chapter 20

5K 181 13
                                    

Shan's POV

"A-ava" 

wala sa sarili na aking bigkas at balak na habulin sana ito, kaso nang hindi pa ako tuluyan nakalayo ay may isang kamay ang humawak sa aking braso.

"shan, wait" 

unti-unti ko itong nilingon at isang sincere na mukha ni romeo ang aking nabungaran. kahit ramdam ang sandamak-mak na aking pag-aalala para sa kapatid kong bruha, ay nagawa ko pa rin hintayin ang susunod na sasabihin neto.

"I know napag usapan na natin ito. but still, hindi talaga kaya ng puso ko na itigil ang pag mamahal ko sayo" 

"shan, I still love you"  

kanya pang dugtong, alam ko naman yun eh. hindi naman ako ganun kamanhid para hindi makita ito. subalit, ito yata ang pag kaka maling ginawa ko, dahil nag bigay motibo pa yata sa kanya ito hudyat nang pag amin nya ulit sa akin, at hindi lang iyon. inangkin pa nya ang labi ko na walang paalam. 

Ava

Ava

Ava

ngunit imbis na magalit ay sinawalang bahala ko na lang ito, sapagkat hindi ko rin sya masisisi sa kanyang ginawa, hindi rin naman ako tumanggi dahil inaamin kong may gusto akong patunayan, at itong nalaman ko na ang sagot. eh wrong timing naman dahil nahuli pa ako sa aking kabalbalan.

"Romeo"

taimtim kong tawag sa kanya habang dahan-dahan kong ikinalas ang kamay neto saking braso at umiling. akin naman natuklasan agad kung paano nawalan nang gana ang kanyang itsura. 

Ava

Ava

Ava

"Sorry, pero hindi pa talaga ako handa makipag relasyon eh, at tsaka wala nang bakante ang aking oras para sa...para sa ganito...kay ava pa lang--" 

"shan, may isip na si ava at kaya na nya ang kanyang sarili. pina pangako ko naman na hindi ako magiging pabigat sa buhay mo eh. lahat iintindihin ko, hawak mo pa rin ang oras mo...g-gusto ko lang naman magkaruon nang parte sa iyong puso at nasa tabi mo habang nabubuhay pa tayo dito sa mundo." 

maingat netong paliwanag at mahihimigan talaga sa kanyang boses na sincere sya sa binibitawan nyang salita. kaso, pag-iisipan ko pa ba nang mabuti iyon kung hanggang ngayon ay hindi pa rin pinapatahimik ni ava ang isip ko, at baka kung hindi pa ako aalis sa harap ni romeo ay hindi ko na ito maabutan. mahilig pa naman gumala yun kung saan-saan. 

" alam ko naman yun romeo. may isip si ava para makapag desisyon sa kanyang sarili. pero kahit naman hindi, ganun pa rin ang sagot ko. kaibigan at kapatid lang ang turing ko sayo, at kung sasabak man ako sa relasyon, yun ay sa taong mahal na mahal ko." 

agad sumilay ang sakit sa kanyang mata, tila napaso ito kaya umiwas sya nang tingin sakin. at maya-maya lang ay kumawala na rin ang pinipigilan nyang luha, hindi ko naman mapigilan malungkot sa aking nasisilayan sapagkat naka sakit na naman ako ng taong gusto lang naman mag mahal.

"pasensya na talaga romeo, sa totoo lang nakaka taba ng puso na may nag kaka gusto sakin, pero gusto ko rin maramdaman yang na raramdaman mo ngayon, siguro naman hindi kita tinuruan para mahalin ako nang sobra diba? kaya umaasa rin ako na mahahanap ko rin ang taong kababaliwan ko."

huli kong pahayag bago sya binigyan nang malumanay na ngiti at napag desisyunan nang umalis sa kanyang harapan upang hanapin na si ava, malalagot talaga ako kayla dad pag may nangyaring masama dito.

MY STEP SISTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon