Chapter 8

26 6 4
                                    

First Kiss

Corinne's PoV

Lunch break na. "Hoy babae" tawag sakin si couz.

"Why?." Maarteng sagot ko.

"Wow ahh english yan. By the way ikaw nalang mag isa munang mag l-lunch, ok?." Saad niya.

"Luh bakit?" Takang tanong ko.

"Kasama ko kase si love mag lunch, and si Lynnette at Leana naman may mga agenda rin sa mga boys nila." Paliwanag niya.

"Wow ahh so pag papalit niyo ako para sakanila. Ang sasama niyo." sabi ko sabay hawak sa dibdib na parang na sasaktan.

"OA mo ahh couz. Palibhasa wala kang kalandian." Pagka sabi niya nun tumigil ako sa ginagawa ko. Wow ahh kailangan pa ba talagang ipamukha yun. Che hintayin niyo lalandiin ko rin yung hubby ko, Hahaha ang lande.

"Di wow Ikaw na may jowa kaya lumayas kana."

"Hahaha, ghe bye couz."

Hay buhay!.

Papunta na ako ng cafeteria ng biglang may humila sakin papunta sa ewan basta parang room siya."H-hoy sino k-ka?." Tanong ko pero hindi siya sumagot. Bweset sino ba ito, hindi ko kase siya makita ang dilim.

"A-ano ba bitawan ko nga ako. Nasasaktan na ako ehh." Galit na saad ko.

"Shh shut up." Malamig na saad niya. Teka— parang pamilyar yung boses niya ahh.

"Anong shut up, shut up ka diyan. Bitawan mo ak—." Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng bigla niya akong— HINALIKAN. AHHH! YUNG FIRST KISS KO!.

Medyo matagal rin yung kiss namin bago siya bumitaw. Hindi kase ako maka galaw parang naging statua ako. Pero teka tama ba yun?, Hinalikan ako ng isang stranger. Gurll!!!!! YUNG FIRST KISS KO.

"WALANG HIYA KA, BAKIT MO GINAWA YON?!." galit na saad ko. Hindi niya ako sinagot at tumakbo nalang siya paalis.

Lumabas na ako sa isang room na parang ewan para habulin siya. Pero— "Aray!." May na bunggo ako na naging dahilan para mapaupo ako sa sahig.

"Tsk stupid girl." Sabi niya. Inangat ko yung ulo ko para makita siya.

Nanlaki ang mga mata ko ng makilala siya. Si cru— este Ashton pala ang nabunggo ko.

Dali dali akong tumayo at nag sorry. " Sorry ahh, sige mauna na ako. Bye see you in the next life este see you next time." Sabi ko sabay takbo paalis.

Pero teka ano naman ang ginagawa niya dun?. Hindi kaya siya yung— hindi imposible. Pero pwede rin, pero bakit niya naman gagawin yun?. "Ughhhh!!! Naman kase ehhh!." Kaasar talaga, bakit sa lahat na kukuha ng first kiss ko isang stranger pa. Buti sana kung si Ashton ehh, de joke lang.

"Para kang batang hindi binigay ng lollipop." Asar na sabi ni— sino pa ba edi si Dylan. Bweset naman naki sabay pa sa sakit ng ulo tong lalakeng to.

"Ano nanamang trip mo ahh!." Galit na sabi ko.

"Hey chill!."

"Chill mo mukha mo!."

"Hahaha ang cute mo."

"Che! alam ko."

"Wow ahh. By the way, anong ginawa mo dito?. Nag lunch ka na ba?." Sunod sunod na tanong niya. Ayy oo nga pala hindi pa ako kumakain. Kaya pala nag wawala na yung tiyan ko.

"Ang dami tanong ah. Pero hindi pa ako kumakain."

"Tsk why?. Tara na nga sabay na tayo.no buts." Tsk ayan nanaman yung no buts no buts niya.

"Che oo na tara na."

Aalis na sana kami pero may tumawag kay Dylan. "Dylan!" tawag ni Ashton.

