Prologue

20 0 0
                                    

Disclaimer: The story is purely a work of fiction. Names,places,incidents and locales are all part of the author's imagination. Any resemblance to living or dead is purely accidental. This is made in fictitious manner. This story is unedited please bare with me. I'll get back on this once the story is finished.

Just enjoy reading. Winks ~_^

***

"Ang init sa labas. Grabe!"reklamo ko habang papasok na ako sa opisina namin.

"Aba, senyorita. Pasensya na ha wala kasing aircon sa labas"pambabara sa 'kin ni Gianna, bestfriend ko.

Nandito kami ngayon sa office namin. We are both architects. Mayroon kaming firm na tinaguyod. Ang AG Flat. After college, we reviewed together and  passed the licensure exam together at nag-apply sa mga company at pagkatapos naming magtrabaho sa ibang company to gain experience ay nagtayo agad kami ng firm ni Gianna. Mabuti na lang at nag-click. Mayroon kaming marami ng clients. Bigtime pa. Kaya nakakatuwa. Nakakataba ng puso.


They said, we are the modern architects daw. Which I think true naman. Nagtrending kasi yung klase ng design namin na modern with a touch of European accent ni Gianna. Kaya tuloy hook na hook yung clients sa kakaiba at modernong style namin when it comes to buildings, houses and designs.



"Gi, kailan tayo iinom?"nagse-sketch na ako ngayon. Mayroon kasi akong tinatapos na project ngayon. Isang resort lang naman.


"Kakainom mo lang kagabi, tapos magtatanong ka ngayon kung kailan ka ulit iinom?! Ay grabe ka sis. Parang puro alak na ata ang dumadaloy diyan sa katawan mo"isang bote lang naman yung beer ang ininom ko kagabi. Kaya no big deal sa 'kin yun. Alam mo na pampagana kumbaga. Para gumana ang brain cells ko. Nagfreeze kasi nang very light kaya di ako makaisip ng mga creative ideas para sa next project ko. I need creative juices,kaya pinipiga ko talaga yung utak ko.



I am so passionate with my work. I put my heart and soul in designing. This is always been my happiness. It gives me thrill, I don't know parang sabik na sabik ako sa mga ededesign ko o sa mga bagay na nagagawa ko. I love architecture eh, bata pa lang ako ito na yung pinapangarap ko. It is the dream. Our dream with the man I love the most, my Papa.


"Duh! Isang bote lang yun. Hindi pa ba nag-invite sila Alana sa atin? Ang tagal na ha,"pambwelta ko at napairap na lang sa kanya.


"Naku ikaw talaga Aisha Chandria Bernardo, napaka BI mo talaga!"pagsagot niya sa'kin and she just rolled her eyes.






"Wow ha. Ako pa talaga ang bad influence, Gianna Maveign Del Rosario! Ikaw nga 'tong nagpapasama sa'kin sa club noon para makahanap ng jowa e"I fired back.


"Well, noon yun. Pero aminin mo doon mo sinagot ang first love mo and eventually your first heartbreak,ouchiee "nagdrama pa siyang nasaktan. She put her hand on her chest,na para talagang nasasaktan siya. Kung saktan ko nga talaga siya ngayon!


"Sampalin kita diyan!"nairita tuloy ako.



"Ops,bawal ang bitter,"nag wink pa siya para mas inisin ako.


"Masaya ka na? Napakamature mo talaga noh?"pagdaldal ko pa at chineck ko agad ang laptop ko.



"Well, nagyaya si Alana sa BGC mamaya. Ano g ka?"sabi niya pa habang busy siya sa laptop din niya.



Bigla nalang nawala ang irita ko at napalitan ng saya. Yey! Agad akong nagpatuloy sa pag-sketch ko sa project. Bigla akong nabuhayan sa sinabi ni Gianna.

"Punta tayo Gi! Please"pagmamakaawa ko. Alam ko namang hindi niya ako matitiis.

"Oo na. Nagreply na ako na pupunta tayong dalawa doon." Pabagsak niyang sabi. Siguro badtrip lang ito ngayon. Sana lang hindi dahil sa akin. Hahaha. Hmm baka dahil doon sa nakita namin sa mall kahapon.






Stuck With LoveWhere stories live. Discover now