Kabataan
Kabataan,
Walong letra,
Iisang salita
Na mahirap ng hintindihin.Sabi ni Dr. Jose Rizal
'Ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan'
Pero bakit ganun?
Bakit marami ang nawawala sa landas?Nalululong sa masamang bisyo,
Nabubuntis ng maaga,
Nagiging basagulero,
Nagrerebelde sa mga magulang.Mahirap man paniwalaan,
Pero ito ang nangyayari sa kapaligiran.
Wala akong pinapatamaan,
Pero ito ang problema ng bayan.Maraming katanungan,
Ang bumabagabag sa akin.
Gusto ko ang sagutan,
Na walang kabiruhan.Ang mga kabataan nga ba ang pag-asa?
Ang mga kabataan nga ba ang susi?
Ang mga kabataan nga ba ang magbabago?
O sila ang magpapalala sa suliranin na ating kinakaharap.Mga kabataan!
Gumising tayo sa reyalidad,
Gumising tayo sa katutuhanan
Na ang sinasabi ng ating bayani ay wala ng katuturan.Wala na! kasi tayo mismo,
Tayo mismo ang gumagawa ng dahilan
Dahilan upang mapawalang bahala ang katagang.
Ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan.