Chapter--0.7 [A Long Night]

2.7K 79 6
                                    

A VERY SPECIAL LOVE

By: "Ms. Alejos"

Chapter--0.7

        Kinabukasan ay tanghali na nagising si Fatima, napasarap ang tulog nya.. Naramdaman nya lang na may dumampi sa labi nya..

"Good morning Bhe... Tanghali na tulog ka pa mataas na sikat ng araw.." Wika ng Binata..

        Akmang babangon si Fatima ngunit masakit ang kanyang katawan.. Ang kanyang alak-alakan parang makirot iyon..

"Ouch..." Ang sabi ni Fatima..

"Masakit ang katawan mo Bhe.. Wawa ka naman, wala ka namang ginawa ah bakit sumakit yan.." Nang iinis pang wika ni Mike..

        Naalala ni Fatima ang nangyari kagabi tiningnan nya ang kanyang pajama baliktad pa ang pagkakasuot niyon..

"Mamaya na lang ako babangon pwede?" Si Fatima ulit..

"Bhe nakahain na ang agahan.. Masamang pinaghihintay ang pagkain kaya, bumangon ka na at maghilamos..." Sabay buhat ni Mike dito..

"Teka ibaba mo ako, oo na sige na babangon na ako.. Bakit kase dinaganan ako eh, sakit tuloy katawan ko.." Bubulong-bulong na wika ni Fatima..

"Abat nagreklamo pa ang Baby ko ah.." Sabay halik ni Mike dito...

Tumalikod ka muna at babaliktarin ko pajama ko.. Natawa naman si Mike..

"Sige na nga tatalikod na.."

        Pagkatapos baliktarin ang pajama ay kinuha nya ang kanyang baong sabon, tooth paste at toothbrush.. Lumabas sila sinamahan ni Mike si Fatima sa labas para magtungo sa c.r...

        Pagkatapos maghilamos ni Fatima ay humarap sila sa pagkain.. Sinanggag, tortang ubod ng kawayan, tuyo ang nakahain.. Nagtimpla si Mike ng kape para sa kanilang dalawa..

"Bhe maya punta na tayong looban ha, kina Ama at Ina.." Si Mike..

"Malayo pa ba dito yun?"

"Malapit na lang, yun nga lang maglalakad ka sa pilapil ng palay.. At aapak ka sa putik.." Paliwanag ni Mike..

        Naisip ni Fatima malamang sa bukid pa ang lugar ng magulang ni Mike kase may pilapil at putikan, natapos silang kumain ng agahan.. Buti na lang wala ng tao sa bahay na yun,, Pumasok ulit ng kwarto si fatima hiniga nya ulit ang masakit nyang katawan..Nang pumasok naman si Mike..

"Hey bangon na .." Kinikiliti nito ang Dalaga..

A very SPECIAL LOVE [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon