Chapter III (First Talk)

1 0 0
                                    

"Oeeem! Shit! Late na akoooo!" sigaw ko habang tumatakbo papasok ng C.R at dali daling naligo, hindi ko nga alam kung ligo pa ba yun o ano.

10:00 a.m na kasiii! Hindi na nga kami pinapasok para daw makapagready kami. Pero, shit. Ni hindi man lang ako ginisiing! 1:00 p.m aalis na yung bus. 12:30 dapat nandun na kami. 1 hour papuntang school mula dito sa bahay. At 1 hour para magasikaso akoo! At kulang yuuun! Shit talagaa!

Nagbihis na ako nang pants, P.E shirt and lumabas na nang bahay dala-dala yung maleta ko. Sa kotse nalang ako magtotoothbrush.

"Kuya! Pakihatid nga ho ako sa school." tiringinan naman sila sakin, at ang mga mukha nila 'ano-meron?' "Aish! Ngayon na ho yung tour! At late na ho ako!" tinitigan pa rin nila ako. "Aish! Magcocommute nalang nga ako!" sigaw ko, pero bago ako makalabas may sinabi si manang na nakapagpatigil sakin.

"E, alas otsyo palang ng umaga. Ang aga pa hija." tiningnan ko yung orasan sa sala and.. 8:00 a.m pa nga lang talaga. :|

*Kruuu... Kruuu...*

"Ahehe?" sabay kamot sa batok. At balik sa kwarto, narinig ko pa silang nagtawanan. Narinig ko.pa nang 'May muta pa nga. Haha. Ang excited nya dun sa tour nya. Haha.' Pag tingin ko sa salamin. Meron nga. WAAH! KAHIYAA!

Blinower ko yung buhok ko. At nagcomputer muna ako. Nakalimutan ko kasing advanced masyado yung orasan ko, at yun dapat yung gagawin ko kagabi at hindi ko naman nagawa! Hays. Mga 11:00 aalis na ako. Daan muna ako sa supermarket. Nag surf lang ako sa accounts ko at chineck ko rin yung mga gamit ko at nilagay yung mga kulang. Natulog muna ako. Inalarm kong 10:00.

Nang nagising na akong saktong 10:00 nag hilamos muna ako at kumain, nagtoothbrush. Mga 10:50 ako natapos. Umalis na kami at dumeretsyo muna sa supermarket. Bili nang foooods! *Q*

Nung nakabili na ako, nag paderetsyo na ako sa school. Pag dating ko dun 12:00 palang. Pero, nandun na yung bus, nag lalagay na nang mga gamit. Sumakay na ako, sa tabi ni Joy. Usap-usap. Hanggang sa umalis yung bus. Di nga ako nakatulog ei. Haha. Tinawagan na rin ako nila mom at dad, kung naka-alis na daw ba yung bus.

Nagising na yung iba kong kasama nung mag didinner na kami sa isang local restaurant.

Buffet style yung hinanda samin. Kain. Usap. Yun lang ginawa namin sa loob nun. Nung tapos na kami, nag ice cream kami. At pag labas...

"Ano na yan Jad. Di ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo. Haha." sabi ni Matt.

"Bakit? Kuya Matt anyare?" tanong ko kay Kuya Matt sabay tingin sakanya. Kuya Matt tawag ko sakanya kahit magkasing age lang kami, kasi naman parang kapatid na daw turing nya sakin, at kaklase ko na sya since kinder. Haha.

"E, kasi tong si Jad nakaapak ng tae. Haha." sabi naman ni Kuya Matt. Nakaapak nang tae? Wow. Haha. Nakita ko namang nakatingin sya sakin na parang nahihiya. Nginitian ko naman sya.

"Uhmm. May wet wipes ako. Sandali kunin ko lang." pumunta ako sa bus at kinuha yung wipes ko. Pag labas ko nandun pa rin sya nag hihintay. "Eto oh." sabi ko sabay abot nung wipes. Tinukso pa ako ni Mik, dahil dun, sabi ko naman wala lang yun. Pumunta naman sya sa place kung saan pwede nyang tanggalin yun na poop na nasa shoes nya.

Pinapapasok na yung iba at hihintay ko sya nun. Paupo na ako nung pagtingin ko sa uupuan ko may kamay at nandun na yung wipes. Pagtingin ko. Sya pala yun. Hindi ko alam kung nag thank you ba sya sakin tapos hindi ko narinig o hindi nga ba talaga sya nag thank you?

Umandar na ulit yung bus. Papunta na talagang Manila. Umalis ako sa lugar na iyon nang may ngiti sa aking mukha.

At last nakausap ko rin sya. :)

One-DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon