Kabanata 4

346 19 0
                                    

Hindi man komportable ay nagpatuloy pa rin ako sa pag- e'exercise. Mabilis ko naman nasusunod ang mga sinasabi ng instructor sa amin, ewan ko lang sa kasama ko na wala na yatang ginawa kung hindi tingnan ang mga kilos ko. Medyo ilang man ay hindi ko na lang pinansin. What did he want?



"Okay Miss Dezaga and Mr. Remejo, dito na lang muna natin tapusin ang work out, mukhang nakuha niyo naman agad pareho ang mga pattern. Good job for today! baka next time kaya niyo nang gawin ito without my help." pagbibiro niya at ngumiti naman ako sa kanya at nagpasalamat.



"Thank you for this Zaggie, madami akong natutunan today." pagpapasalamat ni Zadiel sa instructor namin.



"Nako! As if naman ngayon ka lang nag-gym pero, thank you rin Mr. Remejo sa pagtitiwala, anytime! you can count on me, huwag lang Sunday!" sabay naman tumawa ang dalawa.



Hindi naman na akong nag atubiling magsalita pa at nag paalam na rin. Nag ayos at nagpunas lang ako ng towel, sa condo na ako mag aayos para makapag pahinga na rin. Sinukbit ko na ang dala kong bag at lumabas ng gym. Ngunit hindi ko naman inaasahan na magsasabay pa kami palabas ni Zadiel. Tinanguan ko lang naman siya habang palabas sa gym na iyon. Ngunit hanggang elevator ay nagkakitaan pa rin kami! Napatalikod naman ako at napapikit ng mariin. Iba pa rin talaga pag kaharap ko siya.



"Lagi ka ba nag g'gym dito?" tanong niya sakin.


"Last month lang ako nag start mag gym, baguhan lang kumbaga." sagot ko naman sa kanya kahit halatang kabado. Bakit kase hindi ko na lang siya sinagot ng 'oo' o 'hindi' simple lang naman ang tanong niya!


"Akala ko matagal ka ng nag wo-work out dito, mukha kaseng hindi ka na bago sa mga tao do'n, even in the boys." napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. What does he mean by that?



"Paano mo naman nasabi?"


"Base kase sa mga tinginan sayo ng mga lalaki, mukhang hangang-hanga sa'yo. Sa bagay may dahilan naman sila." hindi ko man maintindihan kung ano ang mga pinagsasasabi niya ay tinugunan ko pa rin naman siya.



"Ganoon lang talaga siguro sila, or maybe kilala ako kase dito lang naman ako nag-sstay. May condo ako dito kaya siguro iyon ang palagay mo."


"Dito ka rin nag s-stay? What a coincidence, dito rin ako! Diyan lang sa 5th floor, room 117." masigla niyang sabi. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano, bakit nandito din siya? Wala ba siyang bahay? Bakit hindi na lang siya mag-stay sa bahay nila? Magtatagal na ba siya dito sa Pilipinas para kumuha pa siya ng condo?


"Ah-hh wow." tanging iyon lang ang nasambit ko dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Mukhang hindi ko nga siya pwedeng iwasan pa. Dahil base sa mga nangyayari, posibleng palagi na rin kaming magkakakitaan.



Saktong bukas ng elevator ay nauna na akong lumabas. Ngunit narealize ko na 5th floor? What? Pareho kami ng floor? This is killing me! halos dalawang kwarto lang ang agwat ng room namin!



"Dito ka rin pala." pagsasalita niya habang nasa likuran ko. Obvious naman diba? Kase dito ako nagtungo! Napaka ikot naman ang mata ko.



"Dito na ako." iyon lang ang sinabi ko habang pumapasok sa room ko. Napasandal naman agad ako sa likod ng pintuan. Kung hindi na talaga mapipigilan na hindi kami magkita, kailangan ko na talaga sigurong maging pormal sa kaniya. 



Nag ayos na ako't naligo at humiga na rin sa kama agad. Iniisip ko pa ang mga nangyari sa buong araw. Siguro hindi ko na kailangang sabihin kay Sabrina ang mga nangyari. Sasarilinin ko na lang ito, ayaw ko na rin naman magsabi pa nang magsabi kay Sab ng mga nangyayari sa buhay ko, baka isipin no'n na napaka oa ko na!



A Night With Him (Night Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon