Comeback
Corinne's Pov
Pagkatapos nilang mag iyakan niiwan ko muna sila. Para naman makapag usap silang dalawa.
Palakad lakad ako ngayon. "Ang tagal naman nilang mag usap, gutom na ako" sabi ko sa sarili ko.
"Para kang tanga diyan couz" biglang sabi ni couz.
"Ayy sira ulong tao!. Ayy couz i-ikaw pala Hehehe" gulat na saad ko.
"Wow ah maka sira ulo naman to wagas"
"Ikaw kase, nga pala ok na kayo?, Comeback na ba?." Tanong ko. Alam ko kase marupok tong babaeng to.
"Hindi pa, pag iisipan ko muna. Sabi ko sakanya bukas malalaman niya yung sagot ko." Wow ahh!.
"Tsk bakit bukas pa. Ehh ganun rin naman babalikan mo den." Pang-aasar ko.
"Che pake mo ehh, gusto ko ehh. Tara na nga umuwi na tayo." Aya sakin ni couz.
Paalis na sana kami ng may tumawag samin este kay couz pala.
"Cynthia my loves" tawag ni— sino pa ba edi si Aiden.
Pag lingon namin nakita ko na may kasama siyang ibang babae de joke lang, kasama niya yung mga kaibigan niya.
"Oh bakit?" Tanong ni couz.
"Sabay na kayo samin?" Si Aiden.
"Hindi na, may sasakyan naman ako. Soon nalang." Si Couz.
"Uhmm ok, then bye see tomorrow. I'll wait for your answer." Sabi ni Aiden sabay kindat kay couz.
"A-ah ok, bye ingat k-kayo" ganun ba kalala ang epekto ng kindat ni Aiden para mautal siya.
"Hoy babae ang landi mong bweset ka." Sabi ko kay couz. Halata kaseng kilig na kilig, para na siyang kamatis sa pula ng mukha niya.
"Grabe ka naman couz. Pag bigyan mo na minsan lang to." Sabi niya.
"Hay nako. Nga pala anong pangalan nung ibang kasama ni Aiden?." Tanong ko baka kase makalimutan ko nanamang itanong.
"Hahaha oo nga pala hindi mo pa sila kilala." Natatawang saad niya. Hindi na ako nag react at hinintay ko nalang yung sasabihin niya.
"Silang lima ang pinaka sikat dito sa school, dahil sa talino at yaman nila." Sabi niya at nilabas niya yung cellphone niya, at pinakita sakin yung picture nung lima.
"This is Dylan Ray Villanueva, Mark Louis Silverio, Aiden Reyes, Nick Sanchez and si Ashton Gonzalez." Pag papakilala sa lima. Ashton pala name nong crush ko heheheh. Si Dylan siya yung laging nang-gugulat sakin. Makakaganti rin ako sa lalakeng yon.
"Magkakaiba sila ng personality, talented rin silang lima, at mayaman,hindi lang dito sa Pinas kung hindi sa iba't ibang bansa din. And also they can speak different languages."
"Ahh ganun ba, ohh siya tara na uwi na tayo." Pag aaya ko sa kanya. Gutom na kase talaga ako eh.
Nasa bahay na ako nakakain na rin ako. Kasalukuyan ako ng f-facebook.
"Hmm try ko kayang I add silang lima." Si-nearch ko yung mga account nila tapos nag friend request ako. Syempre add na agad. Makapal face ko ehh.Wala pang limang minuto ina-accept na nila ako. Whoaa!!! Bilis ahh. Pero teka seroyoso to pati si Ashton ina-accept rin ako, ayieee kenekeleg eke enebe hahaha baliw.
Habang nag m-moment ako biglang may nag chat sakin.
From: Dylan Ray Villanueva
Good evening stalker : )Aba kapal ng mukha niya ahh. Hindi naman ako stalker noh sadyang gusto ko lang makipag-kaibigan.
To: Dylan Ray Villanueva
Kapal mo namang sabihan akong stalker ahh!!From: Dylan Ray Villanueva
Bakit hindi ba?To: Dylan Ray Villanueva
Hindi naman talaga ehh.From: Dylan Ray Villanueva
Well sabi mo ehh, by the way matulog ka na. Kami ang susundo sa'yo tomorrow.To: Dylan Ray Villanueva
Anong susundo?, Close tayo? Close tayo?. Hindi diba. Tsaka hindi niyo naman alam yung address ko ahh.From: Dylan Ray Villanueva
No, hindi tayo close but now yes. No buts, And it's a secret ok. So go to your bed now and sleep.To: Dylan Ray Villanueva
Chee!! Ewan ko sayo. Good night na.From: Dylan Ray Villanueva
Good night.After namin mag usap ay natulog na ako. Inaantok na rin kase ako.
Kinabukasan...
Goooddd Moorninggg Universe!!. Hindi talaga ako good mood lutang nga ehh, ang aga ko kaseng nagising.
Nag toothbrush muna ako, tsaka nag hilamos muna ako ng mukha, tapos bumaba na. Medjo pa pikit pikit pa ang mga mata ko.
"Good morning ma!" Bati ko kay mama este hindi ko sure kung si mama talaga kase naka-pikit pa yung mga mata ko. Nagunat-unat muna ako at ng pag mulat ko ng mga mata ko— anak ng— , lupa lamunin mo ako ngayon na.Ahhhhh!!! bakit andito si Dylan at si— ASHTON. Seryoso pala yung pag sundo niya sakin pero bakit ang aga nila?.
Parang may sariling katawan ang mga paa ko, at tumakbo pabalik sa kwarto. Tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin. Napanganga nalang ako sa itsura ko. "GURRLLL!!. Ibig sabihin nakita nila akong ganito, as in sa ganitong itsura ko." Mukha kase akong bruha sa gulo ng buhok ko. Teka wala naman akong pake sa itsura ko pero bakit ngayon— hayy!!! Nevermind.
Pagkatapos kong pag sisihan ang itsura ko kanina naligo na ako at bumaba. Kumain na rin ako kasabay ko nga sila ehh. Kung itatanong niyo ang reaksyon ko, gurll wag na kase nahihiya pa rin ako hanggang ngayon.
Sangayon nasa school na kame. Si Couz hindi ko kasama pumunta kase sa rooftop para sagutin yung tanong ni Aiden kahapon.
Tsskk ewan ko sa babaeng yon babalikan rin naman pina-tagal pa. Nga pala kasama ko si Dylan wew friends de joke lang hinihintay niya rin daw kase si Aiden dahil may practice pa raw sila. Si Ashton naman nauna na ewan ko ron kung saan pupunta,hindi naman kase sinabi. Bakit hindi niya sinabi sakin?.
Pagkalipas ng ilang minuto tapos na rin sila— mag usap ohh mga utak niyo paki linis please. Bigla akong niyakap ni Aiden na ikinagulat ko "Thank you Corinne. Thank you kase tinulungan mo kameng magkabalikan." Sabi niya sabay kalas ng yakap.
"You're welcome basta pangako mo sakin na hindi mo na siya sasaktan. Hay naku Aiden pag nalaman ko na sinaktan mo siya ulit malilintikan ka sakin."
"Yes promise I will never hurt her again".
" ++Don't forget to Vote, Comment and Share. 😉 ++ "
YOU ARE READING
Love At First Sight
RomanceMeet Corinne Mendez ang babaeng makulit, kalog, mabait at higit sa lahat bitter sa pag-ibig. What if ma love at first sight siya sa isang lalakeng walang pake sa mundo in short cold.Ano kaya ang mangyayari sa kanilang dalawa? ****** Disclaimer: This...