Chapter V (Stages)

1 0 0
                                    

"WHAT THE HELL?!"sigaw ko habang naka "⊙_⊙" face ako. Tinawanan naman nila reaction ko.

"Grabe si Shey, di na nag kekwento! Jadon ka palaa!" sabi naman ni Cess.

"Kaya ngaaa. Dayaa! Haha." sabi naman ni Janica.

"Akala ko si Rey ang crush mo?" tanong ni Joy. Actually crush ni Joy si Rey at aaminin ko crush ko rin si Rey.

Nginitian ko si Joy. "Oo crush ko sya." sabi ko sabay ngiti. Nagugulhan naman silang tumingin sakin. "Pero, gusto ko si Jadon." sabi ko habang nakangiti. Nakakunot naman ang noo nila.

"Anong pinagkaiba dun?" tanong ni Cess, na parang natatawa. Tumango-tango naman sila Joy at Janica habang nakakunot pa rin akong noo nilang tatlo. Si Marg? Alam na nya yun. Haha. Mag bestfriend kami ei. Haha.

"Kasi ganto yun. May levels kami ni Marg sa mga lalakeng type namin. Pag LIKE, 1st level palang yan, kumbaga parang infatuation lang, at parang gusto mo friends kayo, pwede ring you like him/her as a friend. Pag CRUSH, 2nd na yan. Ibig sabihin yung crush na nafefeel talaga nang ordinary teen ager. Yung GUSTO, 3rd na yan, malapit na yan sa LOVE, nakakafeel ka na gustong gusto mong gumawa nang happy memories with that person. So... LOVE... malala na yan. Malapit mo na syang mahalin, mabilis ka lang makakalagpas sa level na to. MAHAL, yan yung halos gagawin mo lahat para sakanya, magpapakamartyr ka. Kahit masakit na titiisin mo. Kung mawala sya at babalik sya sayo, tatanggapin mo pa rin sya. Kahit na anong kagaguhan ang gawin nya sayo, hahayaan mo, kasi mahal mo." sabi ko habang naka tingin sa ceiling. Nafefeel ko namang nakatingin sila sakin at taimtim na nakikinig.

Huminga ako. "Ngunit, kung sobrang sakit na. Hindi mo na kaya. Sobrang hirap na. Maaaring magtapos rin ito sa iisang bagay. Iisang bagay na madaling sabihin, ngunit sobrang hirap gawin. MOVE ON." huminga muna ako. "Yan yung bagay na yun. Minsan kasi sobra-sobrang sakit na, sobrang hirap na, sobrang hindi mo na kaya. Gagawin mo nalang yun, dahil, yun lang naman ang iisang bagay na alam mong matutulungan kang makalaya sa sakit na nadarama mo. Ayaw mo naman na gumamit nang iba dahil maaaring makasakit ka rin nang dadamdamin, mag kukusa ka kahit alam mong mahirap gawin yun. Mahirap mang gawin. Kailangan. Para sa ikakasaya mo, ikakasaya nya, at ikakasaya nang mga taong darating pa sa buhay mo." pagtatapos ko sa sinabi ko. Pag tingin ko sa kanila. Ayun.

N G A N G A

"Grabeng hugot beh." sabi ni Cess. Tinawanan ko nalang sya.

"Inlove ka na." comment naman ni Janica. Tiningnan ko sya, nginitian at umiling.

"Wala ako masabi." sabi naman ni Joy. Nginitian ko lang sya.

"Nicee Jadoooon." sabi naman ni Marg, in a slow-motion way, at mahinang boses. Tiningnan ko naman syang parang 'shut-the-fvck-up-dude'. Nginisihan nya lang ako at nagkibit balikat. Sinamaan ko naman sya nang tingin.

One-DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon