9

1 0 0
                                    

"Sorry,babe I can't meet you today. I have so many things to do. Babawi na lang ako sayo ha. I love you" Dylan called me earlier. Sobrang busy niya talaga. Dapat nga maging masaya ako diba? Kasi pinapahalagahan niya ang acads niya. Sobrang busy naman ng bebe ko.

Heto ako ngayon, nag-iisa.

Heto ako, basang basa sa ulan. Joke lang. Nag-iisip ako sa kung ano ang pwedi kong e- subject sa plates ko. Well, lately, nakahiligan ko kasi ang mag- draw ng mukha ng tao. Doon kasi ako nakakahagilap o nakakabasa ng emosyon ng tao. Doon sa mga mata nila. Doon mo talaga makikita ang totoong emosyon nila. There is something about the eyes. Through the eyes you will see the truest of their emotions.

Pumunta na lang ako sa coffee shop na malapit sa condo namin. Baka doon may makita akong perfect subject. Tsaka, need ko rin tapusin yung sinimulan kong e draw sa project namin sa Architectural Design.

"Oy, ang busy ahh!"

"Ba't ka naparito?"tanong ko kay Leone, classmate namin ni Gigi. Isa siya sa pinakamaingay sa klase namin at ayaw ko sa kanya. Ang hilig kasi magtapon ng mga joke sa akin ang taong 'to. Hilig niyang mantrip. Kaya naiinis ako sa kanya. Gaya ngayon.

"Grabe naman classmate. Ang sakit mo naman magsalita."

"Mas masakit talaga pag sinuntok kita! Ano ba ang ginagawa mo dito sa table ko?"inis na sabi ko sa kanya.

"Wala lang. Gusto lang kitang inisin. Ang cute mo kasi mainis Aisha."tawang sabi pa niya. Halatang nantitrip talaga.

"Pag ikaw talaga nasuntok ko, wala talagang pasensyahan Leone!"

"Well, pag dumapo yang kamao mo sa mukha ko I've been bless"tumawa pa siyang nakakaasar.

"Ewan ko sayo! Umalis ka na nga kasi! May ginagawa ako dito. Pag ito nasira, sisirain ko rin yang buhay mo!"pagbabanta ko sa kanya.

"Para namang hindi mo na sinisira ang buhay ko Aisha,"mapakla niyang sabi sabay kamot sa buhok niya. "Haha joke lang. Ito naman, seryoso masyado. Kung sisirain mo naman, eh di willing akong magpasira habambuhay,"he chuckled.

Anong pinagsasabi nito?

"Alam mo kulang ka lang sa kape. Ayun, bili ka na doon! Alis ka na dito kasi may e-sketch ako."

"Okay kamahalan. Diyan ka naman magaling, ang paalisin ako sa buhay mo. Haha bye!" Pumuntang counter na itong si Leone para omorder kaya nagpapasalamat ako at wala ng mag-aalaska sa'kin dito.



Busy na ako sa ginagawa ko nang may naglapag ng isang cup of strawberry frappuccino sa table ko. As I raise my head to know who the hell is giving me a drink, I am stunned to see Leone, smiling from ear to ear.

"Hindi ko yan..."

"Sayo na yan. Baka kasi kulang pa yang iniinom mo. Baka mukha ko na ang ed-drawing mo. Haha bye, kamahalan kung...masungit at mapanakit,"and there,he went out.

"Kamahalan na masungit daw. Tsk
Well, mahal naman ang drink nato kaya sayang naman kung di ko ito iinumin"sabi ko sa sarili ko.

"Parang ewan talaga yung Leone na yun"sabi ko sa sarili ko.

Busy rin kasi si Gigi sa CSG things niya. Kasi nga siya ang president ng org namin kaya busy talaga siya sa upcoming Foundation Day ng university namin.

Ginugol ko na lang ang oras ko sa pagd-draw. Hindi ko na nga namalayan na gabi na pala.

Umuulan na naman sa labas. Hindi ko pa naman dala yung payong ko. Kapag dala ko ang payong ko hindi naman umuulan pero kapag hindi ko naman dala tsaka uulan. Ano ba naman yun?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 05, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Stuck With LoveWhere stories live. Discover now