Malakas ang hiyawan ng mga manonoud. Di magkandamayaw sa kakatili at kakasigaw ng mga pangalan namin na nagpeperform sa stage. Kami naman hingal na sa katatapos lang na performance. Last song na namin saka sumipa ang sakit ng ulo ko, pero di ko yun pinahalata."Salamat A'tin!!" Sigaw namin, saka bumaba ng stage.
Bawat taong madaanan namin ay kinakawayan at nginingitian ko. Bilang pasasalamat sa pagpunta nila sa event ngayong araw. Nakakaoverwhelm. Pati katawan ko naooverwhelm na.
Pawis na pawis ako ngayon kesa sa normal, pero feeling ko nilalamig ako. Medyo nangangati din ang lalamunan ko simula kaninang umaga, buti na lang at di nakaapekto sa performance kanina. Ngayon ko naramdaman lahat ng bigat ng pakiramdam ko na pinipigilan ko simula pa kanina. Wala akong pinagsasabihan kahit sino at sekretong uminom ng gamot habang nasa backstage.
"--ell! Stell!"
May tumatawag sakin pero parang malabo na ang pandinig ko.
"Stell, group photos daw kayo with the fans. Andun na sila sa stage." Sabi ng aming manager na si (y/n), akmang hahawakan na nya ko sa balikat, tumayo ako para iwasan sya.
Mukha syang nagtaka, tinaasan ako ng kilay. Naninibago siguro sya sa pakikitungo ko sa kanya ngayong araw, dahil panay iwas ako sa mga hawak nya. Di rin ako masyado lumalapit sa kanya o sa ibang members kasi baka mahalata nila yung nararamdaman ko. Ayoko naman makaapekto yun sa schedule namin.
Pagkatapos ng picture-taking, dumeretso kami sa sasakyan. May ibang mga fans ang nakaabang dun. Kaya nagfan service ako unti. Nagsign-sign na kumain, matulog at maghilamos. Saka kami sumakay sa van at bumyahe na.
Dumeretso kami sa office para mag-evaluate at magmeeting ng schedule kinabukasan.
"--tell. Stell." Ani ng boses. "Sasama ka ba? Dinner daw jan sa karinderya sa kanto. Lumabas na sila."
"Hindi na, uwi na ko gusto ko na magpahinga." Sagot ko sabay umubo. Si (y/n) yun na nakataas ang kilay.
"Ayos ka lang ba?" Tanung nyang muli. "Parang namumutla ka. Kanina ko pa napapansin."
"Ok lang ako, pagod lang, *ubo*."
Tatayo na sana ko sa kinauupuan ko nang hawakan nya ang noo ko. Nanlaki ang mata nya.
"Ang init mo Stell! Kanina ka pa ba nilalagnat?" Tanung nito.
"Uminom naman na ako ng gamot, itutulog ko na lang to." Sagot ko.
"Sigurado ka?" Tanung nya muli. "Tara, hahatid na kita."
"Ok lang, sama ka na sa kanila magdidinner pa kayo di ba?"
"May pagkain pa ko sa bahay kaya kahit di ako sumama dun may kakainin pa ko. Ikaw? Kailangan mo kumain. Saka anung oras ka uminom ng gamot? May gamot ka pa ba jan? Di ka ba nahihilo? Nasusuka?"
Natawa na lang ako sa sunod-sunod nyang tanung. Grabe kasi, sobrang parang alalang-alala sya.
"Tara na nga." Sabi ko na lang.
Nagpaalam kami sa ibang members na uuwi na dahil masama ang pakiramdam ko. Kaya naghiwa-hiwalay na kami. Pagdating sa condo, di tumigil si (y/n) sa tapat ng unit nya, nakasunod pa rin sya sakin. Napatingin ako sa kanya at nagtaka.
"Anu?" Tanung nito. "Sisiguraduhin ko muna na maayos ka. Itetemperature check kita."
Wala kong nagawa sa mother's instinct nya, kaya hinayaan ko na lang sya sumama sa loob ng bahay ko. Pagpasok, binaba ko ang mga gamit ko at hinubad ang jacket ko saka ko dumapa sa kama ko.
Sya naman agad pumunta sa kusina, chineck ang ref. Tapos binuksan ang closet ko, kumuha ng damit at pajama ko. Pinanoud ko lang sya sa kabusyhan nya. Parang alam na alam nya kung asan mga hinahanap nyang gamit kahit bahay ko to. Para syang nanay ko....
"Wala kang cooling patch? Saka thermometer?" Tanung nya. Nasa kusina sya uli at naghahalungkat sa mga cabinet doon.
"Wala."
"May gamot ka pa ba?"
"Nasa bag ko."
Tiningnan nya ang bag ko tapos lumabas sya ng bahay at di na bumalik. Baka napagod na, at umuwi na din. Pinikit ko na lang ang mga mata ko saka tuluyang natulog.
