Chapter 14

20 5 0
                                    

Leana

Corinne's PoV

Sinong mga lalake?, Bakit ako lalayo?, Bakit ako yung tatargetin?. Mga tanong na nasa utak ko simula kahapon, Hindi nga ako nakatulog ng maayos. "Huy couz, may problema ka?" Kahapon pa nila tinatanong sakin yan, pero ang tanging isinagot ko lang. "Oo."

"Corinne, are you sure?" Nag-aalalang tanong ni Dylan.

Huminga ako ng malamin. "Medjo oo, medjo hindi." Diba ang gulo ko. "What do you mean?" Tanong naman ni Nick. "Well kahapon kase may naka-usap akong babae sa cr, and sabi niya lumayo daw ako dun sa mga lalake. Ewan ko kung kayo ba yung tinutukoy niya or ibang lalake. Then sabi niya pa baka ako daw yung next target" Paliwanag ko. Biglang naging seryoso ang mukha ng apat, si Ash lagi naman kaseng seryoso yan.

"What's her name?" Seryosong tanong ni Ash.

"Ewan, Hindi ko kase natanong."

"Ok ka lang ba?, May ginawa ba yung babae sayo?" Sunod sunod na tanong ni Dylan.

"O-ok lang naman ako, tsaka W-wala naman siyang ginawang masama." Nauutal na sagot ko.

*Ring*  *Ring*  *Ring*

"Who's that?" Tanong ni Ash.

"Si Leana, ah wait lang sagutin ko lang." Sabi ko, at lumayo ng kaunti.

"Hello, Leana. Buti napatawag ka—" bigla akong tumigil ng may narinig akong putok ng baril.

"L-leana—" Hindi natuloy ang gusto kong sabihin ng biglang namatay ang tawag.

Tinry kong tawagin ulit siya, pero hindi sumagot. "Couz, ok kalang. Ano daw gusto ni Leana?" Tanong ni couz. "B-baril, couz may narinig akong putok ng baril." At tuluyan nanga akong umiyak. "A-ah?"

"C-couz, n-nasa panganib siya." Umiiyak na saad ko.

Lumapit si Dylan sakin, at niyakap ako. "Shhh, hahanapin natin siya." Mga salitang sinabi niya na naging dahilan para kumalma ako. "Paano? Kailangan na natin bilisan, couz sinabi niya ba kung nasaan siya?" Nag-aalalang tanong ni couz, habang nagpipigil ng iyak. "Ewan, w-wala siya sinabi."

"Alam kona kung saan siya, at alam kona rin kung sinong kumuha sakanya" Biglang sabi ni Nick, sa mukha niya seryosong seryoso siya"Asan siya?" Ngunit imbis na sagutin yung tanong ko. "Bro nasa usual place. Ugh! Ginawa nanaman niya." Sabi niya, na naging dahilan sa pagkunot ng noo ko.

Tumakbo sila paalis at sumunod naman kame, pag dating namin sa parking lot. "No, dito lang kayo. Delikado." Pigil ni Ash. "Hindi sasama ako." Pilit ko. "Corinne, please. Delikado, baka may mangyaring masama sainyo." Nag-aalalang Sabi ni Dylan

"Hindi, sasama ako. Wala akong pake kung mapahamak ako." At sa puntong yon, hindi ko na napigilan ang sarili kong sumigaw. "Ah— ugh, Basta wag Kang aalis sa tabi ko." Sabi ni Ash at hinatak ako papuntang sasakyan niya.

Mabilis ang takbo ng sasakyan, kaya mabilis rin kaming nakarating. "Bahay?" Or mas magandang sabihin na lumang bahay. Luma pero mataas, at halatang maganda ito nung bago bago palang "Paano naman napunta si Leana dito?"

*Ring* *Ring* *Ring*

"That's her?" Tanong ni Ash.

"O-oo, wait lang." Sabi ko, at sinagot ang tawag.

Love At First Sight Where stories live. Discover now