Chapter--0.6 [Thruth can Hurt]

2.3K 71 6
                                    

A VERY SPECIAL LOVE

By: "Ms. Alejos"

Chapter--0.6

        Kinabukasan araw ng Linggo. Paggising ni Fatima ay tinulungan nya ang kanyang tyahin.. Habang nagbubukas ng tindahan ang tyahin nya, sya naman ang gumawa ng almusal nilang tatlo ni Tony.. Binabati nya ang itlog ng lumapit ang kanyang Tita malapit sa side nya para may kunin na kung anung bagay..

"Anu yang pasa sa braso mo?" Tanong ng Tita ni Fatima..

        Bakat ng mga daliri yon sa braso nya sa tindi ng pagkakapilipit ni Mike ng kanyang braso kagabi kaya nagkaroon ng pasa yon..

"Ah wala to Tita.." Pagsisinungaling ni Fatima..

"Nakita ko kayo ni Mike kagabi nagtatalo.. Si Mike ba my gawa nyan?" Tanong ng kanyang Tita..

"Eh kasi Tita, nagselos ata sya kay Wilson kahapon, akala nya Bf ko.. Kaya nasaktan nya ako.." Paliwanag naman ni Fatima..

"Eh Anak .. Di naman ako sa nakikialam sa relasyon nyo.. Alam kong alam mo din naman ang pinasok mo, malaki at nasa edad ka na.. Si Mike eh mabait kung sa mabait yun nga lang medyo seloso talaga.. Hinid ka pa nya Asawa eh nasaktan ka na nya ng ganyan, anu pa kaya kung Asawa ka na nya.. Isa pa kung anu anu ang naririnig ko na sinasabi ng kanyang Tyahin tungkol sayo pamangkin kita at nasasaktan ako para sayo.. Alam kung alam mo at nararamdaman ang pagkadisgusto ng side ni Mike para sayo.." Mahabang paliwanag ng tyahin ni Fatima..

"Kasalanan ko naman ho kung bakit nasaktan nya ako, nakalimutan ko rin banggitin na dadalaw yung kaibigan ko kaya nagulat din siguro sya..

"Ang sa akin eh paalala lang nga pala uuwi ka ba sa probinsya matatapos ka na sa community mo ah..?tanong ni Tita Nitz ulit..

"Opo.. Kakausapin ko din si Mike, kung sasama sya para makilala nina Mama din.." Dugtong pa ni Fatima..

        Kahit naman na masigla sya nakikipagkwentuhan sa Tyahin ay ramdam pa rin nya ang sakit ng ginawa ni Mike ng nakaraang gabi, ayaw nya lang ipakita sa Tyahin.. Nagtatampo at nasaktan sya dahil sa paratang nito sa kanya..

        Iniisip ni Fatima na may kasalanan din sya dahil di nya nabanggit ang pagdating ni Wilson para dalawin sya.. Pero natakot sya ng saktan sya nito.. Tama ang Tita nya kung ngayon nagagawa na ni Mike na saktan sya panu na lang kapag mag-asawa na sila..

        Alam nyang pupuntahan sya ng Nobyo ng araw na yon, kapag Linggo palagi tong nag-aaya na magsimba, kaya nararamdaman nyang pupuntahan sya nito, at di na nya alam kung anung pakikitungo ang gagawin nya sa Binata dala ng nagdaang gabi...

        Pagkatapos nyang makapagluto ng agahan at makapghain ay tinawag nya si Tony at ang kanyang tyahin para sabay-sabay na sila mag-agahan.. Pagkatapos nilang mag-agahan ay si Fatima na rin ang naghugas ng kanilang pinagkainan.. Habang naghuhugas ng plato ay narinig nyang nag-uusap sina Mike at Tony hinahanap sya nito.. Pinapasok naman ni Tony ang Binata welcome naman kase ito na sa bahay..

A very SPECIAL LOVE [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon