Chapter--0.14[Barong Tagalog]

1.2K 40 3
                                    

A VERY SPECIAL LOVE

Chapter--0.14

[Barong Tagalog]

A/N: Expect typo/s error po.. Salamat sa paghihintay,,

Isang Linggo pa bago dumating si Kenneth ay talaga namang pinag gagayakan eto ni Fatima.. Sya mismo ang naglilinis ng buong bahay, nagpalit ng mga kurtina, ang mga gamit na kailangang itapon ay tinapon nya bumili din sya ng mga bagong kasangkapan sa bahay.. Gusto nyang maging feel at home kahit papano si Kenneth sa bakasyon nitu.. Tatlo lang ang kwarto ng bahay nya ang isa sa Grand parents nya at ang isa sa pinsan at pamangkin nya, ang isa ay sa kanya.. Wala namang sinabi si Kenneth na sa bahay nya eto mag s-stay pero kung incase na doon sa kwarto nalang nya eto patutuluyin at dun patutulugin..

Dalawang araw bago dumating si Kenneth ay nagpunta muna sya sa doctor, kailangan pa nya lumuwas ng Manila para sa kanyang collon cancer, doon sya nagpapagamot at nagpapatingin.. Ang mga kamag anak ni Fatima at mga tyahen ay labis na nagtataka sa sobrang kapayatan nya habang tumatagal ay nakikita na ang buto nya, lumiit ng lumiit ang katawan nya magkaganun pa man hindi mo sya makakakitaan ng may nararamdaman eto, bukod tangging ang pinsan nya ang nakakaalam sa sakit nya kahit ang mga magulang nya ay hindi eto alam, ang madalas lang nya sabihin kapag may pumupuna sa kanyang kapayatan ay ang madalas nyang biro..

"Nagdidiet kase ako.." yun lang ang madalas nyang sabihin sa mga eto..

Hindi biro ang pagpapagamot nya buwan buwan, umaabot ng halos 25k ang bawat injection sa kanya kaya nga minsan naisip nya "bakit ba sinasayang ko ang pera, ganun din naman mamatay ako, magagamit pa ng ibang tao ang perang pinaghirapan ko.." Minsan paglumuluwas sya sinasama nya din ang pamangkin o ang pinsan.. Ngunit minsan dala ng takot din sa kamag anak kinausap sya ng kanyang pinsan na si Mary..

"Fat bat di mo pa sabihin sa kanila ang tunay mong lagay.. Minsan natatakot din kase ako baka may mangyari sayo, ako ang sisihin nila.." wika nitu..

"Anu kaba dika nila sisisihin, wala din naman silang magagawa eh.. Kung sakali.." tugon naman ni Fatima..

Kahit ang kanyang pinsan minsan naawa din dito.., napakabait ng pinsan nyang si Fatima eto ang laging nalalapitan nya pinansyal o tungkol man sa asawa nya ang problema, basta meron si Fatima hinding hundi nitu matitiis ang pinsang si Mary.. si Fatima din kase ang nagpaaral sa pinsan nya, kaya naman ganun sila ka close nitu.. Maging ng mabuntis si Mary at manganak si Fatima ang sumagot ng masisarian sa unang anak at maging ng binyagan ang unang anak ni Mary si Fatima din ang gumastos.. Para kay Fatima balewala ang pera basta marunong kang magtrabaho kikitain mo uli eto yun ang nasa isip palagi ni Fatima, kaya naman basta may nangailangan at meron sya hindi sya magdadalawang isip na tumulong..

Laki si Fatima sa lolo't lola nya kaya eto din ang pinili nyang makasama, hindi sya ganun ka close sa Mama nya dahil tatlong buwan palang sya mula ng ipanganak nitu ng iwanan sa kanyang lolo at lola, may sarili na din kaseng pamilya ang mga magulang ni Fatima, kaya para sa kanya ang pamilya nya ang lolo't lola nya.. Malapit sya sa lolo nya, kahit barumbado at strikto eto talaga namang mahal na mahal nya, ang kanyang bahay na pinagawa ay pinangako nya yun sa kanyang lolo at lola na ibibigay yun.. Syempre dahil wala naman ng makakasama ang mge eto sila sila din ang magkakasama sa iisang bubong..

Eto ang mga katangiang hindi alam ni Mike kung gaano kaulirang apo, pinsan, kapatid, pamangkin, kaibigan si Fatima, ang tanging alam lang ni Mike noon na isa etong nurse, may trabaho at edukada, ang backround family wala syang alam kay Fatima basta ang alam ni Mike minahal nya si Fatima tapos.. Kahit naman kase open silang dalawa, hindi nila napag uusapan ang mga bagay na hindi nila nakikita nakasentro lang sila sa isat isa..

A very SPECIAL LOVE [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon