Kabanata 7

308 18 0
                                    

Naghintay pa ako ng ilang minuto bago ako makatanggap ng text. Agad ko naman binuksan ito at nangunot ang noo sa nabasa.

Unknown number:

It's me.

Si Sabrina nga? Magrereply na ulit sana ako sa kaniya nang bigla ulit akong makatanggap galing din sa parehong numero.

Unknown number:

I'ts Zadiel, Sef.

Para naman'g nabilaukan ako sa nabasa! Ano? Why did he text me? Paano niya nalaman na may sakit ako? And how did he know my fucking number? Wala naman sigurong magbibigay ng number ko sa kaniya diba? Or maybe Severino! Malalagot talaga sa akin ang lalakin'g yan! Nagreply na naman ako sa kanya!

Me:

Where did you get my number? 

Agad naman siyang nagreply! Kung kanina pinaghintay niya ako sa reply niya, ngayon naman ay parang naghihintayin na kami sa reply namin sa isa't isa!

Siya:

Common friends.

Me:

Which friend?

Siya:

That's not important.

Halos mainis naman ako sa mga reply niya! Bakit ba hindi na niya na lang sabihin sa akin kung sino ang nagbigay ng number ko sa kanya! At may kaparehong kaming friend? At sino naman? Napatigil lang ako sa kaiisip nang biglang tumunog ito sa tawag niya! Oh what now? Why did he still calling me? Sinagot ko na ito dahil sa inis!

"Sino ba talaga ang nagbigay ng number ko sa'yo?" iyon ang bungad ko sa kaniya.

"Hindi na nga mahalaga iyon kung sino, how are you feeling?" pagbabalewala niya sa tanong ko! Concern ba siya sa'kin?


"Sino muna ang nagbigay ng number ko?" pangungulit ko pa rin sa kaniya. Hindi kita titigilan hangga't hindi mo sinasabi sa akin ang nagbigay sayo'.

"Fine, it's Sabrina." Napapikit naman ako sa ginawa ng kaibigan ko! Malilintikan talaga siya sa akin. Friend na rin pala sila ni Zadiel ah? Talaga naman! kunwari pa, ilalaglag din naman pala ako sa lalaki! Tatamaan talaga siya sa akin!

"Huwag kang magalit sa kanya, ako ang nagpumilit na hingin ang number mo."

"Why?"

"Because you said we can be friends, right? So I get your number with Sab. May magkaibigan bang hindi man lang alam ang mga numero?" halata ang pang iinis sa boses niya. Napatawa naman ako sa sinabi niya. Naalala niya pala ang sinabi ko? And why did I said that anyway?  Bumuntong hininga na lang ako.

"Okay." tanging iyon na lang sinabi ko sa kaniya para matahimik na siya.

"So, okay na ba ang pakiramdam mo?" pag uulit niya sa tanong.

"I'm kinda fine right now."

"Kumain ka na ba ng hapunan?" sunod pa niyang tanong. Sasagot na sana ako kaso naunahan na niya ako. "May niluto akong adobo, gusto mo bang tikman?" determinado niyang tanong.

Nagdalawang isip naman ako kung papupuntahin ko siya dito sa room ko o ako na lang ang pupunta sa room niya. Pero ayaw ko pa masyadong gumalaw. Ayaw ko naman siyang tanggihan dahil idadahilan na naman niya sigurado yung word 'friends' thingy niya. Napa irap ako sa kawalan. Why not to try his adobo? And that's my favorite! May talent siguro siya sa pagluluto?


A Night With Him (Night Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon