Dear Diary,
Hi Diary! Ikekewento ko sayo ang nangyari ngayong umaga, mali, mula kagabi pa pala. Kasi naman ngayon ay isang napaka-big day dahil birthday ni *drum rolls* James! Oo, Diary medyo bati na kami nun kahit na siya ang dahilan ng konting pagka-paranoid ko noong mga nakaraang araw. But, this is it birthday niya daw so, may party sa kanila at bawal ma-late dahil ang mala-late daw ay hindi na papapasukin. Saklap ano?
So eto na nga ang nangyari...
"Mag-alarm ka Cindy at baka ikaw ay ma-late nanaman!" sabi ni Mommy bago ako umakyat sa taas.
"Opo mommy saka ayoko kaya ma-late 'di ako papapasukin," sabi ko naman.
Umakyat na ako papunta sa kwarto ko dala-dala si Mr. Fluffy. Pagdating ko sa kwarto ko agad kong inalarm 'yung alarm clock ko sa gilid ng kama. Inalarm ko ito 4 hours before ang party. Nakahiga na ako sa kama ng bigla kong maisip paano kung makatulugan ko 'yung alarm? So, kinuha ko 'yung phone ko at inalarm ko.
Nakatulog naman siguro ako ng mga 5 minutes ng magising ako at nagalala na baka hindi ako magising sa alarm ko kaya ang ginawa ko kinuha ko 'yung maliit kong cellphone at inalarm 'din 'yun. Hihiga na ulit sana ako ng hindi nanaman ako mapakali! Iniisip ko baka mamaya makatulugan ko ang tatlong alarm ko, hindi na ako makakapunta sa party ni James! Sayang ang damit na binili ko!
So, ang ginawa ko ay pumunta ako sa kwarto ni Mommy. Muntik pa nga ako masapok ng gisingin ko siya e, hiniram ko ang alarm clock niya sabay takbo na palabas. Inalarm ko ito at itinabi sa higaan ko. Nung nakahiga na ako sumiksik si Mr. Fluffy sa akin. Nakapaligid sa akin ang mga alarm ko, dalawang alarm clock ang nakatapat sa magkabila kong tenga at 'yung dalawang cellphone sa gilid ko rin.
Ending Diary, hindi rin ako nakatulog sa sobrang kaba na hindi ako magising :(
PS. Medyo bangag ako ngayon sa party ni James. Update kita bukas sa mga nangyayari dito Diary.
XOXO.
BINABASA MO ANG
Diary ni Ms. Paranoid
AventureParanoid personality disorder (PPD) is a mental disorder characterized by paranoia and a pervasive, long-standing suspiciousness and generalized mistrust of others. Anxiety is a general term for several disorders that cause nervousness, fear, appreh...