Kabanata 3

352 20 0
                                    

Hingal akong nakabalik sa private room na kinaroroonan ng mga kaibigan ko. Napansin naman agad nila ang hitsura ko.


"Oh anong nangyari sa iyo? Bakit parang tinira ka ng sampong kabayo diyan?" tanong ni Meg. Hindi ko man masakyan ang biro niya ay pinilit ko parin maging pormal sa kanya.


Hindi pa rin talaga ako makahinga ng maayos at pakiramdam ko anytime ay pwede akong masundan ni Zadiel dito.


"Sef, ayos ka lang ba?" si Sab naman ang nagtanong. Kita ko rin ang pagtataka sa kanyang mukha.


"A-hhh O-oo, okay lang ako, medyo may nagka rambulan lang sa labas kaya medyo natakot ako." pagdadahilan ko. Bumalik na lang ako sa pagkakaupo, pakiramdam ko ay nawala ang pagkahilo ko dahil sa nangyari.


Naramdaman ko naman na kinublit ako ni Sabrina. "Ayos ka lang ba talaga? Parang hihimatayin ka na kanina pagkapasok mo eh." kunot noong tanong niya. Hindi ko alam kung sasabihin ko sa kaniya ang totoo, knowing Sabrina, pag alam niyang hindi ako nagsasabi ng totoo, kukulitin at kukulitin pa rin niya ako.


"He saw me Sab." bulong ko sa kanya. Kumunot naman ang noo niya. Hindi siguro naintindihan ang sinabi ko. "Si Zadiel." dagdag ko. Halos manlaki ang mata niya sa sinabi ko, hindi naman kami halata ni Hailey at Meg sa kung anong pinag-uusapan namin, may sarili din kase silang agenda kaya hindi alintana sa akin na sabihin kay Sabrina ang nangyari kanina.


"Kilala niya ako Sab, tinawag niya ako sa pangalan ko!" pigil kong sabi sa kanya. "Hindi ko alam pero natatakot talaga ako na makilala niya ako!" Napa-inom agad sa alak na iniabot niya sa akin.


"Okay, relax lang, magagawan ng paraan yan, malalagpasan mo pa rin iyan." pagpapagaan ng loob niya sa akin. "Bakit ba kase hindi ka na lang maging civil sa kanya? Let's just say na, sex lang naman yu'n, hindi big deal say'o, like that di'ba?" napa isip naman ako sa sinabi niya. Bakit nga ba hindi na lang maging gano'n? Balewala lang din naman sa kaniya ang nangyari sa amin, at ako lang talaga ang oa? Siguro nga.



"Yeah, you're right Sab, bakit nga ba ako matatakot? Sabihin nalang natin na pareho lang kaming nangailangan, right?" iyon lang ang tanging narealize ko. Na bakit nga ba ako matatakot na makita siya? Bakit kailangan kong makipag taguan tuwing makakasalubong siya? It's just sex!



It's almost 12 in the morning na kami nakauwing magkakaibigan. Nawala ang hilo ko sa nangyari kaya nakapag drive pa ako ng maayos. Hindi ko pwedeng iwan ang sasakyan ko dito dahil dala ni Sab ang kanya. Umuwi ako sa condo ko dahil may pasok na ako sa opisina bukas, wala si Daddy kaya ako ang maaasahan doon.



Hindi na ako nag atubili pa at nagderetso na sa banyo para maligo at maglinis ng pangangatawan dahil pakiramadam ko'y nanglalagkit na ako. Nagising ako around 5 AM, nag ayos na ako para pumasok sa trabaho, nagluto lang ako ng bacon at egg. Ito na lang ang kakainin ko ngayong umaga para hindi rin nabibigla ang katawan ko. At ito lang talaga ang alam kong lutuin sa umaga. Tipikal na rin naman to' sa akin.



I will always make sure rin na secured lahat ang gamit ko dito sa condo bago ako umalis, even the passcode of my door. May personal key rin ako nito para na rin double secured, kahit kase condo na, nanakawan pa rin, kaya mas mabuti na ang sigurado.



At bilang isang anak ng CEO, kailangang imaintain ang kaayusan ng kompanya at palaging responsable sa lahat ng bagay kaya naman maaga akong nakarating sa kompanya. Kahit maaga rin akong nakakarating dito ay hindi ko pa rin talaga inaasahang maaga rin magsipasukan ang mga empleyado dito. Na tila ba mapapagalitan sila kapag hindi sila umaga ng pagpasok. Well, hindi naman ganoon kahigpit dito sa kompanya. As long as walang importanteng dapat ayusin, malaya ang mga empleyado sa mga gusto nilang gawin.



A Night With Him (Night Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon