Kabanata 6

310 20 0
                                    

Hindi na siguro alam nina Daddy kung nasaan na ako naparoon. Basta iniwan ko lang si Zadiel doon ngunit alam ko naman'g nakasunod siya sakin. Dumeretso ako sa parking lot at huminga ng malalim ng makarating doon. Hindi pa ako humaharap sa gawi niya dahil alam kong anytime ay baka himatayin ako dito mismo sa kinatatayuan ko! Nang gumaan na ang pakiramdam ko ay saka lamang ako lumingon sa kanya at ngumiti ng pagkatamis-tamis.



"So what about that night?" tanong ko sa kaniya na hindi pinapahalata ang kaba.




Nanantya naman ang tingin niya sa akin. Hindi alam ang sasabihin. This is what you want right Zadiel? Bakit parang ngayon hindi mo masabi ang gusto mong sabihin?




"Look, kung tungkol ito sa nangyari sa atin noong gabing iyon, wala na iyon sa akin. It's jus-t sex! Pareho lang naman nating kailangan yun?" nagkataon pang nautal ako sa salita ko!




"Kaya pala parang wala lang sa'yo ang lahat." napatawa siya ng mapait do'n. Ano ba ang gusto niyang marinig galing sa akin?



"Pagkakamali lang yu'ng nangyaring iyon Zadiel, bakit parang big deal sa iyo yun?" takang tanong ko sa kaniya.



"Big deal sa akin dahil pagkatapos nang nangyari parang hindi mo ako kilala! Lagi naman tayo nagkakatagpo!" napa awang naman ang labi ko.



"What do you want to expect me? Na pag nagkita tayo, gusto mo yayain ulit kitang gawin yun?" pagak akong napatawa do'n.



"That's not what i want!"



"Eh anong gusto mo?" takang tanong ko sa kanya. "Isang gabi lang naman yun! Anong problema mo do'n? Ah yeah right, may girlfriend ka nga pala. Kaya siguro feeling mo na guilty ka."



"Bakit napunta dito ang usapan? Ang gusto ko lang naman malaman kung bakit no'ng magkita tayo ay parang hindi mo ako kilala?"



"Bakit? Nasaktan ba ang ego mo nang dahil lang doon? kailangan pa bang iaproach kita dahil lang sa nangyari sa atin'g iyon? Kung pwede naman na kalimutan na lang natin iyon?" nakita ko naman ang sakit na dumaloy sa mga mata niya.




"Ginusto ko iyon Sef." simple lang ang sagot niyang iyon.




"Lasing ako that time! At wala akong pakialam kung ginusto mo iyon o hindi! And now that we clear, kalimutan na lang natin. Kung palagi man tayong magkita at magkasalubong, maging civil na lang tayo sa isa't isa! Kalimutan na lang natin iyon. And, we can be friends. Huwag mo na lang isipin ang mga nangyari." hindi na siya nakapag salita sa mga sinabi ko. Gusto kong magsisi sa mga sinabi ko pero hindi ko na binawi ang lahat ng iyon. Tumingin muli ako sa kaniya sa huling pagkakataon at saka tinalikuran siya at pumasok ulit sa loob.




Nakita ko pa rin sina Daddy na nakikipagtawanan sa mga kakilala niya. Hindi na ako nag alinlangang lumapit sa kanila. Ni ang kapatid ko naman ay hindi ko na rin nakita.



"Where is Sevi?" tanong ko sa kanila.




"Nauna nang umuwi. May kailangan pa daw siyang ayusin sa mga projects niya. Ewan ko do'n sa bata na iyon."



Medyo namumula na ang mukha ni Daddy, sign na medyo nakainom na siya. Bumuntong hininga naman ako do'n at hindi na rin nag dalawang isip na magpaalam sa kanila ni Mommy.



"I want to go home na rin Mom, Dad. Masakit na ang mga paa ko because of heels. Gusto ko na rin pong magpahinga dahil may pasok pa bukas sa opisina."



Tumango naman sa akin si Mommy at hinalikan ako sa pisngi at ganoon din si Daddy, tinanguan ko naman ang kasama nila bilang paggalang at tuluyan na rin'g tinalikuran sila.



A Night With Him (Night Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon