Truth
Nick's PoV
Hindi ko alam ang sasabihin ko, Hindi ko alam kung saan ako mag sisimula. Wala akong pake kung magalit sila sakin. Basta ang alam ko ligtas ang mag ina ko. "Patawarin niyo ako, ako ang may kasalanan." Saad ko, tinignan ko si Cynthia na nag pipigil ng galit.
"Paano? Kailan? Saan?" sunod sunod niyang tanong.
Tumingin ako kay Leana, tumango naman siya. Huminga ako ng malalim at nag simulang sabihin ang lahat. "Nasa hotel ako that time, lasing ako. Biglang may kumatok sa room ko and pag bukas ko ng pinto hindi ko ma recognize kung sino siya, kaya akala ko yung girl lang na naka flirt ko sa bar. Then she suddenly kissed me, and I kissed her back. Nawala na ako sa control at dun na may nangyari samin."
"Pag gising ko dun ko nalang siya nakilala, At nagulat ako na si Leana pala yun. Ginising ko siya and bigla nalang siyang umiyak at sorry nang sorry. Sabi ko sakanya uminom siya ng Pills, pero sorry lang talaga siya ng sorry. After a few days tumawag siya sakin sabi niya mag kita daw kami, nung nag kita kami bigla niyang sinabi na buntis siya."
"To be honest t-tinaboy ko siya nung una, at sinabi kong ipalaglag niya ang bata. Pero lagi siyang nangungulit sakin at sa bandang huli tinanggap ko na rin." Paliwanag ko sakanila.
Biglang umiyak si Leana, agad akong lumapit sakanya at niyakap siya "N-nick s-sorry..." Pag s-sorry nanaman niya. "Hindi kasalanan ni Nick ang lahat." Saad niya sabay tingin sakin, nag taka ako sa sinabi niya.
"N-nick hindi mo kasalanan ang lahat, b-biktima ka." Hindi ko alam ang sinasabi niya, bakit ngayon sinisisi niya ang sarili niya. Takang taka pa rin ako "What do you mean?" Tanong ko.
Leana's PoV
Huminga ako ng malalim at pinunasan ko ang aking luha. "I think eto na yung araw na need mong malaman ang lahat." Sabi ko at hinawakan ang kayang pisngi, halata sa mukha niya ang pag tataka. "N-nick I'm sorry, I'm really sorry. P-planado ko ang lahat." Saad ko na ikinagulat nilang lahat.
"W-what? Anong planado?" Takang tanong niya sakin.
Pinigilan kong hindi umiyak "N-nick that time dinala ako ni Jake i-i mean John sa bar, then nag paalam siya sakin na mag c-cr daw siya. Hinintay ko siya ilang minuto ang nakalipas wala pa rin siya. K-kaya sinunda ko na siya, a-at dun n- nakita ko na He's making out with another girl."
"Nagulat siya ng makita ako, nag bihis siya at hinila ako sa isang room. Galit na galit ako that time at nasampal ko siya, at sinabi kong mag break na kami. Pero ayaw niya, Hindi ko alam kung bakit or anong dahilan. Pero pinilit ko ngunit sinaktan lang niya ako at pinagbantaan. Kaya umalis nalang ako nun, uminom ako nang marami and nung bigla kong nakita si Nick..." Tumingin ako sakanila lahat, at huminga ng malalim.
"D-dun ko na plinano ang lahat—" tumigil ako, nanginginig ako, natatakot. Baka maging marumi ng babae ang tingin nila sakin.
"Plinano ang ano Leana?!" Galit na tanong sakin ni Nick, pinigilan kong hindi umiyak at ipinag patuloy ko.
"Plinano kong mag pabuntis sayo Nick, patawarin mo ako." Kasabi ko ng mga salitang yun umiyak na ako, hindi ko na kaya.
"N-nick s-sorry, patawarin mo ako. Kaya hindi ako uminom ng pills para mabuntis mo ako patawarin mo ako Nick." Umiyak na saad ko, tinignan ko siya. Nakatulala siya at umiiyak.
"Bakit Leana?! Anong dahilan mo?! Nasisiraan ka na ba Ng ulo mo!" Galit niyang saad, siguro nga nasisiraan na ako ng ulo.
"Patawarin mo ako Nick, Plano ko na magpabuntis sayo para iwan na ako ni John. Patawad Nick ang bobo at tanga ko at na isip ko yun, patawarin mo ako." Tumayo ako at lumuho sa harap niya, tinignan ko siya. Tulala pa rin siya at umiiyak.
"S-sorry Nick." Alam kong wala ng magagawa ang sorry ko. Dahil andito na eh nabuo na , kaya para saan pa. Ang tanga ko ang tanga tanga ko.
Tinignan ko siya and this time nakatingin na rin siya sa'kin. "Ipalaglag nalang natin to." Saad ko
Hindi nag salita si Nick naka tingin lang siya sakin, grabe anong ginawa ko. Inalis ko ang tingin ko sakanya, pagka alis ko ng tingin umalis siya. Sinundan naman siya nung apat. Iyak pa rin ako nang iyak, bigla akong itinayo ni Cynthia. Niyaka ko siya at humagulgol "A-ang bobo ko, napaka tanga ko."
Corrine's PoV
Nakakagulat, Hindi ako makapaniwala na nagawa ni Leana yun. Nilapitan ko si Leana at kinausap "Leana—"
"Corrine ang tanga ko, ang rumi kong babae napaka bobo ko." Saad niya habang umiyak.
Hinawak ko ang kanyang mga kamay "Hindi ka maruming babae, wag na wag mong sasabihin sa sarili mo yan ah. Pero aaminin ko nagulat ako, Leana bakit? Bakit sa ganun paraan mo ginawa?" Sabi ko, hindi ko na napigilan maluha.
"Patawarin niyo ako—" pagkasabi niya ng mga salitang yon, nawalan siya nang Malay.
"Nurse! Nurse! Nurse! Tulong!" Sigaw ko, mabuti nalang at biglang may dumating na dalawang nurse.
"Nurse, tumawag kayo ng doctor!" Tarantang sigaw ni couz.
Umalis yung isang nurse para tumawag ng doctor, habang itong isa chinecheck si Leana. Maya't maya ay dumating din si doc, lumabas ako ng room para hanapin sila Nick.
Nakita ko sa labas ng hospital si Dylan, "Dylan! Asan si Nick?" Tanong ko.
"Bakit? Andun" turo niya, pupuntahan ko na sana ng bigla niya akong pigilan.
"I think wag na muna—"
"Anong wag?, Dylan nawalan ng malay si Leana. Ano ba!" Sigaw ko.
Tumakbo ako, nakita ko si Nick na umiiyak at may dugo sa kamay. "Nick... Si Leana—" bago ko pa matuloy ang gusto kong sabihin, bigla siyang sumigaw.
"Ano ba?!, Umalis nga kayo!" Sigaw niya.
Lumapit si Dylan at bigla niyang sinuntok si Nick "Tsngina bro yung mag ina mo, si Leana nawalan ng malay. Umayos ka!" Galit na sigaw ni Dylan.
Napalitan ng pag-aalala ang mukha ni Nick, tumakbo siya at sinundan naman namin siya.
Pag pasok namin sa kwarto, nakita namin si Leana na chinecheck ni doc. Si couz umiiyak, nilapitan siya ni Aiden at niyakap. "Doc, kumusta na po siya?" Nagaalalang tanong ni Nick.
"Ok pa naman po si Ms. Leana, uulitin ko po. Wag niyo pong pa stressin si Mr. Leana. She's lucky dahil Walang nangyaring masama sakanya." Saad ni doc at umalis na.
Lumapit si Nick kay Leana "I'm sorry, nabigla lang ako. Oo nagalit ako sayo, pero Leana please lang. Wag mong pababayahan ang sarili mo ah." Sabi niya habang umiiyak.
"Corrine, are you okay? " Biglang tanong ni Ash.
"Ano ba yan Ash, nakaka gulat ka naman. Hmm oo naman, ok lang ako." Saad ko.
"Guys I think kailangan muna natin silang iwan, Tara." Pag aaya ko.
Tumango naman sila at lumabas na kami sa room. Nilapitan ko si couz at niyakap. "C-couz..." Umiiyak na saad niya.
"Shhh... Magiging ok lang si Leana, hmm?" Sabi ko at pinunasan ang kanyang luha, sa totoo lang kanina pa ako nag pipigil nang luha ako.
Nakakagulat pa rin lahat ng mga nalaman namin, pero sana maging ok na ang lahat.
" ++Don't forget to Vote, Comment and Share. 😉 ++ "
YOU ARE READING
Love At First Sight
RomanceMeet Corinne Mendez ang babaeng makulit, kalog, mabait at higit sa lahat bitter sa pag-ibig. What if ma love at first sight siya sa isang lalakeng walang pake sa mundo in short cold.Ano kaya ang mangyayari sa kanilang dalawa? ****** Disclaimer: This...