May nakaraang pilit kinakalimutan ng isipan, pero di nang katawan. TRAUMA.
Sa tuwing naiisip ko ang stage, ang mga taong nakabaling ang atensyon sa akin, ang mic na hawak ng nanginginig kong kamay....Nawawalan ako ng hininga.......
Napabalikwas ako sa desk ko. Nakatulog pala ako. Pawisan at halos hinihingal ako pagmulat ko.
"Ok ka lang?" Bungad ng isang lalaking shoulder length ang buhok. "You were panting & moaning. I thought you're having nightmares kaya I woke you up."
Napalunok ako ng laway, Si John Paul andito! A.K.A PABLO of SB19
"O-Ou ayos l-lang ako" I responded & cleared my throat. "May meeting ba kayo ngayon? Sorry, di ko pa naliligpit mga kalat dito. Wait aayusin ko na din mga desks na gagamitin nyo."
Tumayo ako sa kinauupuan ko at inayos yung mga papel na nagkalat sa desk na nakatulugan ko. I turn off the printer at laptop na ginamit ko. I'm an intern here sa ShowBT, pero more than 4 years na ko dito dahil nagpapart-time ako dito as Utility personnel. At some point naging trainee din ako, halos naging kasabayan ko si Pablo pero nagstop din ako agad because of something... hehe.
Anyways, Ito na nga at nagliligpit na ko habang tinitingnan ng Pablo Lomo. Nang matapos sa mga papel at gadgets, Kinuha ko ang vacuum saka nag-umpisang linisin ang sahig.
"Intern ka di ba? Bakit naglilinis ka?" Tanung nya.
"Shempre ako nagkalat dito, haha. Saka nakakahiya naman magmemeeting kayo dito tas madumi." Sagot ko.
"I'll help you. Wala pa naman sila eh."
"Hindi, ok lang. kasama to sa trabaho ko."
"I insist." Pangungulit nya. Sabay Pilit na kinukuha yung vacuum sa kamay ko. Nadampian ng kamay nya ang kamay ko. Kaya agad ko binitawan ang vacuum, at nahulog ito sa sahig.
Expectation: Magkakatinginan kami at magtititigan, maglalapit ang mga muk---
MUKHA NYO!
Shempre sa reality tayo HAHHA
Initial reaction ng tao kapag nasaktan, hawakan ang parte na nasaktan. Kaya agad naming hinawakan ang mga parte na yun. Ako naman, inabot ko uli yung vacuum para i-off samantala si Pablo napaupo sa sahig.
"Ansaket!" Sabay tawa nyang sinambit." Tigas pala ng ulo mo, Literally." Nakalapat ang kanan nyang palad sa noo nya na tumama sa bunbunan ko.
"Ikaw kasi, Ang kulet mo JAMPOL" Tumatawa ko ring sinabi sa kanya. Dinampot ko ang vacuum saka nagpatuloy uli sa paglilinis.
"I just wanted to help you." His husky voice said.
"Like I said, This is my job. Saka sanay na ko gawin to hello? Utility dati."
I pointed at myself."At also a former trainee." He added.
"O-ou." Nag-aalangan kong sagot.
"Why did you stop?"
"Huh? hahaha Pag-uusapan talaga natin yan habang naglilinis ako hahaha" I laughed at him " Mabuti pa, you wanted to help di ba? Pakikuha na lang yung foldable tables at chairs dun sa gilid, Para malatag na pagkatapos ko dito."
He glared at me, "You're just dodging the ball."
"Sige mamaya, dodge-ball tayo hahahhaa" I joke. "Sige na, Go."
He rolled his eyes , Tapos pinuntahan na yung mga mesa sa gilid. Very down to earth ng SB19 kahit utusan sila ng kagaya ko sumusunod sila HAHA.
Anyways, dahil na rin madalas ko sila makasama noon pa dahil nga nagtatrabaho na ko dito at naging trainee, masasabi kong malapit ako sa kanila. Halos magkakasing edaran lang din kami. Kaya yun, Friends.Tinitingnan ko sya habang binubuhat nya ang mga foldable chairs, Naiimagine ko yung mga batak nyang muscle sa braso na di ko nakikita kasi nakaoversize T-shirt sya. Yung buhok nya na maya't maya nya hinahawi sa tenga nya. Yung kilay nyang natural na makapal at yung mga mata nyang nakatingin din sa kin Parang slow-motion ang tingin ko sa kanya hahha
"Oy! Matunaw ako. " Sabi nya
Snap girl! Akala ko imagination ko lang na nakatingin sa kin , totoo na pala.
