Memorable Moment With You
Ikaw lang sapat na!
Dahil sayo ko lang naramdaman.
Ang pag-ibig na inaasam-asam ng bawat isa.
Suportang kailanman walang makakatapat.Ikaw lang masaya na!
Dahil ikaw ang rason ng bawat pagngiti ko.
Kahit na sasakatan ako nandiyan ka sa tabi ko,
Na gumagawa ng dahilan para lang tumawa ako.Ikaw lang ayos na!
Dahil wala ng iba ang makakatumbas sayo.
Kahit na anong mangyari na nanatili ka parin.
Na gumagabay sa akin.Ikaw lang wala ng iba!
Dahil ikaw lang ang nag-iisang lola ko,
Na walang kahit na sinong makakatumbas,
Sa pagmamahal na alay ko sayo.Ikaw lang kahit wala kana!
Masakit mang isipin na pumanaw kana.
Ngunit ang batang inalagahan at inaruga
Ay hinding-hindi ka makakalimutan.Ikaw lang habang buhay!
Dahil ikaw ang kumompleto sa nawasak na ako.
Pero ngayong wala kana lola,
Ikaw at ikaw parin ang hinahanap-hanap ko.