Chapter 63

1.3K 73 19
                                    

Ava POV

"Girl ano ba talaga napa naginipan mo at sobrang relief ka dyan? " 

Tanong ulit ng ka workmate ko na si aris. Hindi ko man lang kasi namalayan na naka tulog na pala ako sa aking table dahil sa hindi maayos kong pag tulog noong mga nakaraang araw.

" Nightmare na ang tawag dito aris..."

"Oh bangungot oh anong klaseng bangungot? "

"Well namatay daw yung mahal ko dahil sa airplane crash."

Aking kwento sabay inom ng tubig na inabot nito sakin kanina.

"Masama nga iyon. Well, sabagay hindi naman impossible mangyari yun ava lalo na't hindi ka rin makatulog ng maayos dahil nga sa taong iyon diba? Baka may pinapahiwatig talaga ang nightmare na iyon."

"What do you mean? "

"Well every dream is have a meaning ava that connects in your real world...kaya baka may gustong iparating sayo."

"So you mean, nagiging totoo ito? "

"Yes, but not in a way na nasa panaginip mo."

Kung ano man iyon parang ayaw ko na rin malaman pa ito. Dahil kung tutuusin nightmare yun, possible na hindi rin maganda ang pinapahiwatig nito.

"Anyway change topic, baka need mo na talaga mag paka unwind muna dahil sa rami na ng iniisip mo girl."

"And then?"

"Baka gusto mo sumama samin mamaya mag b-bar..."

"I will think about it."

"Oh come on Ava paano mo makakalimutan yun kung wala kang gagawin diba? Don't tell me hindi ka na naman matutulog baka gusto mo ulit managinip ng ganoon? Sige ka out of nowhere ka pa naman natutulog."

"Tsk, fine. Kailangan ba talaga manakot?"

"Great! 6pm ava kailangan nakagayak ka na ah~ kitakits na lang ulit!"

masayang paalam nito sakin bago ito tuluyan bumalik sa kanyang pwesto habang ako ay taimtim lang nag lalakad.

Hayss siguro mabuti na rin yun para makalimutan ko sya kahit saglit...

Ringggg

Ringg

Pagkaraan na tunog ng aking phone ng tuluyan akong maka balik saking pwesto...tahimik lang naman muna ako napatingin sa tumawag dahil nag dadalawang isip pa ako kung sasagutin ko na ba ito or wag na lang?

Pero kasi isipin pa lang ang nightmare na nangyari kanina eh baka may importante talagang sasabihin ito..

"What do you want?"

Agad kong bungad na tanong sa tumawag.

"Ava you need to go home to meet your par--"

"No! "

Mabilis kong putol sa sasabihin nya habang ramdam ko na unting
-unti umiinit ang ulo ko.

Sana pala hindi ko na lang talaga in-accept yung call, pipilitin na naman nya kasi ang kagustuhan nya.

"Ava you need too."

"Mom napag usapan na natin ito diba? na I will meet that person before two weeks. Eh wala pa ngang tatlong araw bakit ba nag mamadali kayo? "

Giit ko pero sadyang matigas din ang ulo ni mom. Bakit ba kasi eager sila makilala ko ang taong iyon? ganun na ba talaga sila ka desperada na mahiwalay kami ni shan? Sa meron nilang taglay doon pa lang possible na wala na kaming magawa ni damuho, ano pa ba ang kinakatakot nila? kung sa business lang naman ang kanilang kinakabahala, kaya ko naman asikasuhin at palaguin iyon ng hindi ako kinakasal at hindi makilala ang taong iyon.

MY STEP SISTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon