Trisha's POV
"Gooood Mooorniiing!"
"Wow ang taas ng energy oh. Mas mataas pa sa height mo."
Ang aga-aga naman mang-asar ni Zander minsan nga lang kami mag full time bonding eh. *sigh*
"Dahil good mood ako, hindi ko muna papatulan yung pang-aasar mo." Sabi ko sabay talikod para hanapin si Bea.
"Nasan na si Bea?" Tinagalan ko na ang pag gayak para hindi ako maghintay tapos ganun parin pala. Maghihintay parin ako.
"Nasa kwarto niya pa. Hindi pa ata niya nauubos yung foundation. Hintayin mo malapit na yun."
"At pano mo nalamang nasa kwarti niya aber? Saka Bakit parang waley yung mga punchline mo ngayon?" Waley kasi talaga. Diba?
"Nag text po kasi siya kanina. Bakit nagpa-punchline ba ako?"
Oh bigla naman naging masungit. Ano bang problema niya? Gutom ba siya?
"Ahm. Zander. Gutom ka ba?"
"Bakit?" Mukha naman siyang na confuse sa tanong ko. Di kaya gutom talaga siya? Hmmm. Ting! May dala nga pala akong sweet oats.
"Sweet Oats oh. Alam kong gutom ka na." Binigay ko na sakanya tutal diet naman ako. Hehe.
BINABASA MO ANG
STRANGERS
RomanceA story about Friendship and Courtship. "God doesn't give you the people you want. He gives you the people you need. To hurt you, to leave you, to love you and to make you the person you were meant to be." -Google