Dolce's POV
"'Tol! Sasama ka?"
"Uy, girl! Sasama ka? Parang ako hindi."
"Sasama ka?! Sasama ako! Kyaaah!"
"Grabe, 15, 850 pesos. 5 days lang. Mahal, pero gusto ko sumama."
"Baliw! Tama lang naman talagang 15, 850. Isip isip. Tsk."
T O U R
Yan ang dahilan kung bakit ang ingay ng classroom namin. Maraming gusto sumama dahil, plus grade, and hindi ka na gagawa ng mga projects, plus experience and wala pang lesson.
Manila-Laguna-Corregidor ang destination. 5 days and 3 nights. Di pa alam kung aling hotel ang isistayan.
"Shey, sasama ka?" tanong sakin ng bestfriend ko na si Marg.
"Siguro. Kung papayagan ako nila mommy." kasi, sobrang strict ng parents ko. As in.
"Saakin si mama, papayag naman si tita tapos papa, kaso si mama baka hindi." separated ang parents nito ni Marg. Kaya ganun. Tita nya ang nag gagastos para sa studies nya and yung iba rin. Pero, naga provide pa rin ng mga kailangan nya ang parents nya para sakanya.
"Ahh. Okay. Sana payagan tayo. Gusto ko kasi sumama ei. :|" sagot ko naman. Hindi man halata pero, gustong gusto ko sumama.
Mamaya natahimik nanaman. Dumating na kasi yung teacher namin.
Science namin. Kaya tahimik, tapos palaging pinapacopy kaya yun. Okay, habang naga copy pa kami, magpapakilala na muna ako.
Hi I'm Czareena Arrietty Dolce Gracia (pronunciation : Zha-ri-na Ar-ri-ye-ti Dow-shey Gra-sya) 17 years of age, incoming 18 this coming March 24. I am currently studying at St. Dominic Academy. Yun lang. I don't need to describe myself anymore, di naman na yun importante.
After how many minutes...
*kring! kring! kring*Bell na. Sign of lunch. Lumabas na ako at hinintay si Marg. Marami ng dumaan, kasama na dun yung mga crush ko sila Rey, Marc, James at---
"Hoy! Naga daydream ka nanaman noh? Tsk. Tsk. Tsk. Ikaw talagang babae ka." biglang sulpot ni Marg. Sinamaan ko naman sya ng tingin.
"Hmp! Away mo nanaman ako. Tara na nga." sabi ko sakanya sabay hablot sa braso nya.
"Aray ko naman!" sabi nya. Nag 'sorry' naman ako at dumeretsyo na kami.
-----
*tugs*Nakabalik na kami. Nakarinig nanaman ako ng tunog ng tech deck na bumabagsak. Pag pasok namin sa loob ng room. Tama nga ang hinala ko, nandun nanaman yung mga boys sa unahan, sa teacher's table, nag tetech deck. Kinuha ko na bag ko at trinansfer iyon sa likod, dun na kasi ako nakaupo sa next subject namin.
Nakita ko naman sya dito, nag tetech deck, ang cool nya talaga, ang galing nya kasi mag tech deck ei. Crush ko sya. Hahahaha. Kaso, di kami close, tapos palagi yan, pagdating namin palagi dito sa room, nandyan na yan. Nandito yan para makipagtech deck.
Grabe! Ang galing nya talaga! Ganda nung impossible nya! E, ako nga, hindi marunong mag patalon ng bwisit na tech deck na yan. Try ko kaya magpaturo sakanya? Hahahaha. Masaya yun. Ano kaya sasabihin ko kay Je----
"Hoy! Tulala ka nanaman kayasdfghjkl" tinakpan ko agad bibig ni Marg. Baka kasi marinig nya. Napatingin naman sya--sila sakin--samin.
"Hehehe." sabi ko habang naka-peace sign sakanila. Tinanggal ko na yung kamay ko sa bibig ni Marg. "Hoy! Babae ka! Ang ingay mo! Ano ba!" pabulong na sigaw ko sakanya. Sumimangot naman sya.
"Tawag ka pala ni William, practice na tayo para sa gig natin mamaya." sabi nya sakin, at nanguna na kila Yam. Napailing naman ako sa ugali nya. Parang may problema sila ni Jericho, kaya ganun. Si Jericho, boyfriend nya.
"Hi Yam!" sabi ko, sabay kaway at smile pakarating no sa pwesto nila.
"Hey! Alam mo ba yung song na 'Kailan'?" tanong nya sakin habang hawak nya yung gitara nya. Grabe naman. Yun pa talagang kantang yun? Seryoso?
"Uhh. Oo." sabi ko sabay ngiti.
"Okay, kanta ka ah." sabi nya sabay ngiti. Nag simula na sya mag strum.
"Bakit kaya nangangaba?
sa twing ika'y nakikita~
Sana nama'y magpakilala~" kanta ko, sabay titig sakanya. Nakita ko namang patuloy lang sya sa kaka-tech deck.
"Kailan?~
Kailan mo ba mapapansin
ang aking ibig?
Kahit anong aking gawin, di mo parin pansin~" nakatingin pa rin ako sakanya. Napatigil naman sya sa pag tech deck.
"Kailan?~
Kailan hahaplusin ang pusong bitin na bit--" napatigil ako sa pag kanta ng mag tama yung tingin namin.
"Shit!"
BINABASA MO ANG
One-Day
RandomAbout to sa isang lalakeng pinaasa ang isang babae. Pinakilig-kilig nya, pero, wala naman pala syang planong saluhin ito. Isang araw na pag-ibig? Sobrang sakit sa kalooban nun. Dapat ka bang matuwa dahil kahit papano ei napasaya ka nya kahit isang a...