Movie day-off

76 5 0
                                    


The dawn already broke, Tumilaok na din ang mga manok. Nagising ako sa natural na alarm ni mother earth. It's a brand new day, I thank God as I stretches in my bed.

Wala kong trabaho ngayon, pero pinili kong gumising ng maaga para mas mahaba ang araw ko para sa sarili. Bumangon na ko, nag-ayos ng higaan tapos pumunta sa kitchen para maghanda ng coffee at breakfast. Nagpatugtog ng mga K-pop songs habang nag-aantay na uminit ang tubig na pangkape ko sana.

I have a rule for myself na, pagday-off ko wala kong gagawing trabaho. Instead, gagawin ko ang mga bagay na gusto kong gawin. No phone calls na work-related, no paperworks, none! It's just about me, myself & I. Para naman makapagrelax at mabawasan ang stress.

So I plan my day, While sipping my coffee. At dahil na rin sa force-of-habit na nakuha ko sa work, Nililista ko ang mga planu ko. First, morning walk & jog, maggogrocery bago umuwi, magluluto ng lunch & hanggang pangdinner. Tapos maghapong magmomovie marathon. Yes, ayun ang plano, walang kokontra, walang magrereklamo.

Lumabas ako ng unit ko, para simulan ang simula ng plano. Paglabas ko sa pinto, may lumabas din sa pinto ng katabi kong unit. He is someone I know at katrabaho ko sya. The heavenly voice of SB19, Stell. Di naman ako nagulat na andun sya dahil magkapitbahay na talaga kami since last year.

"Uy!" Gulat nyang bungad sakin.

"Uy, ang aga mo ahh." Sagot ko sa kanya, Since day-off ko ibig sabihin off rin ng boys ngayon.

"Ou nga eh." Tawa nya. "San ka?"

"Maglalakad-lakad lang, punta din ako ng grocery eh." Sagot ko uli. "Ikaw?"

"Maggogrocery din, puro cup noodles na lang andito eh. Makapagluto man lang at makatikim ng lutong bahay." Sabi nya habang nilolock ang pinto ng unit nya. "Sabay na kaya tayo."

"Maglalakad lang ako eh"

"Edi, maglakad tayo. Para exercise na din" Pagsang-ayon nya.

So ayun na nga nilakad namin mula sa Condo hanggang supermarket, halos umabot ng 30mins ang lakaran, Nung andun na kami, kanya-kanyang listahan ng bibilhin, may mga pagkakataong nagkakahiwalay kami pero nahahanap namin ang isa't isa. Nung nabili na ang dapat bilhin, Punta sa counter. Nakilala pala sya ng cashier, at sinabing fan daw sya ng SB19. Kaya nagrequest sya ng photo with Stell.

Tumingin sakin si Stell na parang nagpapaalam kung pwede ba. I looked away, I thought sya na bahala tutal I'm not his manager for today.

"Sure po." Then tumabi sya sa cashier para makipagselfie dito. "Salamat po sa pagsuporta sa SB19."

Kinilig naman ang cashier saka sya nagpatuloy sa trabaho nya, habang nakikipag-usap kay Stell ng tungkol sa pagiging fan nya at sa mga fave songs at performances ng SB19 etc. Masaya ding nakipagbiruan sa kanya si Stell.

Lumipat na lang ako ng ibang cashier na walang pila para mapabilis. Nung tapos na ko, dali-dali akong lumabas ng supermarket dala ang mga pinamili ko na naka-ecobag at sinimulan nang lumakad uli pauwi. Nagtext na lang ako kay Stell na mauuna na ko, dahil lalakad lang ako pauwi.

Habang naglalakad, I heard a faint voice calling my name. Binalewala ko lang baka I'm just hearing things. Hanggang palakas ng palakas ito saka ko lumingon at huminto.

"Stell!?" Gulat ko. Tumatakbo sya papalapit sakin, habang tinatawag ang pangalan ko.

"(y/n) ang bilis mo naman maglakad, Pambihira! Iniwan mo ko, kanina pa ko tawag ng tawag. Snob lang." Tampo nya, hinihingal.

"Sorry, ansaya nyo kasi magkwentuhan nung cashier kaya naisip ko baka matagalan ka pa. Kaya nauna na ko. Nagtext ako sayo." I explain.

"Di ko dala phone ko. Saka hinahanap kita dun, wala ka na pala. Kinalat nung cashier dun na SB19 ako. Muntikan na ko dumugin, kaya lumabas na ko agad." Kabado nyang tawa.

SB19: MANAGING THE MANAGERWhere stories live. Discover now