8

2 0 0
                                    

"Ba't ka nandito?"tanong ko agad sa kanya.



"Gagawa lang ng ASSIGNMENTS!"he then smirked. Alam ko yung ngiti na yun eh! Nang-aasar lang siya.





"A..a..anong assignment naman yan?"di ko alam pero nags-stutter na ako.





"Chill, babe. Di naman kita kakainin. Unless you told me so,"anong pinagsasabi nito. He just winked at me at pumasok na sa loob ng condo. May dala pa siyang pagkain. Kaya dumiretso agad siya sa kusina para ihanda yung dinala niya na pagkain.





"Seriously? Pumunta ka dito ng ganitong oras para sa assignment mo "kuno". Magkaliwanagan nga tayo dito Dylan. Ipaliwanag mo sa'kin Angelo!"seryosong sabi ko sa kanya.





He just chuckled. "Hep. Hep. Kalma lang babe. Let's just eat and enjoy the food. Or I will eat you or we'll enjoy each other. You choose babe." Ba't ang sexy ng bibig ng lalaki na ito. Oh my god! Gusto ko tuloy siyang halikan. At piliin yung option 2. Argh! Ilayo niyo po ako sa tukso. Ang hina ko pa naman sa temptation. Di kakayanin ng itim na bra ko ngayon ang pinagsasabi ni Dylan. He spit sexy words and I can't help but like it anyway. Para tuloy akong nag-aabang na.
Inaano mo ba ako Dylan Angelo!?





"Ang loko mo ngayon ha! Sige. Kainin mo na ako"



Nakita kong mas lumapad ang ngiti ni Dylan.



"I mean, kumain ka na rin kasama ko. Wag kang assuming diyan!"kinakabahang sabi ko. Bakit ba lumabas yun sa bibig ko? Ano yun Aisha Chandria!? Natypo lang ganon? Parang nagt-type lang. Typo yarrn?




"Haha okay. I thought we'll have some eating session or mukbang tonight babe"patago pang ngumisi ang mokong na ito.



"Asa ka!"


"Talaga. Aasa ako syempre!"



"Ewan ko sayo!"




"You looked so flustered babe. Did I make you blushed hmmm?"ayaw niyang paawat sa pang-iinis sa'kin na.



Talagang tuwang-tuwa siya sa'kin noh?




Sinapak ko na lang siya sa braso niya. Kanina pa niya ako inaasar. Baka magising pa si Gianna kapag pinagpatuloy pa niya ang pang-aasar sa akin. Simula ng maging kami, inaasar na niya ako. Dapat ako ang nang-aasar eh, hindi ako yung inaasar. Tsk. Kainis ha. Kapag ako makaganti.





"Babe..."tawag sa'kin ni Dylan. Nasa kwarto na kami ngayon. Dito na kami nag-review. Ako nasa study table ko at siya naman nandoon sa couch nakahiga. Feeling comfortable na ang lalaki eh ano. Akala mo naman may-ari ng kwarto.






"Oh?"maikli kong sagot.




"I love you Aisha,babe!"bigla bigla na lang siyang nag a-i love you sa'kin. Kaya nagugulat ako. Alam ko namang mahal niya ako. Napakavocal lang talaga niya na tao. At isa yun sa gusto ko sa kanya kasi random lang siyang magsasabi ng I love you sa akin tapos ako kinikilig pa rin.
Sobrang sarap pakinggan.




"Kakareview mo yan!"barumbado kong sagot sa kanya. Nadismaya tuloy siya. Cute naman ng babe ko. Hahaha






"Grabe naman. Wala man lang I love you too. Iba ka na talaga. Hindi na ikaw ang Aisha na kilala ko"nag acting pa siyang kunwari nagtatampo.





"Sino ka ba?"mas inasar ko lang siya lalo. Kaya tawang tawa ako sa pinapakitang reaksyon niya. Well, ako naman this time. Akala niya ha siya lang marunong.





Stuck With LoveWhere stories live. Discover now