"Hindi, kasi may kulangot ka sa malapit sa labi mo. " Palusot ko.
"Sabunutan kaya kita jan? " Pagtataray nya. "Nunal yan, Hawakan mo pa eh." Lumapit sya agad sakin. Nilapit ang mukha sa mukha ko.
Napaatras ako, Nashock sa sobrang lapit nya. " Hahhaa Ou na--"
Kinuha nya ang kanang kamay ko at nilagay sa Nunal nya sa labi. Hihilain ko sana pabalik pero hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ko. Tiningnan ako sa mata. Di na ko nakapalag, dahil intense ng pagkakatingin nya sakin.
Pinagapang nya ang kamay ko sa nunal nya, pababa sa labi nya. It's soft & full. Napatitig na rin ako sa labi nya, At naalaala ko ang isang interview nila na napanoud ko.
Are you a good kisser?
At yes ang sagot nya. Oh my,mapapatunayan ko na ba yun ngayon?
Mas nilapit nya pa ang mukha nya tapos binuksan onte ang labi nya. Sabay subo sa daliri ko at KINAGAT!!!
"OUCH!" Hinawakan ko yung daliring kinagat nya, Gigil na gigil bumakat yung ngipin.
"Anu? Kulangot? Kulangot?" Pagtataray nya pa.
Mangiyak-ngiyak ako sa sakit. Mahina ako sa mga gantong pisikal na sakit na inflicted ng iba. Kaya di ako umimik at tinapat sa tyan ko yung daliri na kinagat nya habang hawak na madiin ng isa kong kamay. Umatras ako para umupo sa tabi ng pader.
"Hala. Bakit?" Tanung nya, Nagtataka. "Napalakas ba pagkakakagat ko?"
Di ako umimik.Nakayukong Pinipigilan ang luha ko. Lumapit sya sa kin at nilagay sa balikat ko ang kanan nyan kamay.
"Hala. Sorry. Patingin." Kinuha nya ang kamay ko. Namumula na pero mas namula ako sa ginawa nya.
*chup*
Hinalikan nya yung daliring kinagat nya.
"There, All healed." Sabay ngiti sakin habang hawak ang kamay ko na parang sinanwich nya sa dalawa nyang kamay.
Nawindang ako sa ginawa nya. At napatulala na lang---
"Hoy po, anu yan?" tanung ng pumasok na tao sa kwarto kung asan kami. "Ginagawa nyo jan?" Si Justin pala.
"Aba.... Parang may anu ahhh" Sabi naman ni Ken na nakasunod kay Justin.
"Hahaha, Akala ko ba meeting, Ba't kayong dalawa lang anjan ? Anung pinagmemeetingan nyo." Sabi ni stell
"Lolo mo." Pambabara ni Josh.
"Eh, ang tagal nyo kaya dumating!" Pablo protested. "Sige simulan nyo na maglatag ng mga tables & chairs. We already cleaned up kaya kayo naman."
He stand up & lumapit sa mga kagrupo nya. Saka nagsimulang maglatag ng mga mesa at upuan. Tumayo na rin ako para kunin ang gamit ko, at tawagin ang mga boss na kameeting nila. Habang sila nagkakamustahan at nagbibiruan."(Y/n)!" Napalingon ako "Uwi ka na?" Tanung ni Pablo.
"Tatawagin ko lang sila Sir Kim, dahil kumpleto na kayo tapos mag-a-out na din ako. Matatapos na rin Time ko eh." I answered.
"Ahh ok, ingat!"
Salamat sa pananakit mo, literal!
YOU ARE READING
SB19: MANAGING THE MANAGER
FanfictionMay nakaraang pilit kinakalimutan ng isipan, pero di ng katawan. TRAUMA. Sa tuwing naiisip ko ang stage, ang mga taong nakabaling ang atensyon sa akin, ang mic na hawak ng nanginginig kong kamay....Nawawalan ako ng malay. Kaya from idol trainee, n...