Jairus' P.O.V.
Nandito parin ako sa ospital. Nakahiga ako sa kama habang si Jane ay nakabantay. Syempre, aso KO yan eh. Hahaha.
Bawat utos ko, sinusunod nya. Pag nakatingin ako sakanya tapos nahuhuli nya ako, umiiwas agad sya ng tingin. Dahil ba sa kalandian ko at nahalikan ko pa sya?
"Bhe, naiilang ka ba?" Inosente kong tanong. Alam ko yung scene kanina ang iniisip nya. Kilala ko na yang babaeng yan.
"U-uhh? Di ah!" Di raw, bakit defensive? Tangina, di pa aminin!
Nagtataka ba kayo kung bakit ko sya tinawag ng BHE? Ibig sabihin nun, SINAGOT NYA AGAD AKO!!! E pano kase..
Flashback...
Pagod akong gumising kasi naaalala ko, may nagbabantay sakin na anghel. Nakita ko yung orasan, 12:29. Bumaling ako sa Bhe KO, natutulog habang nakahawak sa kamay ko.
Kinibo ko yung kamay ko para magising sya. Pagkagalaw ko, nagulat ako dahil.. I'm not expecting na kahit bagong gising sya, ang ganda nya parin. With matching gulat effects pa yun, ha!
"Uhh, do you need anything? Pagkain? Tubig? Tell me,"
"Di ka naman masyadong concerned nan? Ahh, pedeng tayo na?" Nabigla sya dahil kamuntikan nang mahulog ang baso na hawak nya. Tss, clumsy.
"Hah! Di moko makukuha sa ganyan mo! Manligaw ka kaya muna? Duhh!" Lumapit na sya sakin at inalalayan akong makaupo para makainom ako.
Tinapos ko ang paginom ko at sinabi, "Sagutin mo na ako. At kapag sinagot moko, di ka magsisisi. Kahit habambuhay pa kitang ligawan, hayaan mo muna akong makagaling. Alam mo namang mahal kita, matitiis mo ba ako?"
"Syempre,hindi. Kaya nga sasagutin na kita eh!"
And... there. Pinakamasayang linya sa buong buhay ko na matagal ko nang gustong marinig. Yeeeeessssss!!!
"Yeeeeeesss!!!" Sumigaw pa ako. Tumawa lang si Jane.
Di ko maiwasan...
Nahalikan ko sya sa labi:))
End of Flashback...
At ngayon? Ang kaya ko lang gawin ay sumugal sa pagibig kasama sya.
