1

15 0 0
                                    

Umuulan na naman sa labas. May bagyo ba? Ang lakas kasi ng hangin e. Mababasa na itong plates ko pag lumusong ako sa ulan. Di ko pa naman dala yung payong ko. Sabi naman kasi sa news na hindi uulan ngayon. 0 percent chances of rain daw. Scam pala yun. Tsk. Badtrip.







Nasa may shed lang ako sa corridor ng school building namin. Hindi ako makaalis dito kasi nga mababasa itong pinaghirapan kong plates. Mangiyak-ngiyak na nga ako dito e. Kasi nga ilang gabi ko itong ginawa tapos mababasa lang. Huhu. Bukas ko pa ito ipapasa sa prof ko kasi nga wala siya kanina. May emergency meeting ata ang mga teachers namin.  Tiningnan ko ang cellphone ko, tatawagan ko na lang si Gianna para makuha niya ako dito. At pag minamalas malas ka nga naman, dead bat na yung cellphone ko. Anak ng pating naman 'to!







"Hold on lang kayo. Wag kayong mabasa please. Nakasalalay ang future ko sa inyo kaya please lang tumigil na sana itong ulan"kinakausap ko na ngayon ang plates ko. As if naman na magsasalita ito. Hays.






Ulan, ano ba? Di ka pa ba titigil diyan? Baka naman tumigil ka na rin noh? Marami ka ng na-hahassle. Kung alam mo lang. At isa na ako dun. Huhu






Hanggang sa may estudyanteng tumabi ng upo sa'kin bigla sa corridor. May hawak siyang payong na kulay dilaw. May payong naman siya, pero bakit siya huminto dito?





"May bagyo siguro. Tsk"rinig kong sabi niya. Kaya napatingin ako sa kanya. Ang ganda ng side profile niya. Ang tangos pa ng ilong niya. Moreno. Matangkad. Ang gwapo na niya kahit side view lang yung nakikita ko. Bigla na lang tumibok ng mabilis ang puso ko. Teka,hoy ano bang nangyayari sa'kin?





Parang, yung puso ko nalaglag...





Pumunta ata sa kanya. Choss.






Napansin niya siguro na nakakatitig ako sa kanya kaya tumingin din siya sa akin. Bigla tuloy akong umiwas ng tingin. Nahiya ako sa ginawa kong pagtitig sa kanya. Nakita ko pang medyo ngumiti siya ng bahagya sa'kin. Lintik! May dimple pa siya!





"Anong oras na ba miss?"malumanay na tanong niya. Shett. Boses pa lang. Nakakainlove na. Paano pa kaya kung maging akin na kita. Hahaha. Oras na para maging akin na kita. Hihi. Ba't soothing pakinggan ang boses niya. Shems naman. Tukso layuan mo ako.






Pero pag siya ay okay lang din naman. Choss.





Napatingin ulit ako sa kanya bigla. Ako ba ang tinanong niya? Wala namang ibang tao dito. Kami lang dalawa so baka ako nga yung tinatanong niya.





"Ahm, ako ba ang tinatanong mo?"nahihiyang tanong ko. Ayaw ko namang mag assume na ako. Haler, di pa naman ako asyumera no!





"Bakit? May ibang tao pa ba dito?"natawa pa siya. Para bang may nakakatawa sa sinabi ko. E, wala naman. At ba't ang gwapo mo?



"Ahh. Hahaha. Ahm,3pm na"pinilit kong tumawa at sumagot sa kanya habang nakatingin ako sa apple watch ko.






"Mukha yatang hindi titila ang ulan. Na stuck tuloy tayo dito"sabi niya habang nakatanaw sa ulan na sobrang lakas pa rin ang pagpatak.





Okay lang pala umulan ng malakas basta kasama ko siya. Okay lang ma stuck kami dito forever. Promise! Di ako magrereklamo.



Chosss



"Oo nga e. Na stuck ako kanina pa. Wala naman akong payong para suungin ang ulan,"parang komportable ako na kausap siya. Parang ewan. E, di ko nga siya kilala.





Stuck With LoveWhere stories live. Discover now