4

5 0 0
                                    

Darating talaga ang panahon kung saan makikita mo na lamang ang yung sarili na mahulog. Hindi sa kanal. Kundi sa isang tao. Sa isang tao nagparamdam sayo kung gaano ka kahalaga. Na kung gaano ka kamahal-mahal pala despite being trapped in the past of twirls of different kind of pain. Darating din talaga ang panahon kung saan bubuksan mo ang pahina ng buhay mo para ipabasa sa isang tao na yun. At siya na ang magiging kaagapay mo sa susunod mo pang pahina sa kwento ng buhay mo.



At nakita ko na ang taong tinutukoy ko. At ang tao na yun ay nasa harapan ko. With his brown alluring eyes, his pointed nose, his rough jaw and his thick eyebrow, I bowed down to myself because I am now slowly falling for him. No. I am already fell in love with him. The moment he touched my soul and climbed my walls, I know I am worth to be loved as well.




Ngayon ko planong sasagutin siya. Three months na rin kasi siyang nanliligaw sa'kin. Tama na siguro ang pagiging hard to get ko. Medyo nagpabebe na ako ng very light. Kahit kasi ang totoo ang rupok rupok ko pagdating sa kanya.




"Please, tumigil ka na."




Dumaan sa mata niya ang pagtataka at di makapaniwala sa narinig niya mula sa sinabi ko.




"Pumunta ka mamaya sa 'D Smirque. May sasabihin ako sayo doon. 7pm sharp dapat nandoon ka. Okay?" Isa yung bar na malapit lang din dito. Doon ko plano na sagutin siya.





"Ahmm. Bakit Aisha? Ano ang pupuntahan natin doon? Pero sige pupunta ako." Agad na sagot niya. Kahit na nagtataka pa rin sa sinabi ko.



"May sasabihin nga ako sayo. Sige. Kita na lang tayo mamaya doon, Dylan. Wag kang malelate"pagbabanta ko pa sa kanya.




Since tapos na naman ang midterm exams ko sa lahat ng subject, okay na ang gumala nang slight tonight.




"Giiiii!!!!"sigaw ko kay Gianna para marinig niya ako. At para na rin matulungan niya ako kung ano ang susuotin ko mamaya.




"Ano ba kasi Aisha?"nakataas agad ang dalawang kilay niya.



"Ano ang susuotin ko mamaya sis? Hindi ko alam ang type na damit ni Dylan eh"





"Ayy, gaga nito. Yun lang pala ang problema. Akala ko pa naman kung ano na. Hay, iba na talaga ang sis ko pag in love. Hmmm"nasa harapan kami ngayon ng closet ko sa kwarto. Wala naman kasi akong masyadong mga damit talaga na pang party eh.





"Ito na lang ang suotin mo." Kinuha niya ang puti na sleeve top at denim na skirt.





"Sure ka sis?"




"Bagay naman sayo eh. Tsaka, kahit ano pang suotin mo ay magugustuhan ka pa rin ni Dylan. Ang lakas kaya ng amats ng lalaki na yun sayo. Winner ka dun sis! Mapapa sana all na lang ako" sambit niya.



"Sige yan na lang susuotin ko."



"My gosh, ako ang mag me make up sayo ha."excited niyang sambit pa.


Bandang 5pm nag prepare na kami ni Gianna para sa gala namin mamaya. Siya nga ang nagmake up sa'kin. Well, light make up lang naman. Sabi niya kasi maganda na naman daw ako. Char.






Nagdala na rin ako ng denim na jacket baka kasi malamigan ako roon. Kinulot pa niya ang buhok kong hanggang balikat ko na.



"You're good to go sis!"aniya habang mangha-mangha sa obra maestra niya kuno


"Tara na malapit ng mag 7pm."



Nagbook nalang kami ng grab since wala naman kaming mga kotse.



Stuck With LoveWhere stories live. Discover now