Bea's POV
Finally Friday na. Ang pinaka gusto naming araw ni Trish. Grabe din talaga yung nangyari sa resort nung reunion namin. Hindi ko alam na pupunta din pala dun si Alvin.
"Anong meron?" Ang weird kasi ng mga classmates namin today.
"Hello? May nakakarinig ba sakin?" Ok. So invisible kami ngayon. Right. Wala paring sumagot hanggang sa dumating na yung prof.
"Okay class take your seats."
"So, let me introduce your new classmate.." Woah. Exciting. Sino kaya siya? Sana boy yung pogi para naman magka lovelife na ulit ako.
"Class this is Alvin Tristan Forge your new classmate." WatDaEf. Great. Lord. Bakit sa dinami dami siya pa? Its awkward.
"Excuse me Ms. Martinez?" Anyare kay Trish. Kanina pa siya tinatawag. Na space out din yata dahil yung mokong na 'to yung nang-gulo sa kanya nung nasa resort kami.
"Present po!" Nag tawanan naman yung buong klase. Na space out nga ang luka.
"The vacant seat on your right side will be the space for Mr.Forge." GREAT. Bale ganito ang seating arrangement.
3rd row. Ako-Trisha-Alvin. Wat a life.
"Hi. I'm Alvin Tristan. Tristan if you want." At saktong pagkasabi niya ng Tristan tumingin siya sakin. Hindi parin siya nagbabago. Mapang-asar parin. Pagkatapos nagpakilala narin si Trish.
"I'm Trisha. Nice to see you.. AGAIN."
"Okay. Since kilala niyo na ang new classmate niyo let's start to present your personal piece as part of tradition in our class." Matapos sabihin ni Prof.Cruz yun. Huminga ako ng malalim para ma-focus ang sarili ko at wag kabahan.
"Bea. Wala pa tayong piece." Nagulat naman ako dahil bigla akong kinalabit ni Trisha.
"I'm prepared." Sabi ko sabay itinaas ko yung music book.
"Alam mo ba tungkol dito?" Gash. Pinagdududahan niya ba ko? Lagi lang talaga akong prepared dahil sa exciting ang dating sakin pag may transferee. Sabagay hindi ko siya masisisi dahil hindi nya naman alam na lagi akong may advance piece.
"Nope." Yun na lang ang nasabi ko sa kanya para hindi na humaba pa ang usapan baka kasi mapagalitan pa kami.
"Bakit ganyan ka makatingin? Confusing." Pagkasabi ko nun umiling lang siya. Then nag focus na ulit ako dahil ako na ang sunod.
Napansin ko naman na mukhang inaasar ni Alvin si Trisha. Kaya nakaramdam ako ng selos. Hindi ko naman masisisi si Trish dahil hindi naman niya alam. I prefer to focus.
Matapos akong mag present nag-aasaran parin sila. Pansin ko rin na confusing parin yung expression ni Trish. Gash. Wala ba siyang tiwala sakin?
"And finally it's your turn Ms.Martinez." Actually kinakabahan di ako para kay Trish dahil hindi siya prepared. Pero may tiwala ako sa ouido niya. Mahusay siya pag dating dun.
Nung pumunta na si Trish sa harap ng class, halos lahat kami nagulat sa kanya dahil hindi niya bitbit sa harap ang clarinet niya.
Hindi ako makapaniwala sa ginawa niya. Grabe. Kumanta ba siya? Bakit yun ang kinanta niya? Anong nagyari? Bigla naman tumakbo palabas si Trish kaya agad ko siyang sinundan at ang bilis niyang tumakbo. Pati ako naguguluhan na.
"Hey Trish ok ka lang? Ano ba kasing presentation yung ginawa mo kanina? Grabe ginulat mo kaming lahat."
"Sorry. Wala kasi ako sa mood kanina." Obvious naman kanina sa expression mukha niya. Confused talaga. Ano ba kasing iniisip niya? Tss. Nakaka-curious tuloy.
"Bakit kasi sa dinami-dami mong alam na kanta yun pa ang naisip mo? Halika ihahatid na kita sainyo" Tingin ko hindi pa siya naka move-on talaga. Kase nung kinanta niya yung favorite song nila ni Daryll (ex boyfriend niya) naging emotional siya. Napansin ko naman na parang papatak ulit yung luha niya.
Iba talaga nagagawa ng pag-ibig sa tao. Ang matalino nagiging bobo. Sabagay sabi nga hindi ka matututo magmahal kung hindi ka masasaktan. Sa madaling salita we don't grow if we don't change.
**
BINABASA MO ANG
STRANGERS
RomanceA story about Friendship and Courtship. "God doesn't give you the people you want. He gives you the people you need. To hurt you, to leave you, to love you and to make you the person you were meant to be." -Google