Nandito na kami sa room ni Jai at nagtatalunan kami kung sino ang magbabantay sakanya. Hindi pa sila nakakakuha ng saktong sagot.
"Ako nalang ang magbabantay sa kanya." Ako. Napatingin silang lahat sakin.
"Girls, papasok kayo to take down notes for me to follow. At kayo naman boys, wag muna petiks, ha? Jairus muna bago petiks, ah? Sabay sabay taying magpepetiks"
"Yes maam" with saludo gesture. Para talagang tanga mga to.
Nagtataka tuloy ako kung bakit naging kabarkada ko tong mga to. Nakita ko, nakita ko talaga. Gumalaw ang kamay ni Jairus.
"Mmm..."
"Jairus!" Zeus.
"Psst, huy! Wag nga. Baka magulat sya" suway ko. Syempre, mahal ko e.
"Mas nagulat naman ako na umamin ka sakin nung malapit nakong mawalan ng hininga"
Nagulat ako nun kase naalala kong umamin nga pala ako sakanya. Kaya pala ngiting ngiti sya.
"Ngiti pa. Natutuwa ako"
"Joke lang naman, Jane. Wag ka namang ganan. Kaya mahal kita e" napansin siguro nila na ang cheesy namin kaya yun, napagtripan.
"EHEM!" Zeus.
"Putang ina naman tong langgam na to, ansakit mangagat! Daig pa ang naglalandian e" Xander. Napatawa kaming lahat.
"Oww.. my eyes, my virgin eyes!" Sandy.
"Tanga neto. Akala mo may ginawa kami, ha!" Sabi ko. Ebarg e.
"E? Ginawa nyo na bago mawalan ng hininga si Jairus? Anong resulta, buntis ka? Kami ninang ha. Tandaan mo yan!" Steff. Isa rin tong loka loka e!
Binatukan ka sya ng malakas. Ang dumi ng isip. Tss.
"Andumi ng utak mo! Zeus, pakilinisan mo nga. Tsaka ipavaccum mo na rin para SAFE" ako. May crush kasi si Steff kay Zeus. Ang chismosa at ang patawang Zeus. Hmm..
"Ah, Masters. Alis lang po muna kami. May gagawin lang" Andrea. At tuluyan na silang umalis.
***
"Jai, kumain kana. Susubuan nalang kita pamansamantala" at ayun, nilapit ko na ang pagkain nya pero iniwasan nya kaya inalalayan nya ako pabalik yung pagkain sa lamesa.
Pagbalik ko sa mukha nya, mukhang may binabalak. Ay, ayoko yang tingin na yan. Yung feeling na paawa pero may gagawing masama. You know.
Linapit pa nya lalo ang mukha ko sa mukha nya.
Nang bigla nya akong.. HINALIKAN.
"Sa tingin mo, mas gugustuhin ko ba ang pagkaing hinahain mo sa bibig ko? E kung ito lagi ang pagkain ko, mabubusog pa ako."
Aaah! Niwala na nya ang first kiss ko. Pati ba naman kilig, sya pa ang makakawala?