"Ohh bro!, May kailangan ka?." Tanong ni Dylan.

"Where are you going?." Malamig na saad niya.

"Cafeteria, why?" Sagot naman ni Dylan.

"With ms.stupid girl." Sabi ni Ashton sabay tingin sakin. Ewan ko kung kikiligin ako or magagalit.

"Aba! Ang kapal mong Sabihan akong stupid girl ahh."

"Tsk" ang tanging sagot niya.

"Ohh tama na. Alam mo bro sabay ka nalang samin." Aya ni Dylan. Tumango nalang si Ashton.

Lunch is over, andito kami sa room pero walang teacher. May meeting raw kase. Pero ito ako ngayon ini-isip ko parin kung sinong humalik sakin. Hindi kaya si Ashton, pero imposible talaga ehh. Basta ang alam ko yung lips niya parang lollip— este wala wala.

"Hoy couz." Tawag sakin ni couz.

"Bakit?!." Asar na tanong ko.

"Bad mood yarn?."

"Che ewan ko sa'yo."

Pagkalipas ng ilang oras uwian na, actually ang aga nga naming lumabas ehh. Sa sasakyan ni Dylan kame sumakay, diba nga sinundo niya ako kaninang umaga, tapos si couz hindi niya dala yung sasakyan niya kase sumabay nga siya kay Dylan.

"We're here." Sabi ni Dylan. Makiki kain daw kase sila samin, diba ang kapal ng face.

"Ohh tara na, pasok na kayo." Aya ko.

Pag pasok namin sa bahay nakita ko sila Mama, at Sierra. "Ate!! Andito kana pala." Sigaw ni Sierra. "Kapatid mo?." Bulong na tanong sakin ni Dylan, tumango nalang ako bilang sagot.

"Uhh ate sino sila?" Tanong ng magaling kong kapatid. Naku!! Baka maalala niya yung sinabi ko sakanya, talagang lagot ako nito. "Mga schoolmates ko and friends na rin. Eto si Dylan, Aiden, Louis, Nick, and Ashton." Pag papakilala ko sa lima.

Biglang lumapit si Ashton kay Sierra at nag pakilala. " Uhm hi I'm Ashton Gonzalez but you can call me—." Hindi niya natuloy yung sinasabi niya dahil biglang nag salita si Sierra. "Kuya? Pwede po bang kuya nalang?" Saad nito. "Sure." Sabi ni Ashton, pero hindi man lang ngumiti.

Bigla namang lumapit sakin ang kapatid ko. " Ate ang bait pala ng boyfr—." Hindi niya na tuloy ang sinasabi niya dahil bigla kong tinakpan yung bibig niya. Bweset na batang to sabi na ehh!!. Kung ano ano nanamang sasabihin niya. " Ohh siya anak kumain na kayo, nga pala ako si Irma. Mama ni Corinne pwede niyo naman akong tawaging tita." Pagpapakilala ni mama.

Tapos na kaming kumain. " Ahh nga pala Corinne do you have plans tomorrow?." Tanong ni Dylan, ayy oo nga pala Saturday bukas. Bakit parang makakalimutin ako ngayon. "Wala naman." Wala naman kase talaga akong gagawin. Maliban nalang sa pagkain ko mag hapon. "Nice!, Gusto sana kitang yayain pumunta ng mall, if pwede? Ano naman ang gagawin namin doon?. "Uhmm sure why not!." Yon may plans na ako bukas, Hahaha First time de joke lang.

Ilang minuto rin ang lumipas at naiisipan na rin nilang umuwi. " By the way, Corinne tomorrow punta na ako rito ng mga 10am, ok?." Sabi ni Dylan. "Ok!" Nakangiting saad ko, at umalis na sila.

Umakyat na ako sa kwarto ko at natulog. Feeling ko kase pagod ako ngayong araw, yung katawan ko kase parang ang bigat. "Hayyy!!!, Good night self!."







"  ++Don't forget to Vote, Comment and Share. 😉 ++ "

Love At First Sight Where stories live. Discover now