< ii >
[MICKI's PoV]
Gusto ko mang malaman agad kung bakit nandito sa labas ng library si Kiel eh hindi ko muna siya nilapitan.
Nanatili lang ako dito sa pwesto ko at tinitigan ang likod niya. Di ko alam. Basta, nag-eenjoy ako na panuorin siya kahit wala naman siyang ginagawa.
Lumipas na ang ilang minuto, nabagot at nangawit na yata siya sa pagkakaupo niya. Tumayo na kasi siya habang naiiritang nagkakamot ng batok.
Nang pagpagin niya ang likuran ng pants niya, dun lang siya napatingin sa direksyon ko.
Nagulat siya nang makita niya ako. Pero ako? Tumakbo na ko palapit sa kanya na para bang kalalabas ko lang ng library.
"Oh Kiel? Ba't nandito ka?" tanong ko pagkalapit ko sakanya.
"Hmmm..."
Takte talaga 'tong lalaki na 'to. Kung pag-isipan ang tanong ko, para lang siyang sumasagot ng math problem!
"Ah," inalis niya bigla ang tingin sa'kin at nagkamot ulit ng batok. "Di kasi kami natuloy ni Haji sa Sylveries. May biglaang lakad kasi siya. Kaya dinaanan na lang kita dito."
Bumilis ang tibok ng puso ko.
Ibig bang sabihin nito, sinusundo niya ko?
Aba, ngayon lang niya 'to ginawa ah! Yung dinaanan ako sa isang lugar at hinintay kaya naman medyo... medyo kinilig ako.
"Tara na Micks. Nagugutom na ko eh." Nauna na siyang naglakad. "Libre mo ko ng fishball ah."
Napasimangot ako dun. Kaya pala niya ko dinaanan dito--kasi magpapalibre lang pala siya ng fishball! Grrr.
Mabilis akong sumunod sa likuran niya. Hahatakin ko sana ang damit niya kasi gusto ko siyang yugyugin sa sobrang inis pero pinigilan ko ang sarili ko.
Naisip ko, wala naman akong karapatan na magalit at magreklamo. Ako ang may mali. Masyado akong nag-assume kahit alam kong hindi ganung tipo ng boyfriend ang hinayupak na 'to.
Pagkalabas namin ng campus, kumain nga kami ng fishball. Doon ko na lang inilabas ang inis ko--sa pagkain ng maraming maraming marami at maanghang na fishball at kikiam!
"Takaw nito. Kaya nagiging baboy ka na eh." sita ni Kiel habang kumakain at nakakatitig sa'kin.
"Pake mo?" sagot ko naman.
Ngumisi sya at umiling-iling. Tumigil na siyang kumain. Bumili na lang siya ng palamig. Ako naman, todo kain pa rin.
"Hoy, tama na." sita niya ulit sa'kin. Amp. Bahala siya.
Tumingin naman siya sa tindero.
"Magkano na ba lahat ng kinain namin?" tanong niya dun sa tindero.
"Kung di na siya kukuha, saktong 50 pesos lahat!"
Napahinto ako sa pagkain. Nagkatinginan din kami ni Kiel.
Ampotek. Fishball at kikiam lang, naka-50 pesos na kami?!
Buti tinanong yun ni Kiel kundi, hindi ko pa maiisipang tumigil kumain at mapapalaki pa gastos ko!
"Ito bayad oh." napatingin ako ulit kay Kiel. Siya na ang nagbayad ng mga kinain namin. "Tapos isa pa nga pong palamig."
Natulala ako sa ginawa ni Kiel.
Yung totoo? Si Kiel na ang nagbayad ng kinain namin?
"Wui Micki?" napakurap ako sa pagtawag ni Kiel. "Ang bagal mo kumain. Dalian mo nga diyan."
BINABASA MO ANG
That Breakup
Teen Fiction(Informally written and not yet edited) Siya si Micki Magdayo, isang frustrated girlfriend. Lagi na lang niyang kinukuwestyon sa kanyang sarili ang pagmamahal ng nobyo niya sa kanya. But... not anymore, when they had that breakup. • 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘...