasive, long-standing suspiciousness and generalized mistrust of others. Anxiety is a general term for several disorders that cause nervousness, fear, appreh...