~~~~~~
"--tell. Stell." Ani ng boses. Naririnig ko pa rin ang malambing nyang boses kahit sa panaginip
"Stell." Tawag nito muli. "Bangon muna." Sabay hila sa kin para pabangunin ako.
"Hindi ka pa nagbibihis, di ka pa kumakain saka magpunas ka ng katawan para bumaba yung lagnat mo." Utos nya.
Napaupo ako sa kama, pero halos nakapikit parin. Nang maramdaman ko ang malamig na towel na dumampi sa noo ko.
Pinunasan nya ang mukha ko, Ang mga braso ko at leeg. Inabot sakin ang damit na kanina kinuha nya sa closet ko, saka inutusan akong magbihis.
"Magbibihis ka o ako magbibihis sayo?" banta nya.
"Bakit? Kaya mo ba?" hamon ko naman.
"Hoy... K-kaya nga ikaw pinapabihis ko kasi di ko kaya." Namumula na ang pisngi nya.
"Cute mo jan." Sabi ko sabay hubad ng suot kong Tshirt. Agad syang lumihis ng tingin. At lumabas ng kwarto. Pumunta syang muli sa kusina. At may kinuha.
"Tapos na ba?" Tanung nya bago pumasok uli sa kwarto.
"Ou tapos na ko magbihis." Sagot ko at humiga ako uli sa kama.
Pagpasok nya may dala na syang bowl na nakapatong sa malapad na plato. May laman na lugaw. May hawak din syang plastic bag pero di ko pa makita kung anung laman nun.
"Kumain ka muna, tas uminom ka uli ng gamot. Kasi mataas pa rin yung temperature mo. Pagbukas di pa bumaba yan, pacheck up na tayo."
Tumayo ako uli sa pagkakahiga. Kukunin ko na sana ang bowl ng lugaw pero hinawakan nya ang kutsara, dumakot ng lugaw saka yun hinipan at tinapat sa bibig ko.
"Ah." Sabi nya. "Nganganga ka o---"
Sinubo ko ang kutsara nang nakatitig sa kanya. Lalong namula ang pisngi nya. Siguro saka nya lang narealize na nakakailang at nakakahiya yung gusto nyang gawin.
"Ako na, kaya ko naman eh." Banggit ko, sabay kuha ng kutsara at ng bowl.
"S-sige na nga." Bigay nya.
Nilabas nya ang laman ng plastic bag na bitbit nya. Energy drink yun at cooling patch. Nagbukas sya ng isang patch at nilagay sa noo ko habang kumakain. Sinabihan nya din ako na inumin ang energy drink pagkatapos kong ubusin ang lugaw saka ko uminom ng gamot uli. Na syang ginawa ko.
Pagkatapos nun, pinahiga na nya ko at pinagpahinga. Hinang-hina ang katawan ko, kabaliktaran ng tibok ng puso ko. Gustong-gusto ko na matulog pero di ko maalis ang paningin ko sa kanya, na ngayon nagliligpit na nang pinagkainan ko. Dinala nya yun sa kusina, pagkatapos naglinis.
Bumalik sya muli sa kwarto, akmang i-ooff na ang ilaw. Nang napansin nya na nakamulat pa rin ako, at nakatingin sa dereksyon nya.
"Matulog ka na ser. Text mo na lang ako o kaya tawagan kapag may kailangan ka pa ha? " Paalala nyang muli.
"Uuwi ka na?" Tanung kong nakapout.
Tumango lang sya saka pinatay ang ilaw."Kung di ba ako yung nagkasakit, Kung si Pau or Josh or Justin or Ken yun, Gagawin mo pa rin ba sa kanila yung ginawa mo sakin." Tanung ko.
"Ou naman." Sagot naman nya, di ko na makita ang mukha nya dahil madilim. "Manager nyo ko eh."
"Ahh, manager...." Bulong ko.
"Kung sabihin kong magstay ka, magsstay ka ba?" tanung ko muli.
"Hindi pwede." Sagot naman nya.
Tumahimik ako at napapikit sa sinabi nya, ang sad naman. Gusto ko pang maalagaan nya, pero tama nga naman. Lalake ako, Babae sya. Baka iba ang isipin ng ibang tao. Pinatong ko ang braso ko sa noo ko, nang may naramdaman akong umupo sa sahig sa tabi ng kama ko.
"...Pero pwede naman(mag stay), hanggang makatulog ka." Bulong nito, nakatalikod sya sakin pero feeling ko nakangiti sya nung sinabi nya yun.
Pumikit akong muli. Saka nahimbing. Feeling ko gagaling na ko sa sakit na to pero may ibang sakit akong matatamo kapag naiisip ko ang manager namin.
YOU ARE READING
SB19: MANAGING THE MANAGER
FanfictionMay nakaraang pilit kinakalimutan ng isipan, pero di ng katawan. TRAUMA. Sa tuwing naiisip ko ang stage, ang mga taong nakabaling ang atensyon sa akin, ang mic na hawak ng nanginginig kong kamay....Nawawalan ako ng malay. Kaya from idol trainee, n...