Chapter 33

2.3K 105 4
                                    

Shan POV

As I thought...

Meron ngang tinatagong hinanakit ang bruhang ito. At kahit gustuhin ko man malaman agad iyon, eh mukhang mahihirapan pa rin ako.

Lalo na't nagawa nitong lumuha sa aking harapan, which is nagagawa nya lang iyon kapag may nasabi akong malaking kasalanan.

Oh well, na obserbahan ko lang naman sa kanya yun, dulot sa mga bangayan namin in the past, kaya ito nagawa ko na lang samahan sya imbis na pilitin ang ayaw nyang sundin.

Kahit na kaya ko naman gawin yun, pero ewan ko ba kung bakit nagawa ko na lang itikom ang aking bibig nang klaro ko makita ang kanyang estado saking harapan.

Siguro nga ay hindi talaga ako ang may kasalanan kung bakit sya nag kakaganyan...May nangyari kaya sa kanya ng wala akong kaalam-alam?

Marahan kong tanong saking isipan habang pasimple pang tumingin sakin katabi na, nasa labas ng bintana lang naman ang kanyang atensyon.

We're at the taxi right now, naisipan kasi nito na mag commute na lang instead na gamitin ang aking kotse baka daw kasi na kapag ako ang mag drive diretso kami uwi bahay.

Well, hindi naman sya mali doon pero how come? na, nagagamit nya ng matino ang kanyang utak sa ganitong bagay.

"Madam nandito na po tayo."

Pagkaraan na putol ng driver, ni hindi ko man lang napansin na matagal na pala akong nakatingin sa aking kasama.

"M-magkano po ku—"

Blag!

"Ya?..."

Marahan kong tanong habang ang aking atensyon ay nasa labas na nang, wala man lang paalam na lumabas si ava sa taxi at tuluyan na akong iniwan dito, sapagkat naglakad na rin ito palayo.

"Mukhang hindi po maganda ang gabi nyo madam ah."

Mabilis na kinuha ni manong driver ang aking atensyon. Hindi naman ito nabigo ng akin sya'y lingunin at isang mahinhin na ngiti lang ang ibinalik ko na sagot dito.

"Araw-araw naman po manong pero mabuti nga at natitiis ko pa."

"Ganoon talaga kapag mahal mo yung tao, natitiis kahit gusto mo nang tirisin."

"Hindi po kayo mali dyan."

Natatawa kong pahayag na kanya lang naman ikinangiti sabay bigay sa kanya ng dalawang libo para rin sa tip.

Mukhang hindi nya ito inaasahan kaya gulat rin itong napatingin sakin at agad naghanap ng panukli.

"Madam baka may maliit kayong bills dyan wala po kasi akong panuk--"

"Keep the change na lang po kuya."

"Talaga po ma'am, nako maraming salamat po sa paagang pamasko ninyo, nawa'y pagpalain pa kayo ng marami."

"Thank you rin po."

Ang tangi ko na lang nasabi at binuksan na ang pinto ng sasakyan, pero bago pa man ako tuluyan maka-alis ay marahan pa akong napatingin sa kanya dahil sa sinabi nito.

"Konting tiis lang madam, bibigay rin po iyan mahal ninyo, lalo na't walang matigas na puso sa init na binibigay ng iyong pag mamahal."

Dahilan upang ikina-kunot nang aking noo iyon, subalit minabuti ko na lang mag pasalamat dito at lumabas na ng tuluyan.

Wala tuloy sa oras mapatameme ako sa aking pwesto at napaisip ng malalim.

Did he just thought na magka sintahan kami ng kasama ko?

MY STEP SISTERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon