Chapter 3 [Annoying]

16 0 0
                                    

"Thanks God it's Friday!" 3 days after na rin Simula nung mag outing yung batch nila Bea. Friday na nga ngayon at Music Class lang ang subject namin Lahat ng College Department kasama ito sa major subject yung may-ari kasi ng university Retired Orchestra Master kaya Lahat ng mahilig sa music dito nag-aaral.

"Anong meron?" takhang tanong ni Bea nung makarating kami sa Music Room. Kanya-kanya kasi silang practice ng Musical Piece eh hindi naman nila ginagawa yun pag wala pa yung prof. kadalasan pag walang Prof nagdadaldalan lang sila. Weird lang.

"Hello? May nakakarinig ba sakin?" ulit ni Bea dahil mukhang focus parin sila sa pag practice. Teka. di kaya...

"Okay class take your seats." Dumating na yung prof namin kaya tumahimik na rin ang klase. Pero kinabahan ako bigla nung may na realize ako kung bakit weird yung mga classmates ko kanina.

"So, let me introduce your new classmate.." this time mas lalo pa kong kinabahan pag kasi may bagong classmate mag sasample ng personal piece. Shit. bakit di ako updated? I'm not prepared. -___-

"Class this is Alvin Tristan Forge your new classmate" sabi ni Mr. Cruz prof namin. Nung nakita ko na yung Mukha nung bago naming classmate hindi ko na naintindihan yung mga Sinasabi ng prof. random na yung nararamdaman ko.

"Excuse me Ms. Martinez?"

"Present po!" Nagulat naman ako at nag tawanan yung mga classmates ko. Did I spacing out?

"The vacant seat on your right side will be the space for Mr.Forge" Seriously? Bakit nangyayari sakin ang mga ganitong bagay? I'm doomed.

"Hi. I'm Alvin Tristan. Tristan if you want." Inilahad niya naman sakin yung kamay niya.

"I'm Trisha. Nice to see you.. AGAIN." In-emphasize ko talaga yung again. Akala niya makakalimutan ko siya. Siya lang naman ang mayabang na sumira sa bakasyon ko. At ngayon classmate ko pa siya? I can't believe this.

"My Pleasure." Sabi niya sabay nag wink. Nang-aasar ba siya? Binigyan ko din siya ng naka ka asar na ngiti pero mukhang ako pa ang na asar.

"Okay since kilala niyo na ang new classmate niyo let's start to present your personal piece as part of tradition in our class." Since 17 lang naman kami kaya Lahat makakapag present. Anong musical piece naman kaya ang ipepresent ko? I'm sure mapapahiya ako pag yung dating piece ang i-present ko. High. Bakit ba pahirap sa buhay yung lalaking yun?

This time nag present na yung una kong classmate buti na lang volunteer kung sino ang mau-una kaya nag-isip muna ako ng musical piece na pwede kong i-present at hindi ako mapahiya dito sa mokong.

"Bea. Wala pa tayong piece." bulong ko kay Bea parehas kasi naming hindi alam to kaya at least may karamay ako sa rush. Hihi.

"I'm prepared." Sabi ni Bea sabay itinaas ang music book. So ganun? ako lang ang hindi prepared? Nakakatampo si Bea alam niya pala tapos di man lang ako Sinabihan. Pero bakit siya nag tanong kanina kung anong meron? Ibig sabihin hindi niya talaga alam at sadyang Handa lang talaga siya?

"Alam mo ba tungkol dito?" bulong ko kay Bea.

"Nope." Ang tipid sumagot ni Bea. Di kaya nag sisinungaling siya? Bakit niya naman gagawin yun eh best friend ko siya. Ano ba nangyayari kung anu-ano na pumapasok sa utak ko.

"Bakit Ganyan ka maka tingin? Confusing." masisisi niya ba ko e litong Lito talaga ako. Una, sa kinikilos niya. Pangalawa pano ko mag ko- compose on the spot eh hindi ako maka pag focus? High boo high.

10 na ang nakakapag present ng piece nila so 7 na lang ang hindi pa tapos at isa ako dun. Ang pinagka-iba lang sila prepared ako? WALEY. Yeah capslock para intense. -_- ayaw talaga mag function ng utak. Sobrang daming iniisip.

"Problem?" Bulong nung katabi kong mokong. I mean si Tristan daw siya.

"Oo, bakit gusto mo?" Sarcastic na sabi ko. Kasalanan niya lahat 'to kung di siya nag transfer wala sana akong problema ngayon. Pero kasalanan ko din dahil dpat laging may reserve na piece para sa mga unexpected activities. Gaaah! Don't know what to do.

Napa face palm na lang ako sa sobrang stress na dala ng Tristan na 'to.

"And finally, It's your turn. Ms. Martinez" halos mahulog ako sa upuan ko ng tinawag ako ni prof. Gad. Sana kainin ako ng lupa ngayon na. Bahala na si Batman, si Superman at si Baymax.

Inhale.Exhale.Inhale.Exhale

Halatang gulat silang lahat dahil hindi ko dala ang clarinet ko. Nakatayo ako ngayon sa harap ng classroom na may maliit na parang stage. Nabalot na ng kaba ang buong katawan ko yung tenga ko parang liliyab habang lahat ng tao sa harap ko naghihintay sa kung anong gagawin ko. Bahala na talaga.

You are the one who makes me happy
When everything else turns to grey
Yours is the voice that wakes me morning
And sends me up into the day..

You are the crowd that sits quiet listening to me and all the mad sense I make.
You are one of the few things worth remembering..--

Hindi ko na natapos yung kinakanta ko. Bakit ba kasi sa dinami dami ng kantang alam ko yun pa ang naisip ko? Hindi ko ma-explain yung nararamdam ko. Lahat ng sakit na naramdaman ko dati bigla ko na lang naramdaman.

Medyo na relieve na ako simula kanina. Mas ok na rin mag relax dito sa library kasi tahimik. Bigla na Lang kasi ako tumakbo sa restroom kanina para mag stress out. Na realize ko rin na hindi pa pala ako totally nakapag move on. Apektado parin ako at yun ang hindi ko matanggap sa sarili ko.

"Hey Trish. Ok ka lang? Ano ba kasing presentation yung ginawa mo kanina? Grabe ginulat mo kaming lahat."

Expected ko na yan ang sasabihin ni Bea. Isa kase ako sa mga may ouido pag dating sa musical piece kaya siguro na disappoint ko sila.

"Sorry. Wala kasi ako sa mood kanina." Sabi ko habang humihikbi parin.

"Bakit kasi sa dinami dami mong alam na kanta. Yun pa ang naisip mo? Halika hatid na kita sa inyo." Hindi ako maka sagot kay Bea. Bakit nga ba kasi? Parang anytime babagsak ulit yung luha ko. Totoo pala na hindi madaling kalimutan ang first love..

***

STRANGERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon