Hindi ako makapaniwalang mawawalan ng malay si Jairus. Bukod sa 6pack abs sya at muscular, tinuturuan din sya ng defense lessons kaya minsan, imposibleng bumigay sya. E bakit ngayon pa? Sabi ko sa sarili ko.
Si Jane, kanina pa tarantang taranta habang paglalakad ng pabalik balik.
"Hoy Mary Jane! Kung sumali ka sa karera ng mga kabayo, malamang panalo kana. Kanina ka pa paikot ikot jan! Para namang bibigay yun e malakas yun!" Zeus. Kahit kailan talaga. Pag gipitan na, tsaka magloloko.
"Jane, kalma lang kasi. Walang mangyayaring masama kay Master. Sya pa? Para sayo, kakayanin nya yun. Mahal ka nun e. Hahayaan ka ba naman nyang nagiisa? Syempre hindi!" Sermon ko. O, di kayo makapaniwala, no? Kung alam nyong babaero lang ako, pwes di rin. Adviser rin ako minsan. PAG! seryoso talaga ang usapan.
"Oo nga. Lakasan mo ang loob mo. Hindi yung naglalakad ka ng pabalik balik e wala namang nagagawa ang paglalakad mo. Tiwala lang kasi. Wag nega. Kaya nya yan!" Shawn. Idol ko talaga to e.
"Friends of the patient?" Biglang bumukas ang pinto ng ER. Nauna pang maglakad si Jane kesa samin.
"What happened doc?" Tanong agad ni Jane. Masyadong kabado naman to. Daig pa ang nasa competition. Haaay.
"Uhh, according to my observation, may mga natamaang buto sa upper left ng likod nya. So he's fine now, tulog sya. He'll be confined by atleast 2 to 3 weeks as long as maayos na ang observation. Ipapadala ko nalang ang gamot na iinumin nya sa pharmacy. You can claim it later on. Excuse me" at umalis na ang doktor. Pumasok na kami sa room nya.
Pinalagyan namin ng password yung room for safety. Tanging kami at ang mga nurses lang ang may alam ng pass.
After a couple of hours.. nagising din ang mahal na prinsipe.
