"Anong ginagawa mo dito?!" Nagulat ako nung nakita ko yung lalaking nakabangga sakin kanina. Juice ko baka kung ano gawin sakin nito. Teka.. lasing ata 'to.
"Hoy! umalis ka nga diyan, dun ka matulog sa room mo. Hoy ano ba!" Nagulat ako kasi bigla na lang siyang humiga sa kama baka may maka-kita samin at kung ano pa maisip.
"Hmm. ano ba natutulog yung tao eh." Aba. talaga tinulak pa ko nitong Walangya na to. Dahil lasing naman siya nag kunwari ako na may hawak akong baril at tinutok ko yun sa ulo niya para takutin.
"Get off or i'll shoot you" pinilit kong hindi matawa para mas maka-totohanan. Nung may narinig akong kakaibang tunog.. humihilik na ang mokong. Nakakainis! Baka isipin nila hinalay ko yung lalaking 'to.
"Alam mo sinira mo ang 1day vacation ko." Naiinis na bulong ko sa kanya kahit na alam kong di niya maririnig. Hinayaan ko na lang din muna siya na matulog dun no choice din naman ako dahil mukhang naglalakbay na yung diwa niya. Sana bangungutin siya. Pero joke lang yun.
Bigla akong nakaramdam ng gutom kaya naisip ko na kumain muna... Pagkatapos kumain nag palit na din ako ng damit para mag swimming ng biglang magising yung asungot.
"Waaah! Kadiri ka! Nakiki-tulog ka na nga lang sinukahan mo pa yung kama ko! Arggg! Nakakainis ka talaga!" Gusto ko siyang suntukin sa sobrang inis. Grabe na talaga 'tong mga nangyayari ngayon. Kumuha ako ng map para linisin yung suka ng lalaking yun. Kadiri talaga!
Nagulat naman ako nung bigla siyang nahulog sa sahig mula sa kama tapos parang lamig na lamig siya tapos bigla siyang namula. Nag panic naman ako dahil nung hinawakan ko siya sobrang init niya. Lahat ng inis ko isinantabi ko muna dahil nagpapanic narin ako.
Inangat ko yung katawan niya para ilagay siya sa kama saka ko sunod na Inangat yung paa niya. Grabe ang bigat niya. Nilagyan ko naman siya ng basang towel sa noo niya para mabawasan yung init sa katawan niya. Ang dami kong naiisip habang naka-titig ako sa kanya. Kung bakit may concern parin ako sa kanya kahit di ko siya kilala at inis na inis ako sa kanya dahil sinira niya ang buong araw ko.
"Mukha ka naman pa lang mabait pag tulog" Napabuntong hininga na lang ako at biglang nakaramdam ng antok.
**
"Woooooh! Grabe ang saya ng outing na 'to! Teka nasan si Trisha?"
"Baka nasa kwarto niya nagpapahinga. Pero anong oras na oh. Halos 5 hours na rin siyang nagpapahinga gisingin mo na kaya."
Nagising naman ako bigla nung narinig ko yung sigaw ni Zander mula sa pinto ng kwarto. Wait... saka lang nag sync in sa utak ko nung nakita ko yung asungot na nakahiga sa kama ko. Anong gagawin ko? Kung itago ko muna kaya siya sa ilalim ng kama? kaso baka lamigin siya lalo. Sa closet kaya? Tama tinignan ko yung closet kaso mukhang hindi siya kasya. Di ko na alam gagawin ko. Hayy bahala na nga!
"Ah. Hmm. Hello Zander. Tapos na kayo?" Awkward smile. Nakita ko naman na nagtataka si Zander dahil hindi naka open masiyado yung pinto at halata na may tinatago ako. Nagulat ako nung tumitig siya saken tapos bigla niyang sinipa yung pinto.
"Akala ko may iba ka pang kasama dito eh. Halata kase sa kilos mo." Nagulat din ako nung biglang nawala sa kama yung lalaki. Saan kaya na punta yun?
"Ano bang Sinasabi mo? Wala ka namang nakita Diba ?" Sa totoo lang meron talaga. Kaya lang nagtataka ako kung nasan na na punta yung lalaking yun. Ang bilis niya ata mawala?
"O'siya sige, lumabas ka na diyan kakain na rin tayo. Hindi mo manlang sinulit yung isang araw na bakasyon natin dahil mag-hapon kang tulog" Simula kasi nung dumating kami dito pumasyal lang ako saglit tapos nung nakabangga ko na yung lalaki na yun hindi na ko pumasyal dahil sumakit yung katawan ko at nag movie marathon hanggang sa naka tulog at eto ngayon.
BINABASA MO ANG
STRANGERS
RomanceA story about Friendship and Courtship. "God doesn't give you the people you want. He gives you the people you need. To hurt you, to leave you, to love you and to make you the person you were meant to be." -Google