Pagka-alis nila sa yakap nila, naka-nganga parin si Jai habang ang mga girls, ayun, tumawa at may kasabay pang pukpok sa lamesa. Di tuloy namin maintindihan kung may buntis ba o baka they do the 'baby maker steps' o kaya—teka! Iba na to ah! Kung anu ano ang pumapasok sa isip ko! Nadadamay tuloy pati ako. Mga gunggong!
Ilang minuto ang nakalipas ay tawa parin ng tawa ang girls. Kung kanina ay kung tumawa ay may kasama pang pukpok sa lamesa, ngayon, lumevel-up. Tumatawa sila sabay pukpok sa lamesa, may additional pa na hampas! Pwedeng maging kanta un, ah?
Tawa, pukpok, hampas.
Tawa, pukpok, hampas.
Oh, diba! I'm so brilliant, Ha!"Oy pre! Anong mukha yan?! Namatayan ka ba? Hahaha!" Zeus. Oo, dahil sa pagkagulat nya, mukha talaga syang namatayan.
"Gago ka. Hindi no! Bakit naman?!" Jai.
"Kase dahil sa pagkagulat mo, na kulang nalang pati paghinga mo, di mo na nagawa! Kaya naisip kong namatayan ka. Hahaha!" Zeus. Lahat kami nakitawa din. Pero syempre, di naman katulad sa girls, no!
"So, lets go?" Andrea. Magts-time na raw kasi. Pakielam ko. Nagvilbrate bigla ang phone ko.
From: Katherine
Hey, babe. I'm looking for your car here. Pero bakit wala dito? I'm here at carpark, waiting for you. I love you, sweetie.Si Katherine. Gf ko. Gf ko sya, pero di ko sya sisiputin. Nasa warehouse naka-tago ang kotse ko para di nya ko mahuli.
"Guys, una na kayo. Mamba-babae muna ako." Ako.
"Hayyy.. ako din! Sama ko! Gusto ko din makipag-laro e." Zeus.
"Hayy.. uy kami din! Kakatamad pumasok sa next sub. eh!" Jane.
"TARA!" Sigaw ng boys.
Nag-iba kami ng direksyon. Ang boys, nasa warehouse ang sasakyan. Ang girls, nasa carpark. Magkikita nalang daw kami sa main gate ng campus.
I'm Alexander Von Lao, 18 yr/o. I'm the 2nd certified playboy in Mighty Empire.
