Chapter 10

28 6 23
                                    

Birthday

Corinne's PoV

"Hoy couz, bat tulala ka?" Tanong ng magaling kong pinsan. Andito kase silang dalawa ng boyfriend niya sa bahay namin.

"Wala may iniisip lang."

"Sino?, Si Dylan ba?. Ayiee si couz luma-love life na." Pang-aasar niya.

"Che! anong luma-love life. Hindi noh, tsaka hindi ko iniisip yung lalakeng yun. Ang iniisip ko kung pupunta ba ako doon sa birthday nang ate niya mamayang gabi." Sunod sunod na sabi ko. Naman kase tong babaeng toh, sarap sampalin.

"Ay invited ka?" Tanong niya.

"Oo, bakit?"

"Naku couz! Wag mo ng pag-isipan yan. Pumunta ka."

"At bakit?"

"Pupunta rin kase si babe mamaya." Sabi ni Aiden.

"Hmm... Oo na, pero sunduin niyo ako. You know wala naman akong sasakyan."

"Sige couz no problem. By the way may susuutin ka na ba?" Tanong nanaman niya. Bweset oo nga pala.

"Tsk! So wala nga?"

"Wala!, kaasar bakit kase pati yan po-problemahin pa. Pwede naman na hindi ako pumunta." Asar na sabi ko. Ka stress naman kase.

"Hahahah masyado kang stress couz, don't worry I got you. Buti nalang dala ko yung isa ko pang binili kanina before kame pumunta dito."

"Weh?, Patingin."

"No. Later nalang."

"Ikaw couz! Baka kung ano nanaman yan." Baka naman kase hindi ko tipo yung ibibigay niya.

"Basta later nalang, oppss! Wag mangulit."

*

*

*

"Bye couz, see you later sa party." Paalam ni couz, at umalis na.

5pm na sila umalis napa-sarap kase yung kwentuhan naming tatlo.

"Mah, baka oras na poh ako makauwi mamaya." Paalam ko kay mama. Alam na niya kase na pupunta ako sa birthday ng sister ni Dylan. Pero baka naman kase sobrang late na ako makauwi noh.

"Ahh ghe nak. Dalhin mo nalang yung susi." sabi ni mama. Tamango nalang ako at umakyat na papunta sa kwarto ko.

5:38pm palang mamaya pang 8pm yung start ng party kaya naiisipan ko munang matulog kahit 30 minutes lang.

"Ateeeeee!!!"

"Arayyy!, Ano ba Sierra!" Galit na sigaw ko. Sino ba namang hindi magagalit ikaw kaya itong sigawan malapit sa tenga.

"Hahahaha sorry ate. Ginising lang naman kita." Tumatawang saad niya.

"Ok na sana ehh na ginising mo ako. Pero bakit sa ganung paraan, bweset ka."

Love At First Sight Where stories live. Discover now