< viii >

15.8K 269 15
                                    

[MICKI's PoV]

"ATE! MATUTULOG NA KO!" sigaw ng nakababata kong kapatid na lalaki habang kumakatok sa kwarto ko.

Ako naman, nanatili lang ng pagkakaupo dito sa kama ko at niyakap nang mahigpit ang mga tuhod ko.

"NASA REF LANG YUNG ULAM KUNG KAKAEN KA NA AH!" sigaw nya ulit. "UY ATE!"

"O-OO!" pilit kong sagot sakanya kahit ba nahihirapan akong magsalita dahil sa ilang oras ko nang pag-iyak.

Oo nga noh.. Ilang oras na ba kong umiiyak?

Mula nung pagkauwi ko kaninang hapon hanggang ngayon na madilim na eh may mga luha pa ring lumalabas mula sa mga mata ko.

Masakit talaga eh.. Di ko pa rin matanggap yung mga nangyari.. Yung mga sinabi ni Kiel sakin, yung pagkakamaling nagawa ko, at lalo na yung.. yung paghihiwalay namin.. di ko matanggap ang lahat nang yun..

Wala na.. Wala na kami ni Kiel.. Nakipaghiwalay na sya sakin dahil sa katangahang ginawa ko.. Ang tanga ko.. Ang tanga-tanga ko..

Napaiyak na naman ako sa isiping yun. Nagsisisi ako eh. SOBRA.

Pero.. ganun na lang ba yun? Ganito na lang ba kami?

Di pa naman huli ang lahat, diba?

Pwede pa kong magpaliwanag sakanya.. pwede pa kaming bumalik sa dati..

Oo, pwede pa kasi mahal namin ang isa't isa. Yun naman ang mahalaga, diba?

Napatigil ako sa pag-iyak. Nagkaroon din ako ng unting lakas ng loob.

Tama.. Tama yun, Micki. Di pa huli ang lahat sa inyo ni Kiel.

Kaysa umiyak eh dapat kumilos na ko. Dapat magkaayos na kami bago pa matapos nang tuluyan ang araw na toh.

Tumayo na ko at inayos ang sarili ko sa harap ng salamin. Tapos ay tumingin ako nang diretso sa sarili kong mga mata-- sa namamaga kong mga mata.

"Kaya mo yan, Micki.." bulong ko sa sarili ko.

Huminga ako nang napakalalim tsaka ko lumabas ng kwarto ko at umalis para pumunta sa bahay nina Kiel.

Lakad, takbo, lakad-- nagmamadali ako sa di ko malamang dahilan.

Pero nasayang lang ang pagmamadali ko. Pag dating ko kasi kina Kiel, walang tao roon. Walang sumasagot kahit anong katok at pagtawag ang gawin ko sa may pintuan nila.

Haay. Umupo na lang ako sa tapat nitong pintuan nila. Pinakalma ko ang sarili ko kasi hinihingal ako sa ginawa kong pagmamadali.

Si Kiel.. Uuwi rin sya.. Hihintayin ko sya.. Mag-uusap kami at magkakaayos din kami..

Yun ang paulit-ulit kong inisip habang naghihintay ako.

Ang ilang segundo kong paghihintay, naging ilang minuto. Ang ilang minuto, naging ilang oras.

Dalawa.. Eksaktong dalawang oras na pala ang lumipas.

11PM na. Wala pa rin si Kiel. Asan na kaya sya?

Parang nawawalan na ko ng pag-asa ah..

AH HINDI! HINDI, HINDI! WAG KA MAWALAN NG PAG-ASA, MICKI! MAHAL KA NUN KAYA TIWALA LANG, MAGIGING OKAY DIN ANG LAHAT!

Umiling-iling ako at muling huminga nang malalim. Tapos niyakap ko ang sarili ko kasi bigla akong nakaramdam ng panlalamig!

Eeeeh.. Medyo nakakatakot nga pala dito.. Di kasi ganun kaliwanag ang paligid.. Tsk.. Kiel.. Dumating ka na, please.. >___

That BreakupTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon