Kabanata 8

291 16 0
                                    

Tuloy lang ang araw ko sa pagtatrabaho. Hindi na rin alintana ang pagod sa akin. Hindi ko naman nakalimutan kumain. Gaya ng dati ay nagpadala na lang ako ng makakain para sa tanghalian dahil madami pa akong tinatapos na trabaho. Natambakan kase ako simula nu'ng umabsent ako kahapon. Wala naman'g ibang magaasikaso nito.



Pahapon na rin ay agad na akong umalis sa opisina. Madali kong natapos ang trabaho sa ngayon. Nasalubong ko naman si Daddy sa elevator. Siguro ay pupunta na rin sa opisina niya.



"How are you feeling anak? Mabuti na ba ang pakiramdam mo?" tanong niya sa akin.



"Okay naman na Dad, as you can see. Dahil kung hindi ay baka hindi naman ako pumasok ngayon sa opisina, di'ba?"



"Silly, i know it! i just want to make sure. Ayaw lang namin ng Mommy mo na mapaano ka." napangiti naman ako sa sinabi ni Dad. I know that he's concern and over protective with me. Kahit naman siguro sinong magulang mag-aalala kapag nalaman nilang may sakit ang anak nila. Lalo na at hindi naman nila kasama.



"Thank you Dad, pero okay na po talaga ako. Dinalaw naman ako ni Sab kahapon kaya kahit papaano ay may nag intindi sa akin sa condo." tumango-tango naman siya sa akin. Pagbukas din naman agad ng elevator ay nagpaalam na ako ako sa kanya. Tinanong niya pa nga ako kung bakit ang aga kong uuwi, sinabi ko lang na tapos na lahat ng gawain ko.



I'm on the parking lot when i heard my phone ringing. Kinuha ko agad ito at nakitang si Zadiel ang tumatawag. Ano naman kaya ang kailangan niya? Don't tell me nagluto ulit siya ng adobo?



"Hello."


"Sef, Hi. Busy ka pa ba today?" tanong naman niya sa kabilang linya.



"Wala naman na. I'm on the way to my condo. Bakit may kailangan ka ba?"



"Ahm gusto lang kitang yayain sana kumain sa labas. If okay lang say'o at kung free ka."



"Ngayon na ba?" paniniguro kong tanong. Dahil kung nagpaplano siyang mamaya ay baka hindi ako makasama dahil mag g'gym ako mamayang 6:00 PM.



"I want a dinner sana para hindi na rin ako magluto."



Pwede ko naman ipagpaliban ang pag gym ngayon. Kakahiya kaseng tanggihan ang alok niya. Gusto ko naman maging pormal sa kaniya ng tuluyan. At makilala pa siya ng lubos, mukhang mabait naman talaga siya. Nag isip na ako ng isasagot ko.



"Okay dinner na lang. Pauwi pa lang kase ako ngayon eh. Mga anong oras ba? Para naman makapag ayos naman ako ng sarili ko." narinig ko naman siyang humalakhak. Bakit pakiramdam ko ang sexy niyang pakinggan sa tawang iyon?



"Exactly 6:00 PM, hihintayin na lang kita sa labas ng condo mo." sagot niya.



"Sege. You can text me if you're there para alam ko rin." at pareho na kaming nagpaalam sa isa't isa.



Minsan talaga napapaisip na rin ako sa mga kinikilos niya. Kakikilala pa lang naman namin pero kung umasta siya parang matagal na kaming magkaibigan. Sa bagay, wala naman masama sa ganoon. Ako lang talaga siguro ang masama mag-isip.



Nakarating ako sa condo at saglit munang umupo at nagpahinga sa sofa. Palagi na lang parang pasan ko ang mundo dahil sa pagod. Hindi naman pwedeng magpahinga dahil nakakaawa naman si Daddy. Kahit na kasa-kasama pa rin si Mommy, hindi ko pa rin pwedeng iwan na lang ang kompanya basta basta. Bakit ba kase ang tagal grumaduate ni Severino!? I want a break! Kahit ilang araw lang sana. Hayyyy.......



A Night With Him (Night Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon