"Hello?" mahina kong sagot sa tawag ni Lou sa cellphone ko. Nasa loob kasi ako ng jeep. >.
"Asan ka na Micki?" tanong naman nya na may tonong malungkot.
"On the way na ko, Lou. Sensya na talaga ah? Pero malapit na ko."
"Ah. Sige. Intayin kita dito." may pagkalungkot nya pa ring sagot. Ang weird ah. "Ingat ka."
"Hm. Sige."
At natapos din ang tawag.
Ang weird talaga ng pananalita ni Lou. Pero siguro, napagalitan lang sya ng leader namin. Ganun naman sila minsan. May pagkapasaway din kasi si Lou.
Ay.. Sa tawag nya pala kanina, nakarinig ako ng tunog ng bass. Si Joseph malamang ang natugtog na yun. Hindi kaya may practice kami ngayon? Hindi namin yun napag-usapan kahapon pero baka meron.. Tsk. Baka kailanganin ko si Badtz. Naiwan ko pa naman sya sa bahay nina Kiel. >.
Tinawagan ko na lang ang cellphone ng hinayupak na yun para ipadala si Badtz sa studio na tinutugtugan namin na pag-aari rin nung magkapatid.
Sana lang magising si Kiel at masagot ang tawag ko.
Isang ring.. Dalawa.. Tatlo.. Apat.. Lima.. Tsk.. Wala na.. Mukhang tulog pa rin sya.. =/
Ieend ko na sana yung tawag nang sa wakas ay sumagot na sya!
"Micks! Bigla-bigla ka na lang nawala! Asan ka ba ah?!" nagmamadali nyang tanong.
"Ginising kita kanina ah at sinabihang aalis na ko. May meeting kami ngayon ng mga ka-banda ko eh."
"Ganun ba.. Tsk."
"Uy Kieltot, pakidala naman si Badtz sa studio namin oh.."
"Si Badtz?" tanong nya.
"Oo. Kung di mo alam, si Badtz yung gitara na niregalo mo sakin." =___=
"Alam ko noh. Tss. Nakita ko na sya. Geh, dadalhin ko na lang sya dyan."
Napangiti ako. "Okay."
"Anong okay-okay? Di yun okay noh. Dapat bayaran mo ko."
"Siraulo.. Ay, uhm.. Eh ito..pwede na bang bayad.." NAMAAAN. ANO BA 'TONG NAIISIP KONG IBAYAD KAY KIEL! Nakakahiya.. >///
"Ano naman yan?" para syang nacurious.
"Hm.. Isang I.. I.." huminga ko nang malalim. "I lo-- AY! PARA PO MANONG!"
AMP! MUNTIK PA KO LUMAGPAS SA DAPAT KONG BABAAN! >___
"HUH? ANO BA NAMANG KLASENG BAYAD YAN MICKI!" - Kiel
Huminto na yung jeep. "Sige Kiel ah. Bababa na ko eh. Wag mo kalimutan si Badtz!"
Agad kong inend yung tawag at bumaba na ko ng jeep. Pagkababa ko ay tumakbo naman ako papunta sa malapit na subdivision kung nasaan ang studio namin.
"NANDITO.. NA KO!" hinihingal kong sigaw pagkapasok ng studio.
"Uy Micki." nakangiting bati ni Joseph na relax na relax na nakaupo sa isang sofa at tinutugtog ang bass nya.
"Hi.. Hehe.. Sorry late ako.." napatingin ako kay Lou na nakaupo sa isang stool sa tapat ng mic. Ngumiti sya sakin.
Teka.. Si Jommel, wala?
"Uh, asan si Jommel?" tanong ko pagkaupo ko sa tapat ni Joseph.
"Nakipag-meeting dun sa music producers na kumausap satin kagabi. Kaya yung meeting pala natin, mauusog. Siguro mamayang gabi pa o ipagpabukas na."
BINABASA MO ANG
That Breakup
Teen Fiction(Informally written and not yet edited) Siya si Micki Magdayo, isang frustrated girlfriend. Lagi na lang niyang kinukuwestyon sa kanyang sarili ang pagmamahal ng nobyo niya sa kanya. But... not anymore, when they had that breakup. • 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗟𝗘𝗧𝗘...