< xi >
[MICKI's PoV]
Tanghaling tapat na nang tumigil kami sa pagbababad sa dagat. Di na namin namalayan ang oras dahil sobra-sobra lang naman kaming nag-enjoy sa pinaggagawa namin.
Dahil nga dun, nagawa kong kalimutan saglit na may mga problema ko.
Pero pagbalik namin dun sa pwesto namin para magpatuyo, yung mga problema ko, NADAGDAGAN.
Wala nga pala kasi akong towel. Iniwan ko yun sa beach house eh. Di ko naman kasi inaasahan na mapapa-swimming din ako.
Tss. Buti pa tong mga kasama ko, nakakapagpatuyo na. Samantalang ako, nilalamig na dito.. >___<
*HACHOO!
WAA BINABAHING NA RIN AKO! ~___~
"Micki." tawag sakin ni Haji sabay abot ng towel nya. "Gamitin mo."
Tinitigan ko yung towel. Hindi nya pa yun nagagamit.
"Huh? Eh pano ka na?" tanong ko.
"Dun na ko sa beach house magpapatuyo. May isang towel pa naman ako dun."
Hala.. Ano ba.. Medyo nakakakonsensya.. >___<
"Wag ka na makonsensya."
Ay. Mind reader ba tong si Haji? =___=
"Ako naman nagpilit sayo na mag-basa eh kaya ikaw na gumamit nito." niladlad nya yung towel at pinatong yun sa ulo ko. "Dali, magpatuyo ka na bago pa lumala yang sipon mo."
"AYIEEE~" eh? Ano ba tong sina Andrea at Candy. Mga malisyosa.
Pero tinawanan lang namin sila ni Haji. Kahit ano namang panunukso ang gawin nila samin, talagang magbestfriend lang kaming dalawa.
Nagawa ring magpatuyo ni Haji kasi nakipag-share sakanya ng towel si Luke. At pagkatuyo naming lahat, bumalik na kami sa beach house. Doon eh agad kaming nagsi-liguan. Mga gutom na rin kasi kami.
Kaya nga lang, naging problema pa namin ang kakainin naming lunch. Wala kasing nakapaghanda o nagbaon man lang samin ng makakain. Buti na lang may stock sina Kristine na pwede lutuin. At dahil walang katulong o utusan ngayon dito, kami na rin ang magluluto.
Hindi pala KAMI. Hindi naman kasi ako kasama sa pagluluto. Sina Candy, Andrea at Kristine ang umasikaso nun, with a little 'panggugulo' nina Luke at Kiel. Naku. Good luck sakanila at sa maluluto nila.
Lumabas na lang ako dun sa may balkonahe para magpahangin. Nandun din pala si Haji. Relax syang nakaupo sa may two-seater bench habang naggigitara.
Dala nya pala yang gitara nya ah.. Naalala ko tuloy si Badtz..
Haay.. Naiiyak na naman ako.. Pag naalala ko kasi si Badtz, napipicture ko yung grabeng pagsira na ginawa sakanya ni Kiel..
Si Badtz.. Hindi sya tao pero naaawa ako sakanya.. Mahalaga sya sakin eh.. Regalo sya sakin ni Kiel tapos.. ganun.. nagkaganun sya dahil sakin..
"Micki." tawag bigla sakin ni Haji.
Napasniff ako at tumingin ulit sakanya. Nakaupo pa rin sya pero tumigil na sya sa paggigitara.
"Upo ka dito." yaya nya.
Umupo naman ako sa tabi nya. Sumandal ako at nagrelax habang nakatitig sa dagat.
"Gitara ka oh." inabot nya sakin yung gitara.
"Ahh ayoko.. Wala ako sa mood.." pagtanggi ko.
Kita ko ang pagkagulat nya. Pag dating kasi sa pagtugtog ng gitara, alam nyang di ako tumatanggi. Madalas pa nga, ako ang nang-aagaw ng gitara pero ngayon.. iba na ngayon eh.. nawalan na talaga ko ng ganang tumugtog..
Napa-sniff na naman ako. Kasi naman, naluha na ko sa mga naiisip ko. >___<
Rinig kong natawa ng mahina si Haji tapos nagbuntung-hininga pa sya. Tinuloy nya na rin ang paggitara. Ang random ng tinutugtog nya. Puro intro lang ng kung anu-anong kanta.
'More Than Words'
'When You Say Nothing At All'
'Magbalik'
'Your Guardian Angel'
'Crazy For You'
Then.. 'Huling Sayaw'?
Napatingin ako sakanya sa pagtugtog nya sa kantang yun. Yun ang madalas kong tugtugin nitong nakaraan eh. Ka-LSS naman kasi yung kanta.
Nginitian nya ko habang tumutugtog sya. Akala ko nga intro lang ang tutugtugin nya pero tinuluy-tuloy nya yun at kumanta pa sya!
"♫ Ito na ang ating huling sandali. Hindi na tayo magkakamali.♫"
Ang sarap talaga pakinggan ng boses ni Haji pag nakanta. Mahina pero malamig.
Bumalik ako sa pagkakasandal ko at muling tumitig sa dagat habang nakikinig sa pagkanta nya.
"♫ Kasi wala nang bukas, sulitin natin ito na ang wakas. Kailangan na yata nating umuwi.. ♫"
"♫ Hawakan mo aking kamay, bago tayong maghiwalay. Lahat-lahat ibibigay. Lahat-Lahat.. ♫" napakanta na rin ako at hinayaan lang ako ni Haji. Babae naman kasi ang kumanta sa part na yun.
Duet talaga ang kantang toh eh. Kaya sa next verse, sabay na kaming kumanta.
"♫ Paalam sa'ting huling sayaw, may dulo pala ang langit. Kaya't sabay tayong bibitaw, sa ating huling sayaw.. ♫"
BINABASA MO ANG
That Breakup
Teen Fiction(Informally written and not yet edited) Siya si Micki Magdayo, isang frustrated girlfriend. Lagi na lang niyang kinukuwestyon sa kanyang sarili ang pagmamahal ng nobyo niya sa kanya. But... not anymore, when they had that breakup. • 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘...