[EZEKIEL's PoV]
Ang sarap lang talaga matulog. Lalo na kung..
..kung katabi mo ang mahal mo.
"Micki.. I love you.." antok kong bulong sabay yakap pa ng mahigpit sakan--
O___o
Napadilat ako nang hindi na isang Micki ang naramdaman kong yinayakap ko. Isa na yung unan!
Umupo ako dito sa sahig at inikot ang tingin sa paligid habang nagkukusot ng mga mata.
Asan na ba yung si Micki?
Tumayo ko at hinanap sya sa kusina, sa sala, sa CR, maging sa kwarto ko pero.. wala sya. Wala na rin ang mga sapatos nya sa may pintuan. Ibig sabihin.. umalis na sya..
Tsk. Inis akong umupo sa sofa.
Siguro umalis sya kasi pagkagising nya, nakayakap ako sakanya. Madali pa namang mailang si Micki sa mga ganung kilos ko.
Napabuntung-hininga ko at sumandal dito sa sofa.
Medyo nahihirapan na ko.. ang hirap naman kasi pigilan ang sarili ko na gawin ang mga gusto kong gawin kay Micki. Ay oi! HINDI YUNG ANO ANG TINUTUKOY KO NA GUSTO KONG GAWIN SAKANYA AH!
Uhm, sabihin na nating isa yun. Muntik-muntikan na kong makalimot kanina eh. Mabuti na lang napigilan ko ang sarili ko kundi.. ewan.. baka mabastusan sya sakin. Ayoko naman ng ganun.
Pero bukod dun, ang mga gusto ko talagang gawin sakanya eh yung mga dapat na ginagawa ng isang typical o normal na boyfriend.
Gusto ko sanang lagi syang niyayakap, hinahalikan, hinahawakan ang kamay, yung mga ganun. Kaso pinipigilan ko ang sarili ko na gawin ang mga yun kasi ayokong mailang si Micki sakin. Si Micki pa naman ang tipo ng babae na nakokornihan sa mga ganung kilos. Palibhasa, medyo may pagka-tomboy sya. Buti nga hindi nya ko sinapak kanina nung naglakas-loob ako na halikan sya. =___=
Napabuntung-hininga na naman ako.
Nahihirapan na talaga ko eh, lalo na't nararamdaman ko na parang hindi naman isang boyfriend ang tingin nya sakin kundi isang kabarkada lang. Eh ano pa bang dapat kong asahan? Hindi ko naman sya niligawan at hindi nya ko sinagot. Bigla ko lang syang inangkin non bilang girlfriend ko.
Pero.. Kahit na ganito kami.. Ayoko pa ring bumitaw sa relasyong ito na meron kami ngayon..
Ayoko..
Mahal ko sya eh..
Ugh. Ano ba toh! NAGDADRAMA KO!
Potek. Ginulo ko ang buhok ko at pumunta ng kwarto para magpalit ng damit. Aalis na lang ako at tatambay kina Luke.
Habang nagbibihis ako, may narinig akong nagri-ring. Cellphone ko yata yun.
Binilisan ko ang pagbibihis tapos pinuntahan ang cellphone ko na nagchacharge sa sala.
Oh, si Micki pala toh!
"Micks! Bigla-bigla ka na lang nawala! Asan ka ba ah?!" madali kong tanong pagkasagot ko sa tawag nya.
"Ginising kita kanina ah at sinabihang aalis na ko. May meeting kami ngayon ng mga ka-banda ko eh." simple nyang sagot.
"Ganun ba.. Tsk." Badtrip. Yung banda na naman na yun ang inaasikaso nya.
Ang totoo eh hindi ako pabor sa pagsali nya dun. Pero di ko na sya pinigilan. Alam kong gustung-gusto nya ang pagtugtog at pagkanta kaya naman sinusuportahan ko na lang sya.
"Uy Kieltot, pakidala naman si Badtz sa studio namin oh.."
"Si Badtz?" inikot ko ng tingin dito sa sala. Ah, ayun si Badtz. Nasa sulok.
BINABASA MO ANG
That Breakup
Teen Fiction(Informally written and not yet edited) Siya si Micki Magdayo, isang frustrated girlfriend. Lagi na lang niyang kinukuwestyon sa kanyang sarili ang pagmamahal ng nobyo niya sa kanya. But... not anymore, when they had that breakup. • 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘...